Puta. Putangina lang talaga ah. Bahay ba toh o mansyon? "Papasok tayo sa loob o papasok tayo sa loob?" tanong ni Yoongi.
"Nag tanong ka pa eh isang tanong lang ang tinanong mo ng paulit ulit." sagot ni Jimin.
"Kung hindi kayo papasok para sa pagkain, ako papasok talaga." sabi ni Taehyung tapos pumasok.
Sumunod naman kami ni Jungkook kay Taehyung tapos bahala na ang YoonMin sa labas ng gate. May nakita naman akong nakatambay sa bubong pero hindi ko na lang pinansin. Jeonghye nanaman. Lagi na lang siya ang sumasabog sa utak ko.
Pagkapasok namin, may katulong na lumapit samin. "Good afternoon. Hinahanap niyo po ba si Sir Jin?" tanong niya.
"Mina, ako na bahala sa limang ugok." sabi bigla ng isang badjao na nanggaling sa second floor ng bahay.
"Sige, Joon." sagot nung Mina at umalis.
"Namjoon hyung, pakisabi kay Jin hyung na utang ako ng mga sampong libo." sabi ni Jungkook.
Binatukan ko naman yung bata. "Para saan? Pang bili ng computer? Computer room? Hutaena mo, Kook, mag aral ka nga muna." pagsisingit ko. Ba't ang baboy pag singit ang ilalagay? Ampucha.
"Hyung naman eh. Bakit ang sama niyo sakin?" tanong ni Jungkook.
"Bata ka pa, Kookie. Mag aral ka nga muna." sagot ni Taehyung.
"Doon tayo sa kwarto ni Jin, baka gising na." sabi ni Namjoon.
Umakyat naman kami sa kwarto ni Jin hyung at pagkapasok namin, mas malaki pa yata toh kesa sa dati naming tinitirahan ah. Mga mayayaman. Tse.
Tulog pa si Jin hyung. Saglit lang ahh. "HAHAHAHAHAHAHA!" tawanan naming lima.
Pano naman kasi, may pink siyang stuffed toy na otter tapos yakap yakap niya. "Tse! Bwisit. Ano ngayon kung may yakap akong stuffed toy?" pag dedepensa ng nanay namin.
"Pag ikaw nabinat, Jin ah, bahala ka sa buhay mo." sabi ni Namjoon.
Umupo naman si Jin sa kama niya habang yakap yakap yung stuffed toy niya. Pinipigilan naman naming tumawa. "Anyare kay Hoseok? Bakit may bendahe sa ulo?" tanong ni Jin hyung.
"Nabunggo ng kotse kasi lutang habang tumatawid, iniisip si Jeonghye." sagot ni Taehyung.
"Naman pala. Kilala mo pala si Jeonghye. Kras ko yun dati ay." sabi ni Jin at ngumiti.
Ba't parang selos ako? Tangina mo, Hoseok. Mas gwapo ka pa kesa kay "third from the left". "Mabait yun pero isang araw, bigla na lang nawala." sambit ni Namjoon.
Nag kwentuhan sila at hindi ko makalimutan yung nangyare kanina. Muntikan na akong mamatay dahil sa kakaisip kay Jeonghye.
Isa isa silang lumabas ng kwarto hanggang sa kami na lang ni Jin ang andito. "Hoseok, si Jeonghye na lang yata lagi iniisip mo." sabi bigla ni Jin kaya tinignan ko siya.
"Bakit mo naman yan nasabi?" tanong ko.
"Kanina kanina ka pa lutang. Habang lutang ka, nag kwento yung apat tungkol sayo at yung habang tulog ka sa ospital."
"Ay puta. Seryoso?"
"Mukha bang nag loloko ang napakagwapo kong mukha. I'm worldwide handsome you nose."
"Si Jungkook yung ilong."
"Ay sarreh. Basta, I'm very handsome."
"Edi ikaw na ang gwapo pero mas gwapo talaga ako eh."

BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}