[Hoseok's POV:]
Kakagising ko lang at nag reready na ako para sa school. Nag aaral kami ni Jungkook sa League Academy. Ayokong makipag kaibigan sa mga demonyo pero may dalawa akong kaibigan na lalaki at tama na ang dalawa kasi too mucheu is badeu daw hehe. "HOSEOK! DALIAN MO! HINIHINTAY KA NA NI JUNGKOOK!" sigaw ni ate Dawon.
"SAGLIT LANG, NOONA! NAG PAPAGWAPO PA PARA MAY MAAKIT NA ANGHEL!" sagot ko.
"KAHIT ANONG GAWIN MO WALANG LALAPIT SAYO!"
"PARANG ALAM MO NAMAN ATE!"
"BASTA DALIAN MO!"
Dahil nag mamadali si noona at parang ayaw niya akong andito sa bahay, binilisan ka na. Huhuhu. Noona, bakit? T^T
Bumaba na ako at nasa kusina si Jungkook, kumakain. "Hi, hyung." bati niya habang sumusubo ng hotdog ng nanay ko.
Hehehe. Hotdog ko yun at hindi sila kumakain ni noona ng hotdog, itlog lang ang kinakain nila at sa akin yung mga hotdog. "Pumasok na kayo sa school, baka malate pa kayo." sabi ni mama.
"Bye, ma." sabi ko at yinakap si mama.
"Bye po, tita. Bye, noona." sabi naman ni Jungkook.
"Bakit ang cute ng batang toh? Dibale, dyosa naman ako." sabi ni noona.
"Eh ako at si mama?" tanong ko.
"Si mama, goddess. Ikaw naman, tikbalang."
"Jungkook, alis na tayo. Bye, ma! Labyu!" sigaw ko at hinawakan ko na yung pala-pulsoan ni Jungkook at umalis na kami.
Habang nag lalakad kami papuntang League Academy, nakita namin yung isa naming kaibigan na anghel. "Taehyungie! I miss you ikawng anghel ka pero mas gwapo ako kaya wag ka ng umangal." sabi ni Jungkook at tumakbo papalapit kay Taehyung pero lumayo si Taehyung.
"Tae! Mag usap naman tayo ng maayos oh! Sorry na!" sigaw ni Jungkook at hinabol si Taehyung.
"Ano nanaman ginawa ng batang yun?" tanong bigla ni Jin hyung.
"Sinabi kasi ni Kookie na gwapo siya. Yan tuloy, nag tampo si Taehyung."
"AY DWENDE!" sigaw ko.
"Anghel ako, hindi dwende. Kampon yun ni Satanas at kampon ako ni Lord." sagot ni Jimin.
"Dalian na natin, baka malate pa tayo. Lagot tayo kay Archangel Gabriel." sabi ni Jin hyung kaya nag madali na kaming mag lakad.
Pumunta kagad kami sa classroom namin at nag kakagulo dito. Nag sama kasi ang mga anghel at demonyo sa school na ito at kami lang ni Jungkook yung mga tao.
Tahimik lang yung mga anghel at ang nag iingay ay yung mga demonyo. Isama niyo na sina Namjoon at Yoongi. Itong magilagid na demonyo na may pyrokinesis kaya madaming takot sakanya.
Sa school na ito, parang katulad lang ng isang normal na school. May Math, English, Science, at kung ano ano pang subjects pero epic yung History subject namin. Tungkol kasi kung paano nabuo ang mundo at tungkol sa pinakaunang henerasyon.
Tatlong oras ang lumipas at lunch break na. Gutom na talaga ako at pagkatapos wala kaming gagawin ni Jungkook kasi oras yun ng mga anghel at demonyo.
Nag order ako ng ado--
Anong tawag dun sa brand ng damit at ng sapatos na sinusuot ng manok? Adobong manok.
HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Nakakatawa kaya ito kaya tumawa din kayo.
Ayun nga. Haha. Nag order ako ng adobong manok tapos nakita ko na nag order si Yoongi ng shrimpeu shinigeng with lapu lapu. Sarap. "Wag kang hihingi ng pagkain ko kung ayaw mong sunogin ko yang swag mo." sabi ni Yoongi kaya yung pagkain ko na lang ang kinain ko.
Kumain na kami tapos tahimik lang ako kasi isa akong mabait na tao. Nakinig na lang ako sa usapan nila at pagkadating kay Taehyung. Puta. "Bakit pag demonyo may kapangyarihan at pag anghel wala?" tanong ni Taehyung. Ako nga na hindi anghel o demonyo alam ko -_-
"Kasi ang anghel hindi nila kailangan ng kapangyarihan para maging malakas kasi lagi nating kasama ang Maykapal." sagot ni Jin hyung.
"Hyung, sa dance studio tayo pumunta." sabi ni Jungkook.
"Nag iisip ka ba? Ulol. Parang nag cutting na tayo niyan at ayaw kong mag cutting." sagot ko.
"Si Hoseok talaga, pwedeng maging demonyo pero meron at meron pa din yang good side niya. Nakakaputa." sabi ni Namjoon.
"Hobi hyung, bawasan mo yung pag mumura please? Para sa langit ka pumunta." sabi ni Jimin.
"Hmm... pag isipan ko." sagot ko at ngumiti.
Kumain ulit kami at kumuha si Yoongi ng adobo ko. Yung adobong baboy pa talaga. Gago toh ah. Kukuha sana ako sa pagkain niya kaso umapoy yung mga mata niya. "Sabi ko nga hindi ako kukuha." sabi ko at inubos ko na lang yung pagkain ko.
Pagkatapos naming kumain, umalis na sila at naiwan kami ni Jungkook. "Diyan lang tayo sa Garden of Eden." sabi ko.
"May icoconfess ka?" tanong naman bigla ni Jungkook.
"Oo. Ang laki ng ilong mo."
"Ang haba naman ng baba mo."
"Halikana nga."
Umalis na kami ni Jungkook sa cafeteria at pumunta sa garden. Buti pa yung garden, pinupuntahan. Kailan kaya ako pupuntahan ng taong mahal ko? Ang tanong, may mahal ba ako? Meron. Si mama, si noona, yung mga kaibigan ko, si Lord, at kayo.
Yieee... kilig sila. Hihihi.
Umupo kami sa isang bench at tahimik lang ako kasi naka earphones ang rabbit niyo. Pfft.
"Hyung, uwi na ako. Baka pagalitan ako ni mama pag nagabihan ako ng uwi." sabi ni Jungkook at tumayo kagad.
"Sige. Ingat ka." sagot ko.
Tumakbo naman si Jungkook pauwi sakanila at naiwan ako dito sa garden. Mag gagabi na tapos may klase pang iaattend yung mga anghel at demonyo. Sabay sana kami ni Jimin ngayon kaso may kalapati na lumipad papalapit sakin eh. "Alam ko na. Sabihin mo na okay lang, uwi na lang ako mag isa." sabi ko doon sa kalapati at lumipad yung kalapati pabalik sa loob ng school building.
Nag stay pa ako sa garden ng saglit pa kasi ang sarap ng simoy ng hangin eh tapos maganda pa dito pag gabi. Kung pwede lang mag camping dito, baka andito ako gabi gabi.
Dahil malapit na ang 7:00PM na curfew ko, umalis na ako pero may lumapit sa akin na babae. Hindi ko masabi kung anghel o demonyo kasi balot na balot siya. "Uuwi ka na din ba? Pag oo, sabay na lang tayo." alok ko.
"Ako si Shin Jeonghye. Pwede ba tayo maging mag kaibigan?" tanong niya.
"Saglit, tanggalin mo muna yang bonnet at sweater mo tapos harapin mo ako."
Tinanggal niya yung sweater at bonnet niya tapos hinarap ako na naka ngiti na kinakabahan. Nakita ko yung buntot niya, sungay niya at pangil niya. Seryoso ba siya?
"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!"
---
Author's Note:Balik Bangtan na ako. Pero hindi pa tapos yung isa kong story kaya papataposin ko muna yun tsaka ako mag fofocus dito.
Naisipan ko na lang mag wattpad kasi wala akong mahanap na live stream link ng Wings Tour in Manila. Naiiyak nga ako nun eh T^T replay na lang ang papanoorin ko T^T huhuhu. Saklap T^T
BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}