chapter 15

17 4 1
                                    

[Yoongi's POV:]

Bigla na lang umalis ang pamilya nila Kabayo at Ilong. Bakit umalis yung mga yun?

Habang papunta kami ng school at himala na lang na papasok ako ngayon imbes na matulog kasi si Dawon ang inspiration ko, may kabayo na pumasok kaya sinundan namin yun.

Pagkakita namin, isang kabayo galing ng impyerno at may mga ulo ng mga anghel. May naka sulat pa na: Giyera toh. "Gawain toh ng mga demonyo. Kayong dalawa, kaninong tabi kayo? Sa amin o sa mga kapwa niyo?" sabi ni Jin.

"Sainyo. Ayoko ng makipag kaibigan sa mga mokong na kapwa namin, mga plastik eh. Sarap sunogin." sagot ni Namjoon.

"Ikaw, Yoongi hyung?" tanong ni Jimin.

"Para kay Dawon, sainyo." sagot ko.

"Yoongi, mga palaso." sabi ni Jin.

Buklat ko naman mga pak pak kong bulletproof. Shield ko tong mga pak pak ko kaya mahal ko eh. "Gusto yata nila akong patayin. No not today." sabi ko.

"Jimin, Taehyung, sumama kayong dalawa sakin kay Ma'am Cassandra. Namjoon, Yoongi, hanapin niyo yung mga mag sisimula nito." utos ni Jin kaya sumunod na lang kami.

Umalis na yung tatlong anghel at hinanap namin ni Namjoon yung mga mag uumpisa nito. Nag teleport na lang si Namjoon habang ako naman ineenjoy ang pag lipad. Bawal bang mag enjoy?

Nakita ko naman yung dalawang bakla. "Oy, mga baklita kayo, kayo ba mag uumpisa nito?" maangas kong tanong.

"Hi, Yoongi. Kamain kita, gusto mo?" tanong ni Dexter.

"Tayo ang mag kakama sakanya, bes." sabi naman ni Denver.

"Mga gagu." sagot ko.

"Itech na nga ang exciting na part, mag kakagiyera ang mga demonyo at anghel at kami ang mag uumpisa. Ang saya eh noh tapos nanonood lang kami." sabi ni Dexter.

"O dapat kayong dalawa lang tapos kaming lima lang? Nang damay pa kayo." cold kong sagot ko.

"Nanggaling ka ba ng langit? Ang lamig mo, beh." sabi ni Denver.

"Dapat tayo tayo lang ang pupunta sa giyera pero para masaya, buong mga demonyo at anghel na lang para makuha namin tong Heavell." sagot ni Dexter sa tanong ko.

Dumating naman yung badjao tapos pagkadating niya, binatukan ko. "Putangina mong badjao ka. Pumunta ka ba sa Mindanao?" tanong ko.

"Eh sa mahirap hanapin tong lugar na toh. Boundary pa talaga dito sa school eh." sagot ni Namjoon.

"Pag nag tagumpay kaming mga demonyo, isusunod namin ang buong mundo." sabi ni Dexter.

Mabilisan na tinali ni Namjoon yung dalawa at nag sindi ako ng apoy habang pinapaliguan sila ni Namjoon ng gasolina. "Para sakin, hindi matutuloy yung giyera." sabi ko at tinapon ko sakanila yung sinindi kong apoy at nasunog sila.

Nakarinig naman kami ng ingay sa labas. Aish. Ako ang mamimigil diyan. Kami ni Namjoon. Anti-giyera muna ako ngayon kasi mahal ko yung noona ni Hoseok. "Labas na tayo. Baka may mamatay pa. Hayaan na natin yang mga yan na masunog." sabi ko at umalis na kami.

Iniwan namin yung dalawang bakla na nasusunog.

"HOY!" sigaw ko sa tuktok ng mga baga ko.

Nakuha ko naman mga atensyon nila. "Gusto niyo ba talaga ng giyera?" sigaw kong tanong.

"Katangahan lang ito mga pre. Kung tumigil na lang kayo kasi nakabalik na sa impyerno yung dalawang nag umpisa nito, edi sweg." dag dag ko.

"Yoongi hyung, si Taehyung." sabi ni Namjoon at napalingon ako kay Taehyung na biglang nahimatay.

Nilapitan ko si Taehyung na duguan ang ulo niya. "Ba't biglang nahimatay si Taehyung at duguan pa siya?" tanong ni Jimin.

Lumapit naman si Ma'am Cassandra. "May pagkakataon na buhay pa si Taehyung. Ang patay na talaga hindi dumudugo." sagot ni Ma'am.

Balita ko naaksidente silang dalawa ni Jimin sa isang bus at hindi nahanap ang katawan nila. Di kaya... "H-Hyung," tawag naman ni Jimin na duguan ang mga braso at mukha.

"Basta pag dumudugo, buhay pa. Tama po ba, Ma'am?" sabi ni Namjoon.

Biglang sumuka si Jin ng dugo. Si Jin hyung naman nag kasakit sa dugo kaya nung buhay pa daw siya nag susuka siya ng dugo.

Anong nangyayare sa tatlong toh? Di kaya mabubuhay sila ulit? Yung parang na comatose sila ng ilang buwan tapos parang magigising na lang sila sa isang kama sa ospital?

Bigla na lang nawala yung tatlo. "Magigising sila sa isang kama at aakalain na isang panaginip lang ito kahit totoo naman talaga." pag papaliwanag ni Ma'am.

Sana ako din para pwede talaga ako mainlab kay Dawon huhu. Dawon swag swag baby ko, hintayin mo ako.

Tinignan ko naman si Namjoon na may dugo sa damit, kamay, braso, at mukha niya. May hiwa siya sa tiyan, kamay, braso, at mukha. Kumbaga natatamaan lang siya ng mga kutsilyo pero hindi nasasaksak. "Hoy, badjao, hintayin niyo ako." sabi ko.

Tumango naman si Namjoon at nawala. "Ma'am, pag sumunod ako dito, parang awa niyo na, wag kayong mag umpisa ng giyera." sabi ko.

"Speaking of susunod, dumudugo na yang ulo mo." sagot ni Ma'am. "Siyempre hindi mag kakagiyera dito. Walang mag gugusto niyan eh. Mag ingat kayong lima lagi ah, pati sina Hoseok at Jungkook." dag dag pa ni Ma'am.

Putek. Hindi ako makahinga ng maayos at dumudugo yung ulo ko. Kasabwat ako sa isang car crash accident. Pano naman kasi, yung kotseng minamaneho ko nasiraan ng preno. Mga ilang buwan lang ang nakalipas nung nangyare yun.

Pagkamulat ko ng mga mata ko, nasa ospital ako. May tubo ng oxygen sa bunganga ko at tinignan ko yung paligid ko. Nasa kaliwa ko si Namjoon at nasa kanan ko sina Jimin at Taehyung. Bale nasa pribadong kwarto si Jin hyung at kami naman nasa isang pribadong kwarto na malaki at may madaming kama.

Gising na din sila at nilapitan kami ng mga nurse. Chineck pa kami kung okay na talaga kami at tinanggal nila yung tubo kaya makakapag salita ako. "G-Gano... ka-katagl na... k-kami an-andito?" tanong ko.

"Kayo po tatlong buwan habang yung nga kasama niyo po dalawang buwan." sagot nung nurse at umupo ako.

Nakita ko si Jimin na nag uunat tapos biglang nag push-ups. Si Taehyung nakaupo lang at nakatingin sa labas ng bintana. May mga nurse naman na nakapalibot kay Namjoon para gamutin yung mga sugat niya.

Tumayo ako at nag unat. Nag push-ups din ako. Tatlong buwan ako na comatose tapos kinakaya kong mag push-ups. Swaeg.

Okay na kaming apat at pinuntahan namin si Jin hyung sa luxury room niya. Puta. Mayaman yung bakla.

Pagkapasok namin nakaupo lang si Jin hyung sa kama niya. "Musta?" tanong niya nung nakita niya kami.

"May napanaginipan ba kayong mga anghel at demonyo tapos tatlo satin ay anghel at dalawa ay demonyo tapos andun sina Hoseok at Jungkook?" tanong ni Namjoon.

"Basta. Pwede ka na ma-discharge, Jin? May pupuntahan tayo." sabi ko.

"Mag tawag kayo ng nurse ah. Putek oh. Pano ako ma-didischarge kung walang nurse o doktor na pumasok?" sagot ni hyung.

Loko loko pala ang mokong. Nag tawag ng nurse si Namjoon at hinintay namin si Jin hyung na ma-discharge.

Pagkalabas namin sa Seoul National Hospital, umuwi si Jimin sa Busan at pinuntahan naming apat ang anak este doppelganger este kaibigan namin, si Woozi. Baka alam niya kung nasaan si Dawon este ang pamilyang Jung.











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon