chapter 9

10 5 1
                                    

[Jeonghye's POV:]

"Pwede mo ba ikwento yung nakaraan mo?" tanong ni Hoseok.

Napatitig na lang ako sa mga mata niya. Ang gwapo niya. "Makikinig ako." dag dag niya.

Tumango ako tsaka ako nag simulang mag kwento.

"Ilayo niyo ako sakanila! Parang awa niyo na! Ilayo niyo ako sakanila! Please! Andiyan sila sa tabi tabi ko! Ilayo niyo na ako sakanila!" sigaw ko habang pinapasok nila ako sa mental hospital.

Andiyan sila lagi sa tabi ko. Binabantayan ako. Mga demonyong palaging gumugulo sa utak ko. "Jeonghye, andito lang ako sa tabi mo para sayo. Wag kang mag alala, ako mag babantay sayo." sabi ni Wonwoo, ang nag iisa kong kaibigan na doktor dito sa mental hospital.

"Wonwoo, ilayo mo ako sakanila, please." pag mamakaawa ko at pinasok na nila ako sa isang kwarto kung saan ako lang ang andito.

Nilock nila yung pinto at nawala naman yung mga gumugulo ng utak ko. Sa wakas.

Umupo lang ako sa kama ko. Nakatitig sa pader. Akala ko wala na sila pero lagi silang andiyan. Lagi nila akong binabantayan. Kung ano ano ang binubulong nila pero hindi ko sinusunod.

May pumasok sa kwarto ko, si Wonwoo. Tinignan ko lang siya na walang expression sa mukha. Madaming gumugulo sakin. Yung mga demonyo at yung nakaraan ko. Yung nakaraan kong ako ang may kasalanan. Yung nakaraan ko na ako ang nag patay sakanilang lahat. Mga kaibigan ko. Ang pamilya ko. Ako ang nag patay sakanila.

"Jeonghye," tawag ni Wonwoo tapos tinignan ko siya ng blangko "Who are they? What happened to your past kaya ka naging ganito?"

Hindi ako sumagot. May bumubulong sakin na patayin ko si Wonwoo. Sakalin ko siya. Mabilis akong huminga at naluluha ako ng mainit na mga luha. "I'm sorry." sabi niya at pupunasan na niya sana yung mga luha ko pero hinawakan ko ng mahigpit yung kamay niya.

Napansin ko naman na nasasaktan na si Wonwoo at napansin ko naman yung ginagawa ko kaya binitawan ko.

Si Wonwoo ang nag alaga sakin habang hindi ako nag sasalita. Hindi siya nag tanong ng kung ano ano sakin kaya medyo okay lang ako.

Tuwing gabi, puro kamatayan ang napapaginipan ko. Kamatayan ng mga kaibigan at pamilya ko. Isa sa tatlo ng kaibigan ko pinugutan ko ng ulo. Pangalawa sa tatlo ng kaibigan ko pinag sasaksak ko sa sikmura. Yung pangatlo naman binalatan ko ng buhay. Yung pamilya ko, isa isa ko silang kinidnap at nilagay sa isang bahay para sinugin silang buhay. Lahat ng yun pero ay bulong ng mga demonyo.

Nahuli nila ako na palaboy laboy sa mga kalsada at tumakbo naman ako ng mabilis kaya pinag isipan nila na baliw dahil sa kung ano ano na ginagawa ko. Kung ano ano kasi ang binubulong nila.

Habang inaalagaan ako ni Wonwoo, may inamin si Wonwoo. "Jeonghye," tawag ni Wonwoo "I like you. Kahit na ganyan ka, I like you because you are beautiful and you are fighting it."

Hindi ako umimik kaya hinayaan ko na lang siyang mag kagusto sakin.

Isang hapon, may pumasok sa kwarto ko pero hindi niya nilock yung pinto. Tumayo ako bigla ng hindi nag iisap at lumabas ng kwarto ko.

Nag lakad ako paakyat sa rooftop ng hindi ko namamalayan at tumayo ako sa pinakadulo. "SHIN JEONGHYE!" sigaw ni Wonwoo at napalingon ako sakanya.

"Help me," sabi ko habang tumutulo mga luha ko "Jeon Wonwoo."

Nakita kong tumakbo papalapit sakin si Wonwoo pero huli na ang lahat kasi nahulog na ako sa building. Pinag hihila ako ng mga demonyo kaya ako napunta sa impyerno.

"Eto ako ngayon, hindi ko naman talaga ginusto ang maging demonyo. Kinokontrol lang ako ng mga demonyo." sabi ko.

"Sorry." sabi ni Hoseok.

"Hindi mo naman kasalanan."

"Umm... Jeonghye, may maitutulong ba ako?"

"Kaya mo na ibalik ang inosenteng ako?"

"Lie lang ang peg? Pero, may mga kaibigan ako na pwedeng tumulong."

"Hoseok hyung, pinapauwi ka na ni tita." sabi ni Jungkook na biglang pumasok sa kwarto ko.

"Sige. Jeonghye, babalik ako mamaya. Kook, ikaw muna mag bantay kay Jeonghye." sagot ni Hoseok.

Umalis na si Hoseok at naiwan kami ni Jungkook. "Lam mo, gusto ka nun." sabi ni Jungkook at umupo sa tabi ko.

Namula naman ako. "Sabi pa nga niya maganda ka eh." dag dag niya.

Mas lalo naman akong namula. "B-Bakit mo toh sinasabi sakin?" nauutal kong tanong.

"Gusto mo siya yung mag sabi?" tanong pabalik ni Jungkook.

Malamang. Gusto ko si Hoseok eh kaya ako nakikipag kaibigan sakanya nung una pa lang.

Di nag tagal, gutom na ako. Gusto ko kumain ng hindi karne pero yung mga halimaw sumisigaw ng karne. "Kook, hindi ka ba hinahanap ni tita at pano mo nalaman na andito ako? Si Jimin noh?" tanong ni Hoseok na kakadating lang.

"Hindi. Nag paalam ako kasi good boy ako hehe at nag tanong ako sa mga hyung tapos sabi ni Yoongi hyung andito ka daw sa ospital kaya ayun." sagot ni Jungkook.

"Jeonghye, sabi ng doktor pwede ka na daw umuwi." sabi ni Hoseok habang nakatingin sa ibang direksyon pero halata sa boses niya na nag aalala siya.

"Takot akong umuwi. Baka may magawa ako." sagot ko.

"Iwan ko na kayo. Usapan ng mag syota toh." sabi ni Jungkook at umalis na.

"Aba. Gageu tong batang toh ah." sabi ni Hoseok at mukhang naiinis. Natawa naman ako sa itsura niya.

Bumangon na ako sa kama ko at umalis na kami ni Hoseok sa kwarto ko. Gutom pero ako. Nag aalala ako kasi baka makain ko siya.

Habang nag lalakad kami kasi ang sabi ni Hoseok ihahatid na lang daw niya ako pauwi, biglang sumama sikmura ko. Napahawak naman ako sa tiyan ko. Gutom na talaga ako. "Okay ka lang?" tanong ni Hoseok at hindi nanaman siya nakatingin sakin pero nag aalala siya.

"Sumama lang sikmura ko." sagot ko.

"Hindi ka pa kasi kumakain."

"Gutom na yung mga halimaw."

"Kumain ka kaya muna."

"Hindi pwede. Baka makain kita."

"Huwag ka naman manakot oh."

"Seryoso ako baka maka--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi napaluhod ako at nag suka. May mali yata sa nakain ko kagabi. "B-Bakit dugo ang s-sinuka mo?" tanong ni Hoseok.

"Dahil yung sa kagabi. May mali yata don sa leon o sa magsasaka." sagot ko.

Pagkatayo ko, pinunasan ko yung bunganga ko gamit ng sleeves ko. Nanghina naman ako. Tong mga halimaw na toh. Mas gugustohin ko pang mamatay kesa sa kinokontrol nila ako.

Tinry kong mag lakad kaso natutumba ako hanggang sa matumba talaga ako at sinalo ako ni Hoseok. "Hoseok," sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya "Mahal kita."

Tsaka na lang ako nahimatay.











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon