Kahapon naging sila ni Jin hyung at Hyejin. Ngayon, wala na ang NamJin pero joke lang kasi matibay yun.
Punyeta. Kahit yata nuclear bomb hindi matitibag ang NamJin. Masyadong matibay eh. Mamaya, magkikita kami ni Jeonghye. Kinakabahan naman ako pero hindi ko alam kung bakit. "Lalim ng iniisip mo ah. As deep as the deep blue sea ba?" tanong ni Taehyung at umupo sila ni Kook sa lamesa.
"Dami mong alam. Anak ka ba ni Namjoon? Hindi diba kasi anak ka ng nanay at tatay mo." sagot ko.
"Luh? Bismod ka, hyung?" tanong ni Jimin.
"Hindi." matamlay kong sagot.
"May sakit ka?" tanong naman ni Jin hyung.
"Wala." matamlay ko nanamang sagot.
"Huta. Bakit hindi ka nag sasalita? May problema ka yata eh. Iniisip mo nanaman yata si Jeonghye eh. Aminin mo na kasi na mahal mo si Jeonghye kesa sa ganyan ka lagi at lagi kang lutang." sabi ni Yoongi hyung at napatingin kaming lahat sakanya.
"36 words yun tapos may limang pangungusap, apat na declarative at isang interrogative. Hyung, madami kang nasabi na words ngayon." sabi ni Taehyung.
"Tarantadong gago. Pati yan binilang." sagot ni Yoongi hyung.
"Uy, pambansang ulam ng mga estudyante. Siomai." sabi ni Namjoon at kukuha na sana tinutukan ko ng tinidor.
"Lam mo, Namjoon, pag ito pumasok sa mga mata mo, pag mumukha kang badjao na pirata." sabi ko.
Natakot si Namjoon kaya binalik niya yung siomai sa plato ko at binaliktad ko yung tinidor. Tinusok ko naman yun sa ulam ni Namjoon na steak at nilagay sa plato ko.
Tiningnan nila ako ng masama pero wala akong pake kasi kinakabahan akong makita si Jeonghye. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan. Yung parang may mangyayare na hindi maganda. "Sa tuwing kinakabahan yan, ganyan ang mga kilos niyan. Kumikilos yan ng mga hindi niya kinikilos palagi." nag salita ang matagal na akong kilala.
Tahimik lang ako, kinakabahan parin. Pag kinakabahan ako, hindi ako si J-Hope o si Hobi. Ako lang ang Hoseok na wala sa mood. Wala sa mood makipag biruan.
Hindi na lang sila umimik at nag patuloy kami sa pag kain. Pagkatapos kong kumain, nauna na ako sa classroom para masolo ko naman. Pumasok naman yung last namin na subject teacher. Last na subject namin sa umaga kasi psychology. "Hoseok, why so down?" tanong ni Sir at nilapitan ako.
"Makikita ko lang naman siya mamaya pero kinakabahan ako." sagot ko.
"Sino ba siya? Would that person be a girl?"
"Opo, sir."
"Mag kwento ka tungkol sakanya please."
"Maganda po siya, mabait, inosente. Mukha naman po siyang masayahin. Madami siyang pinag daanan pero kinaya naman niya yung hirap. Tinry niyang lumaban kahit mas malakas pa ang kalaban. Bilib ako sakanya, sir, kahit madaming humarang sa daan niya."
"In love ka na sakanya."
"Po?"
"You're in love. Kung paano mo siya ikwento, yung trato mo sakanya, yung tono ng boses mo habang nag kwekwento, yung napapangiti ka ng parang tanga. Lahat. Kung sino man siya, swerte siya sa piling mo. She's safe in your hands. Don't let her go at keep her safe kung lagi siyang nalalagay sa desgrasya. Alis na ako, may klase pa kayo at may klase pa ako sa mga junior. I'm a psychology teacher kaya I'm not lying. Goodbye, Mr. Jung."
Umalis na si Sir at dumating ang mga kaklase ko. Umupo na sa tabi ko si Taehyung. Hinintay namin yung Science teacher namin pero bumalik si Sir, yung teacher namin sa psychology. "Nagpalit kami ng time ng science teacher niyo." sabi ni Sir "Now, any psychological questions?"
Nag taas naman ng kamay si Namjoon. "Speak," utos ni Sir.
"Sir, diba once na you're in love, lagi siyang pumuputok sa isip mo? Sa sobrang often pwede ka ng madesgrasya kasi lutang ka lagi? May isa DITO na muntikan ng MAMATAY dahil LUTANG siya kakaisip SAKANYA. Hindi lang once and twice, kundi thrice." sabi ni Namjoon. Punyeta kang badjao ka.
"Tulad ng sinabi ko sakanya, siya yung leon at yung babae yung usa. Laging tinatanggi at inaaway ng leon yung usa pero deep inside, may pader na feelings ang bumubuo. Hanggang sa dumating ang araw na hinalikan ng leon ang usa." dag dag pa nito.
Nagulat naman si Sir. "Sino naman yun?" tanong ni Sir.
"Nag sisimula sa letter H at nag tatapos sa letter K." sagot ni Jimin.
"Hyungsik hyung. Ay choke lang." sabi ni Taehyung.
"Ang mood maker ng grupo pero wala sa mood ngayon." sagot naman ni Jungkook.
"May sugat sa ulo at kamay." sabi naman ni Jin hyung.
"Tangina. Kung diniretso niyo ng sabihin. Si Hoseok kasi. J-Hope. Hobi." sabi ni Yoongi hyung.
Hinawakan ko naman ng mahigpit yung panyo ko. "Isa lang ang sagot ko diyan," cool na sabi ni Sir at sumandal sa desk sabay halukipkip "Hoseok's deeply and madly in love with that girl."
Naisip ko nanaman si Jeonghye at yung nakangiting siya ang naisip ko. Napangiti naman ako ng parang tanga at bumilis yung tibok ng puso ko. "Sir, ito na po ang proweba namin." sabi ni Taehyung.
Natauhan naman ako kagad at tinignan ko sila. Napatingin naman ako sa mga gago kong mga kaibigan at tinignan ko sila ng masama habang nakangisi lang si Sir.
Dismissal na at mag hapon kong pinagmasdan ang nararamdaman ko. "Mauna na kayong umuwi. Papahangin lang ako sa rooftop." sabi ko at agad akong umalis ng classroom papuntang rooftop.
Pagkarating ko, nakita ko si Jeonghye. "Shin Jeonghye," tawag ko.
Humarap naman siya sakin. Nagulat na lang ako nung nakita ko siya. Duguan yung mga labi at noo niya. Bumilis pero tibok ng puso ko pagkakita ko sakanya.
Putangina. Napatunayan ko na. Mahal ko nga si Jeonghye. "Jung Hoseok," tawag naman niya at nilapitan ako.
"Jeonghye, anong nangyare sayo? May sasabihin pala ako." sabi ko.
"Bago yan, Hoseok, mas importante tong sasabihin ko."
"Mauna ka."
"Gusto ko ng mag paalam."
"H-Huh?"
"Jung Hoseok, paalam na, aking mahal."
Tsaka tumalon si Jeonghye ng building. "JEONGHYE!" sigaw ko at lumapit sa may dulo, umiiyak "ANG DAYA MO! PAG MAMAMATAY KA, SASAMA AKO! SHIN JEONGHYE! I LOVE YOU!"
Tumalon na din ako ng hindi nag dadalawang isip. Katapat ko si Jeonghye at tumutulo mga luha ko.
"Shin Jeonghye, mahal kita. Pag mamamatay ka, mamamatay din ako kasi kamatayan mo, kamatayan ko din." sabi ko at pinikit ko mga mata ko habang tumutulo mga luha ko.
---
Ayieee... Epilogue na next :">

BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}