[Hoseok's POV:]
Inikot ko ang buong building ng ospital na toh. Nakatagpo ako ng mga multo. May multo nga sa cr eh. White lady. Pagkalabas ko ng cubicle may white lady sa harapan ko tapos agad akong tumakbo.
Nilibot ko ang buong building hanggang sa makita ko si Jeonghye dito sa rooftop, nag papahangin.
Kapatapat ko si Jeonghye ngayon habang hinahangin yung buhok niya. "Ano ginagawa mo dito?" tanong niya.
Bakit ko ba kasi toh ginagawa? "Bawal ba kitang hanapin? May naka lagay ba sa batas?" pag bibiro kong sagot.
"Dapat hindi mo na ako hinanap pa."
"Hindi ko kaya na may mawalang tao sa Heavell City."
"Hoseok,"
"Bakit?"
"Anong klaseng demonyo ang tingin mo sakin? Mabait ba? Masama? Maalaga? Mapanganib? Kontrolado? Out of control? Yung demonyong kayang mag bago? Yung demonyong hindi na pwedeng mag bago? Yung demo--"
Yinakap ko si Jeonghye. Yinakap ko siya para tumigil na siya sa kakasalita. "Dami mong tanong. Punta muna tayo ng Gwangju. May isa doon na kaibigan ko na kaibigan mo din na buhay pa." sabi ko.
"Song Hyejin?" tanong niya at tumango ako.
May nag bukas naman ng pinto kaya bumitaw ako sa kakayakap. "Jeonghye, who is he?" tanong ng isang lalaki. Wonwoo yata.
"You is Jeon Wonwoo?" tanong ko naman. Dudugo na ilong ko.
"Ako nga si Jeon Wonwoo. Sino ka?"
"Kaibigan ni Jeonghye."
Lumaki naman ang mga mata ni Jeonghye. Ngumisi lang ako. "Kung pwede lang ay dadalhin ko na si Jeonghye sa Gwangju kasi may isa kaming kaibigan na gusto siyang makita." sabi ko at kinaladkad ko si Jeonghye palabas ng ospital.
Kinaladkad ko na din siya papunta sa train station at bumili ako ng tickets papuntang Gwangju. "Hoseok," tawag ni Jeonghye kaya napalingon ako.
Tinignan niya yung pagkakahawak ko sakanya at ngayon ko lang napansin na hinahawakan ko pala yung kamay niya. Agad naman akong bumitaw at binulsa ko sa pantalon ko. "Kilig ka naman." pambobola ko at kumindat ako.
Namula naman si Jeonghye. Ang cute naman, parang ang YoonMin at ano ba tong mga pinag sasabi ko?
Sumakay na kami sa tren pagkakuha namin ng tickets namin at pumunta sa Gwangju.
Pumunta kami sa bahay ni Hyejin at bumungad si Hyejin nung nag doorbell ako. "Jeonghye?" tanong ni Hyejin tapos may tumulong luha.
"Hye--" sagot ni Jeonghye tapos nahimatay.
Ako naman tong gentle *ehem* man, sinalo ko siya. Biglang nag slow motion yung paligid ko. Ang ganda niya talaga. Bakit may topak tong utak ko?
Binuhat ko na si Jeonghye at pinasok siya sa loob ng bahay ni Hyejin. Nilapag ko siya sa sofa. "Hyejin, kuha ka ng bimpo na basa. Baka sakaling may lagnat nanaman si Jeonghye." utos ko at agad pumunta si Hyejin sa banyo.
Hinawakan ko yung noo at leeg ni Jeonghye at wala naman siyang sakit. Di kaya ito yung sinasabi ni Jimin na baka mamatay si Jeonghye? Sana wag ngayon oh. Ngayon ko lang siya naging kaibigan.
Bumalik na si Hyejin. "May hilaw kayong karne sa ref? Gutom siguro si Jeonghye kaya nahimatay." sabi ko.
"HILAW NA KARNE?!" sigaw ni Hyejin tapos binatukan ko.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}