epilogue

12 5 1
                                    

1 Year Later...

Haist. Ang lamig ng simoy ng hangin. September na talaga at papunta ako sa sementeryo para bisitahin siya.

Pagkadating ko sa sementeryo, pumunta kagad ako sa puntod niya. May dala akong mga bulaklak para sakanya. Pagkadating ko sa puntod niya, nilapag ko yung mga bulaklak at nag sindi ng kandila.

Umupo ako sa may lapida niya at nilinisan ito. "Isang taon na pero madaming hindi pa nakakaget over sa pagkamatay mo." sabi ko.

"Alam mo ba na madami ng nangungulila sayo?" tanong ko. "Mas lalo na ang tropa natin." dag dag ko.

Tumulo naman mga luha ko. "Bakit ganon? Isang taon na ang nakalipas pero tumutulo na padin ang mga luha namin para sayo?" tanong ko.

"Kailangan mo ba kaming iwan? Alam mo bang masakit yun? Ang iwan kami ng basta basta? Ng hindi nag papaalam? Ng walang last words?" tanong ko ulit habang tumutulo mga luha ko.

Bakit mo ba kasi kami iniwan? Ang sakit. Bigla bigla na lang nawala. Ang sakit kaya nun. "WAH!"

"AY KINALABAW NA PALAKA!"

"Wahahaha! Nagulat ulit kita, Baby."

"Pang ilan na yan, Jeonghye?"

"Umm... hindi ko alam? Hehe. Kanina ka pa ba andito sa puntod ni Hyejin?"

"Hindi naman."

Nilapag ni Jeonghye yung mga bulaklak sa tabi ng pinaglagyan ko at umupo sa tabi ko.

Nailigtas pa ako ni Jeonghye nung nahuhulog kami sa university at pagkabukas ko ng mga mata ko nun, nasa school clinic ako. Hindi ko nakita si Jeonghye nun pero nung sumunod na araw, nakita ko siya sa gate ng school at ako naman tong masaya, tumakbo ako kay Jeonghye at yinakap ko siya tsaka naging kami.

Tao na si Jeonghye, wala na yung mga pak pak at sungay at pangil niya. Ano naman ang nangyare kay Hyejin? Inatake ng hika. Sinugod pa nga ni Jin hyung sa ospital kaso dead on arrival. Nakulangan ng hangin.

Nakagraduate na din kami. At last. "Baby, okay na ba si Jin? Nakamove on na ba siya?" tanong ni Jeonghye.

"Ayan ka nanaman sa pagiging selfless mo, Baby." sagot ko.

"Ang sakit kaya mawalan ng mahal sa buhay, mas lalo na pag sobrang close kayo."

"Pinapatamaan mo ako?"

"Hindi hehehe."

"Alis na tayo."

Nauna akong tumayo at tinulongan ko si Jeonghye na tumayo. Nag paalam na kami kay Hyejin at umalis na sa sementeryo.

Pumunta kami sa mall at nakaakbay lang ako kay Jeonghye. May tumigil naman sa haraoan namin na babae. "Y-Yeji, m-musta?" nauutal na tanong ni Jeonghye.

"I'm good, thanks to you." sagot nitong Y-Yeji.

Ay choke lang. "Simula nung nawala ka, naguilty ako kasi ginawa kitang lackey ko. Jeonghye, sorry talaga. Akala ko nag pakamatay ka kasi ginawa kitang lackey ko. Pwede ba tayo maging friends?" dag dag pa ni Yeji.

"Totoo ba yang sinasabi mo?" tanong ko ng may pang huhusga at binulsa ko yung isa kong kamay.

"Yes, of course. Ilibre ko pa nga siya eh." sagot ni Yeji.

Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon