chapter 11

14 4 1
                                    

Agad akong bumaba sa sala at andito pa sina Jinyoung. Pumunta ako sa kusina at kinuha yung kawali tsaka ako bumalik sa sala.

Pinalo ko yung kawali sa batok ni Jinyoung at nahulog siya sa sahig. "Rapunzel lang ang peg?" tanong ni noona.

"Pasalamat ka nga na knock out tong si Jinyoung." sagot ko.

"Nag hahanap pa ako ng pang knock out dito tapos kawali lang pala ang katapat ni Jinyoung. Swag naman." sabi ni Yoongi.

"Daming words yan ah." sabi ko.

"Pano yang si Jinyoung na yan?" tanong ni noona habang tinatanggal ko yung tali.

"Mukhang magandang lutuin sa impyerno." sagot ni Yoongi.

"Huwag." sagot ko.

"Luh tong kabayong toh. Bakit?" sabi ni noona at tumayo na.

"Hahanapin yan ni Jaebum." sagot ko nanaman.

Speaking of hahanapin, si Jeonghye pala. Mawawala siya tapos gala siya sa kung saan man siya pumunta. "Noona, may kilala ka bang Jeon Wonwoo?" tanong ko.

"Opkors meron. Sa mental ako nag trabaho eh. Amp." sagot ni noona.

"Seryoso, Dawon?" tanong ni Yoongi.

"Oo kaya nung una pa lang hindi ako nagulat kung bakit puro anghel at demonyo ang nakatira dito at nakikita ko araw araw." sagot ulit ni noona.

"What's poppin'?" biglang sumulpot yung badjao.

"Nasaan yung nag sala?" tanong ni Jin hyung na may dalang espada.

"Nasa sala tayo, hyung." sagot ni Taehyung.

"Okay lang ba kayo? May nasaktan ba? At bakit nasa sahig si Jinyoung hyung?" tanong naman ni Jimin.

"Okay lang kaming lahat." sagot ni noona.

"Iuwi niyo na nga yang si Jinyoung sakanila. May kailangan akong puntahan at aalis ako dito sa Heavell ng medyo matagal tagal." sabi ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag lagay ng mga damit sa bag ko. Babalik ako sa amin para hanapin si Jeonghye.

Nag bihis ako at bumaba sa sala na dala dala yung bag kong may damit. "Saan ka pupunta?" tanong ni noona.

"Babalik ako sa atin." sagot ko.

"Hoy, hyung, bakit hindi ako kasama?" tanong ni Jungkook.

"Tse. Personal na problema toh kaya wag ka ng mangialam." sagot ko at aalis na sana ako kaso pinigilan ako ni noona.

"Saan ka naman titira?" tanong niya.

"Sa apartment ni Woozi." sagot ko at tuloyan ng umalis.

Umalis na talaga ako ng Heavell City at pumunta sa apartment ni Woozi. Grabe yung batang yun, may sariling apartment. Mabuti nakakabayad si Woozi ng upa.

Nakarating na ako sa apartment ni Woozi at kumatok sa pinto. Bumungad naman si Woozi. "Hoseok hyung?" tanong niya.

"J-Hope." sagot ko.

"Pasok ka, hyung."

Pumasok naman ako sa apartment niya at ang kalat. May damit dito at doon, hindi pa nahuhugasan yung mga pinggan at... basta ang kalat!

Umupo ako sa sofa at pinag masdan yung paligid. "Pag pasensyahan mo na tong apartment ko, hyung. Bakit ka pala andito, hyung?" sabi ni Woozi.

Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon