chapter 8

12 5 1
                                    

[Hoseok's POV:]

"Jin hyung, japchae!" sigaw ni Taehyung sabay pa cute. Amp. Ba't ang cucute ng mga maknae? Ako gwapo. Sino angal? Halikan ko.

"Wait lang, malapit ng maluto." sagot ni Jin hyung mula sa kusina ng bahay niyang mala-mansyon pero puno ng espada.

May pupugutan yata ng ulo. Hihiramin ni otor yung isa dito pang putol ng ulo nina Queen Ji So, Princess Sook Myung, yung Commandant, Kang Sung, Young Shil, at ng iba pang kontra-bida sa Hwarang. Nilamon na yata ng K-Drama. Hmpf.

Ngayon, nasa bahay este mansyon kami ni Jin hyung. Pinag lulutuan kami ng pagkain kasi hindi pa kami kumakain ng tanghalian simula nung mahanap namin si Jungkook kanina. "Namjoon hyung, alam mo ba kung saan yun?" tanong ni Kook habang nakatulala sa pagkain niya.

"Isang condominium sa impyerno." simpleng sagot ni Namjoon.

"Akala ko ako yung dahilan kung bakit ang hot." bulong ni Jungkook pero narinig ko kaya binatukan ko siya.

"Lakas mo maka sabi ng hot. Hmpf." sabi ko.

"Kaya nga eh mas hot pa ako. Tsk tsk." sabi naman ni Yoongi hyung at tinignan ko siya ng masama.

"Pag awayan niyo lang yan. Gwapo ko naman eh." sabi bigla ni Taehyung.

"Ano connect?" tanong ni Jimin.

"Gwapo ako." sagot ni Taehyung sabay igop sign.

"Tae, yung japchae mo oh." sabi ni Jin hyung at nilagay sa lamesa yung pagkain.

May lamb skewers. Nice. Agad naman akong kumuha ng lamb skewers at kumain na kami. Anak ng. Shining, shimmering, splendid yung mga espada ni Jin hyung. May naka sabit dito at doon.

Pagkatapos naming kumain, nag siuwian na kami. Siyempre kasama ko sina Yoongi hyung at Jimin tapos kasama ni Jungkook si Taehyung. Makikitulog daw si Namjoon kina Jin hyung. "Jimin, ready mo yung kama. Sa kwarto mo ako matutulog." sabi ni Yoongi hyung.

"Sige, hyung." sagot naman ni Jimin.

"Swag. Inosente." bulong sakin ni Yoongi hyung.

Lumalalim na ang gabi pero nag lalakad kami. Amp. Bigla naman akong nakarinig ng malakas na pagaspas ng mga pak pak. Shit. Si Jeonghye. "Sapalagay niyo ba nakauwi na sina Taehyung at Jungkook?" tanong ko.

"Pag uuwi minsan si Taehyung, nag teteleport yun. Kaya sigurado akong naka uwi na yung dalawa." sagot ni Jimin.

"Swag. May ibon bang ganyan kalaki sa bubong ng bahay na yan? Malaking uwak yata na chix. Shet. Tatayo na yata si junior." sabi ni Yoongi.

Napatingin naman dun sa bahay na sinasabi ni Yoongi hyung. "Putahamnida. Bahay namin yan ah!" sigaw ko at napatakip ako ng bunganga ko kasi napatingin sakin si Jeonghye.

Bumaba si Jeonghye sa bubong ng bahay namin at nasa harapan ko na siya ngayon. Mabilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa takot o kaya dahil sa maganda siya kahit nakakatakot yung itsura niya. Hoseok, yung utak mo. "Hoseok," sabi ni Jeonghye at bumalik sa dati yung mga itim niyang mga mata. Umiiyak na siya.

"Tulongan mo ako." pag mamakaawa niya "Please." dag dag pa niya habang umiiyak.

Nanigas ako sa kinakatayuan ako. Habang dahan dahan na lumalapit si Jeonghye sakin, dahan dahan din akong nag lalakad patalikod.

Duguan yung mga bibig niya. May biniktima yata. Sana hindi si noona o si mama. Sana hindi tao. "Layuan mo si Hoseok hyung, Jeonghye." sabi ni Jimin.

"Ulol mo, Jimin. Humihingi ng tulong tapos layuan." sabi ko.

"Hyung, alam mo ba na madaming demonyo ang sumapi sakanya? Delikado siya." sagot ni Jimin.

"Hoseok, tulongan mo akong makawala sa mga demonyo na nasa loob. Please, Hoseok. Gusto ko ng makalaya sa mga kamay nila. Hindi ko ginusto ang maging demonyo. Please. Free me from their bloody hands." pag mamakaawa ni Jeonghye. Shet. English speakeu. I kennat.

Habang papalapit sakin si Jeonghye, bigla na lang siyang nahimatay at nagulog sakin. Nagulog sakin yung katawan niya.

[A/N: Lakas ko maka K-Drama. Pwe.]

"Jimin, dalhin natin sa ospital." sabi ko at binuhat ko si Jeonghye.

Nag tawag naman si Jimin ng sasakyan at sumakay kagad kami. Habang papunta sa ospital, bumabalik yung inosenteng anyo niya. Yung nakakatakot niyang itsura, nagiging inosente ulit. Mas ganda siya pag malapitan. Weh, Hoseok. Nababaliw ka na.

Pagkadating namin sa ospital, kinuha ng mga doktor si Jeonghye para gamutin. Hindi naman siya nag tagal sa emergency room kaya dinala kagad sa isang kwarto.

Ako talaga mag babantay sakanya ahh. Amp. Tinext ko si noona para mag paalam na nasa ospital ako, may binabantayan. Tinanong ko na din kung okay lang sila.

Nung nag reply si noona, ang sabi niya okay lang sila at dapat umuwi daw ako bukas. Sabado naman bukas ah. Wala kaming pasok ni Jungkook. Mwahahaha.

Tulog pa din si Jeonghye kaya wala akong magawa. Ayaw ko naman mag daldal at ako pa talaga ang nag babantay sakanya. Hindi ko pa naman siya kaibigan pero ako ang nag babantay sakanya. Iniwan ako nung dalawa eh. Amp.

Tinignan ko yung oras sa relo ko at mga pasado alas otso na. Gutom na ako. Ano kaya nangyare kay Jeonghye kaya siya naging ganito? Weh, Hoseok. Ang sweet mo talaga.

Dahil sa antok at kanina pa ako naka upo sa bedside, naka tulog ako.

Pagkagising ko sa umaga, gising na si Jeonghye at naka tingin siya sa labas ng bintana. May naamoy naman akong nasusunog. Puta.

Agad akong tumayo at sinara yung bintana. "Bakit mo pa ako tinulongan? Sana pinabayaan mo na lang akong mamatay." sabi niya.

"N-Naawa ako sayo." nauutal kong sagot. Bakit ba ako nauutal?

"Bakit ang bait mo?"

Napatulala naman ako sa tanong niya. Bakit nga ba ako mabait? Laki ng problema ko. "Hindi ko alam hehe. Malaking problema ko na yan hehe." sagot ko at tumawa ng kinakabahan.

Napatawa naman siya ng mahina at sumimangot din kagad. "May napatay ako kagabi." sabi ni Jeonghye habang nanginginig yung boses niya.

"A-Ano?" tanong ko.

"Tao at hayop. Isang leon at isang mag sasaka. Hoseok, tulongan mo ako please. Tulongan mo akong makalaya sakanila. Isang dekada na nila akong ginagawa na alipin nila para makakakain sila."

"Sinong sila?"

"Yung mga demonyo na sumapi sakin simula bago ako tuloyang namatay."

"Pwede mo ba ikwento ang nakaraan mo?"











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon