chapter 17

8 4 0
                                    

Pagkamulat ko ng mga mata ko, ilaw lang ang nakita ko. "Putangina mo, hyung." sabi ni Taehyung at yinakap ako.

"Ulol mo, Hoseok. Akala namin mamamatay ka na. Ang bilis pa naman ng patakbo ng kotse." sabi naman ni Yoongi.

"Ano ba nangyare?" tanong ko.

"Nabunggo ka ng kotse. Sports car pa naman. Mabuti mabait yung nakabunggo sayo at dinala ka dito sa ospital at siya na din ang nag bayad sa mga gastusin." sagot ni Jimin.

Napahawak ako sa ulo ko at may bendahe. "Kung anong nararamdaman mo ngayon, naramdaman ko din yan." sabi ni Yoongi.

"Pucha. Nahihilo ako na parang nasusuka. Anong oras na at gano ako katagal na andito?" tanong ko.

"Isang gabi ka na andito, hyung. Bale alas onse na ng umaga." sagot ni Jungkook.

Ay puta. "You're awake." sabi bigla ng isang lalaki na pumasok dito sa kwarto ko.

"Ako nakabunggo sayo and I already paid the expenses. I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya. May kausap kasi ako sa phone nun eh." dag dag pa niya.

"Kasalanan ko din naman po. Lutang po ako habang tumatawid." sabi ko naman.

"I have to go. May meeting pa ako. Take care, boys." sabi niya at umalis na.

Wala akong ibang nararamdaman kundi sakit ng ulo, hilo, at para akong nasusuka. Walang pumasok sa isip ko hanggang sa may isa na biglang pinutok ng utak ko. Si Jeonghye.

Tatanongin ko sana yung tungkol kay Jeonghye pero para hindi nila ako mahalata, iba na lang ang tanong ko. "Sina Jin hyung at Namjoon?" tanong ko.

"Nasa bahay ni Jin," sagot ni Yoongi "Nagkasakit si Jin." dag dag pa nito.

Tumango ako at tumitig sa labas ng bintana, iniisip si Jeonghye. Bakit si Jeonghye na lang lagi tumatatak sa utak ko? Abnormal na yata talaga ako.

Sa dami ng tao na close sakin, si Jeonghye pa ang naaalala ko. Pero... hindi naman kami close ni Jeonghye ah. "Alam ba ni mama at noona na andito ako?" tanong ko.

"Oo. Bumisita nga sila nung tulog ka at balik trabaho si Dawon noona." sagot ni Jungkook.

"Balik Psychologist ni noona?" tanong ko.

"Hobi, gising ka na pala." napalingon ako kay noona na pumasok dito sa kwarto ko.

Nilapitan niya ako at binatukan. "Putangina mong bata ka. Bakit ka kasi biglang napunta sa universe yang utak mo? Yan tuloy ang nangyare sayo." sermon ni noona.

"Grabe, ate. Ramdam ko ang pag aalala mo at pag mamahal mo. Si mama?" sabi ko.

"Balik sa pag tatahi ng mga sombrero, damit, at kung ano pang pwedeng itahi."

"Pwede na kayo mag pakasal ni Yoongi."

"Burat. Demonyo si Yoongi diba... anak ng mga hinayupak. BAKIT KAYO ANDITO?!" nagulat na lang si noona nung nakita niya yung tatlo.

"Nagising kami sa pagkakacomatose namin ng dalawang buwan at si Yoongi ng tatlong buwan." sagot ni Jimin.

"Si Jin naman limang buwan." dag dag ni Taehyung.

"Ahh... k. Gutom ka na ba, Hobi? Pakuha ko na yung pagkain mo, gusto mo?" tanong ni noona.

"Ano nakain mo, noona?" tanong ko pabalik.

"Ako na nga dito yung Psychologist slash doktor mo ganyan ka pa."

"Ay pucha. Seryoso? Doktor? Pareho lang na doktor ang physician at Psychologist."

"Kupal. Ang doktor yung sa mga alam mo. Ang Psychologist yung sa ugali ng pasyente ko."

"Hindi ko tinatanong."

"Habang tulog ka pala binabantayan kita."

"Ay punyeta."

"Para tignan ko na din kalagayan mo ah. Kayo na mag kwento kay Hobi, may isa pa akong pasyente na pupunta. Baboosh~"

Lumabas na si noona ng kwarto ko at naiwan kaming lima. "Anong ikwekwento niyo?" tanong ko.

"Habang tulog ka, hyung," panimula ni Jungkook.

"Pero nananaginip ka yata," sunod na sabi ni Jimin. Alam ko na trip nila pero pag bibigyan ko na sila.

"May lagi kang sinasabi habang tulog ka, hyung," pag papatuloy ni Taehyung.

"Lagi mong binabanggit ang pangalan ni Jeonghye at hinahanap mo pa siya." pag tatapos ni Yoongi.

Weh, mga pre. Proweba muna bago ako maniwala. Pero sabi ni noona na ikwento nila. Baka iyon yun. Hindi nag sisinungaling sakin si noona kahit lagi kaming nag aasaran.

Isa pa, seryoso yung apat. Maniniwala ba dapat ako o hindi? To believe, or not to believe? That is the question. Puta. English speakeu is me. I is English spokening dollars na.

Bumangon na ako at pumunta sa banyo. Nag ayos ako ng itsura ko atsaka lumabas. Kinuha ko na yung bag ko at nakatulala lang yung tatlo. "Alis na tayo. Mag lalunch na at hindi ako kumain ng hapunan at almu... sal." sabi ko at lumapit sa bintana ng may nakita ako.

Isang babaeng balot na balot na lumilipad. Jeonghye. Saan siya galing? "May artista ba sa labas? Si Marian Rivera ba?" tanong ni Yoongi.

"Wala. Gutom lang toh. Kumain na nga tayo sa cafeteria sa baba." sagot ko.

"Kala ko andiyan si IU." sabi naman ni Jungkook at tumayo na yung apat sa kakaupo.

Pumunta kami sa cafeteria at bumili ng pagkain namin. Siyempre mga dahon ang binili ko.

Kumain na kami at habang kumakain, tumatak nanaman siya sa isip ko. Bakit si Jeonghye na lang lagi ah? Porket nakita ko lang siya kanina. Si Jeonghye ba talaga yun? Baka namamalik-mata lang ako.

"Papahangin lang ako." pag papalaam ko.

"Geh." sagot ni Yoongi.

Tumayo na ako at kinuha ko bag ko. Nag lakad lang ako dito sa ospital at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta lakad lang ako ng lakad hanggang sa lutang nanaman ako.

Dinala ako ng mga paa ko dito sa rooftop. Bakit si Jeonghye na lang lagi? Siya na lang lagi. "Hoseokie," tawag ni Jeonghye.

"Jeonghye," tawag ko naman kay Jeonghye na nasa dulo ng building.

"Gusto mo sumama?"

Lumapit naman ako kay Jeonghye na nakaupo sa dulo ng building. Bakit sa tuwing maiisip si Jeonghye, matutuwa ako? Sa tuwing makikita ko siya, bibilis ang tibok ng puso ko. Sa tuwing marinig ko boses niya, gusto kong sabihin na ang cute. Sa tuwing titignan ko mga labi niya, gusto kong ha--

"Mag papakamatay ka na ba?!" natauhan ako nung narinig ko si Yoongi.

"Ba... AHH!" sigaw ko pagkakita ko sa baba.

Puta. Mahuhulog na pala ako sa ospital. Buti na lang hinawakan ni Yoongi yung isa kong braso para hindi ako mahulog.

Agad akong nag lakad palayo sa dulo at nakita ko yung mga nasa maknae line na sumunod. "Pag ikaw namatay, lagot ako kay Dawon!" sabi ni Yoongi.

"Lina na kayo. Puntahan natin si Jin hyung." sabi ni Jimin.

Bumaba na kami ng rooftop at pinilit kong kalimutan yung muntikan ng mangyare kanina. Puta. Muntikan na talaga yun. Buti na lang talaga niligtas ako ni Yoongi.

Pero bakit ganon ang iniisip ko tungkol kay Jeonghye?











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon