chapter 12

10 4 1
                                    

Nag ligpit ako ng gamit ko. Charot lang hehe. Nag lagay lang ng damit sa bag ko kasi pupunta ako sa Gwangju.

Umalis na ako sa condo at pumunta sa train station para sumakay ng Train To Busan.

Joke lang ulit pero... HAHAHA. Sorry na hahaha.

Bumili ako ng tickets papuntang Gwangju at agad naman akong sumakay sa tren. Bago ko talaga hanapin si Jeonghye, kailangan ko ng kahit kunting impormasyon tungkol sakanya.

Pagkadating ko sa Gwangju, namiss ko dito. Sininghot ko yung simoy ng hangin at nag lakad papunta sa bahay namin ng makita ko si Hyejin sa daan.

Song Hyejin, kaibigan ko simula nung kinder pa kami at nung lumipat kami sa Seoul nung second year high school ako dahil sa trabaho ni noona, hindi kami nakapag usap.

Nilapitan ko si Hyejin at kinalabit siya sa balikat. "Hyejin, musta?" tanong ko.

"Sino ka po?" tanong niya pabalik tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Aray ko ah."

"Saglit nga lang, Hoseok? Jung Hoseok? J-Hope? Hobi? Only hope, only angel, J-Hope?"

"Oo hahaha. Pumandak ka."

"Hindi ako pumandak, tumangkad ka lang."

"Dati mas matangkad ka kesa sakin pero ngayon ang liit mo na hehehe."

"Tse. Napa bisita ka ahh. Ano meron?"

"May kilala ka bang Jeonghye? Shin Jeonghye?"

"Sumama ka sakin sa bahay, madami tayong pag uusapan."

Hala siya.

Naunang nag lakad si Hyejin at sumunod ako. Ano ba ang pag uusapan namin? Mukhang importante.

Pagdating namin sa bahay niya, ang tahimik at mukhang hindi niya toh bahay. Kasi pag bahay niya ito, dapat sumalubong yung aso niya o yung nanay niya. "Bahay mo ba ito?" tanong ko.

"Hindi," sagot ni Hyejin at may pinatayo niya yung isang picture frame "Bahay toh ni Jeonghye." dag dag niya.

Tinignan ko yung litrato at si Jeonghye ang andun, may ka akbay na lalaki. "Wait lang, kung bahay toh ni Jeonghye, kaninong bahay yung nasunog?" tanong ko.

"Yun yung bahay ng pamilya niya at ito yung bahay na niregalo sakanya ng tatay niya." sagot ni Hyejin.

"Sino tong lalaki?"

"Yan? Kuya niya, si Jeonghan."

"Ano pala pag uusapan natin?"

"Maupo ka."

Umupo naman ako sa sofa at umupo si Hyejin sa katapat na sofa. "Tungkol kay Jeonghye," panimula ni Hyejin.

"Ako lang ang nakaligtas sa pag susunog niya kasi wala ako dito sa Gwangju nun." dag dag niya.

"May mga alam ka ba tungkol sakanya?" tanong ko.

"Mabait yang si Jeonghye. Masarap kasama. Bigla na lang siyang sumulpot sa buhay ko nung umalis ka. Naging close kami at masayahin. Close sila ng kuya niya at ni isang araw hindi ko siya nakita na umiyak o malungkot. Sa tuwing malungkot ako dahil sa pangungulila sayo at sa umaasa akong babalik ka, andiyan siya sa tabi ko para kumportahan ako." habang nag kwekwento si Hyejin, napapangiti siya hanggang sa nawala yung ngiti sa mukha niya "Isang araw, bigla na lang siyang nasusunog. Sabi niya sinusunog daw siya ng araw. Ako naman tong balot na balot binigay ko sakanya yung damit ko at dumating yung kuya niya para iuwi si Jeonghye. Sumama naman ako at habang nasa kwarto niya kami, may sinasabi siya na kinokontrol siya ng mga demonyo. Nung una hindi ako naniniwala kasi pala-biro siyang tao. Hanggang sa isang araw nag bago yung ugali niya. Hindi na siya ngumingiti. Naging ganon siya sa kabaliktaran ng kilala kong Jeonghye. Pagkatapos kong malaman na dinala si Jeonghye sa Seoul Mental Hospital at namatay na lahat ng mahal niya sa buhay tapos si Wonwoo pa ang nag aalaga sakanya, nag alala ako. Sa Seoul kasi si Wonwoo lang ang kaibigan niya dun. Ang huli ko na lang na nabalitaan ay nung tumalon siya sa building at biglang nawala katawan niya kaya hindi namin alam kung buhay pa siya o patay na."

"Bakit siya nasa Seoul?"

"Transferee student sa Seoul Arts College. Dami niyang hobby eh. Singing, dancing, rapping, pag susulat ng stories, at kung ano ano pa."

Mukhang okay na. Pwede ko ng hanapin si Jeonghye. Kung ako si Jeonghye, saan ako pupunta?

Nak ng putragis, Hoseok. Sinabi mo na nga sa una na si Wonwoo ang pupuntahan niya. "Hyejin, mauna na ako. Babalik pa ako sa Seoul." sabi ko at tumayo.

"Luh siya? Bakit?" tanong niya.

"May hinahanap ako."

"Ano? Sino?"

"Kung alam mo lang pero bawal kong sabihin."

"Sige. Mag ingat ka."

"Salamat."

Umalis na ako at pumunta sa train station. Bumili nanaman ako ng ticket papuntang Seoul at sumakay ng tren. Jeonghye, babalik tayo sa Heavell City. Bakit ko pala ito ginagawa?











---

[Jeonghye's POV:]

Nasa Seoul Mental Hospital ako ngayon, hinihintay si Wonwoo. Gala ako dito sa mga halls ng ospital. Minsan nag paparamdam sa mga trabahante dito.

Nakita ko si Nayeon unnie, mag isa niyang nag lalakad. Pag wala si Wonwoo siya ang ag aalaga sakin. Nag pakita naman ako sakanya. "Nayeon unnie," tawag ko at nag pakita sa harapan niya.

"J-Jeonghye?" tanong ni unnie at tumulo yung mga luha niya.

"Unnie, I miss you."

"Jeonghye, how is this possible? Buhay ka pa ba?"

"That's unexplainable, unnie. Bad news, kinuha nila ako."

"W-What? How? What the hell?"

"Kinuha nila ako at dinala sa impyerno."

"Kailangan kang makita ni Wonwoo."

"Mag papakita naman ako sakanya ehh. Nasaan siya?"

"Nasa rooftop si Wonwoo."

"Unnie, take care at wag kang mag overwork, baka mahimatay ka niyan."

"I won't."

"Bye."

Iniwan ko na si unnie at umakyat sa rooftop. Mag gagabi na at nasa rooftop si Wonwoo. I pity him.

Pagkadating ko sa rooftop, nakita ko si Wonwoo, umiiyak. "Jeonghye," tawag niya habang umiiyak "Two years. Dalawang taon na ang nakalipas ah. Bakit hindi ako maka get over sayo? Are you that beautiful so that I can't forget you? Jeonghye, kung nasaan ka man ngayon, I miss you." dag dag niya.

Nag pakita naman ako sakanya. "Wonwoo ah," tawag ko at hinawakan yung pisngi niya kaya napalingon siya sakin "Move on. Dalawang taon na ako wala kaya get over me."

"Jeonghye ah," sabi ni Wonwoo at yinakap ako kaya yinakap ko siya pabalik.

"Huwag ka ng umiyak. Nakita mo naman na ako eh."

"I miss you. I love you."

"I miss you too."

"Are you still alive?"

"Hindi ko yan masasagot and I have to go."

"Agad agad?"

"I'm very dangerous during night time kaya goodbye for now."

Bumitaw na kami sa kakayakap at bumuka naman mga pak pak ko. "Wala akong pake kung ano ka ngayon. Stay safe." sabi ni Wonwoo at pinunasan ko mga luha niya.

Lumipad na ako paalis at nag hanap ng lugar na pag tutulogan ko. Iniwan ko si Wonwoo sa rooftop at bigla kong naisip si Hoseok. Hoseok, sana hindi mo ako hinahanap. Pabayaan mo na sana akong mag hirap.











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon