chapter 16

11 4 0
                                    

[Hoseok's POV:]

Pumunta ako sa Seoul National University para mag enroll bilang isang transfer student pero dahil hindi nila alam kung saan ang League Academy at wala namang records doon, bilang bagong student na lang galing Gwanju.

Unang linngo ng Setyembre at ang lamig ng panahon. Sa Disyembre pa uulan ng yelo pero malamig na ang panahon.

Nung araw bago kahapon ko huling nakita si Jeonghye. Kahapon, wala akong balita tungkol kina Jin hyung. Kung nagkagiyera ba talaga o hindi o hindi natuloy.

Kahapon, pumunta ako sa mental para tignan kung andun si Jeonghye pero sabi ni Wonwoo na hindi pa daw siya bumabalik sa mental simula nung isang araw.

Nasa park ako ngayon, nag papahangin. Namiss ko dito sa park eh. "Hoseok hyung!"

Napalingon ako sa sumigaw. "Kook, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Busan ka?" tanong ko.

"Bumalik ako sa condo na tinitirahan ko."

"Kina Woozi ba yang condong yan?"

"Oo, hyung. Pano mo alam?"

"Diyan din kami nakatira. Doon kami sa condo ni Woozi na malaki na hindi niya ginagamit."

"Ahh... sa top floor. Nasa fifth floor condo namin."

Biglang may mga tumakip sa mga mata namin. "Jungkook, may nag takip din ba ng mga mata mo?" tanong ko.

"Oo eh. Napansin mo ba kung sino?" tanong niya pabalik.

"Hulaan niyo kung sino kami." sabi ng isang pamilyar na malalim na boses.

"Kookie, alam mo na ba kung sino toh?" tanong naman ng isa pang lalaki na pamilyar din ang boses.

"Putangina niyo pag hindi niyo kami nahulaan." banta naman nung isa.

"Mag salita kayo pag kilala niyo kung sino kami." sabi naman ng boses Lolo.

"Tae. Si TaeTae ang nag tatakip ng mga mata ko." sabi ko.

"Hi, hyung. Musta?" tanong ni Taehyung at tinanggal niya yung mga kamay niya.

"Pandak este ChimChim hyung." sabi ni Jungkook at tinanggal ni Jimin yung mga kamay niya sa mga mata ni Jungkook at binatukan niya ito.

"Pakyu, Kookie. Hanggang dito pa talaga?" sabi ni Jimin.

Nagulat naman kaming dalawa ni Jungkook ng makita namin sina Jin hyung, Namjoon, Jimin, Yoongi hyung, at Taehyung. Hindi sila nakapurong puti at itim. "Bakit kayo andito? Diba may giyera sa Heavell?" tanong ko.

"Heavell? Saan yun?" tanong naman ni Namjoon.

"Nagkaamesia kayo?" tanong ni Jungkook.

"Ganito kasi yun," sabi ni Yoongi hyung at kinwentuhan kami ni Jungkook malayo layo kina Jin hyung.

Okay. Na comatose silang lima at tatlong buwan na comatose si Yoongi hyung habang dalawang buwan yung iba. Parang panaginip lang sakanila pero kay Yoongi totoo talaga. "Wag niyong sabihin sakanila para hindi natin puntahan ang Heavell." dag dag ni Yoongi.

Binalikan namin sila at may bendahe sina Jimin at Taehyung sa ulo habang si Namjoon ang dami niyang bendahe. Ganun na din si Yoongi, pero madami sa may ulo.

"Bakit may bendahe sina Jimin, Taehyung, Yoongi, at Namjoon hyung habang wala si Jin hyung?" tanong ni Jungkook.

"Nakaligtas ako sa kanser sa dugo." matamlay na sagot ni Jin hyung. Mukhang kakarecover lang niya.

"Diba dapat nag papahinga si Jin? Ba't yan nag lalakad dito? Baka mamaya mahimatay kailangan nanaman nating isugod sa ospital." sabi ni Yoongi.

"Edi uuwi. Joon, samahan mo ako sa bahay." sagot ni Jin.

"Alis na kami ni Jin. Papalitan ko pa mga bendahe ko. Puta." sabi ni Namjoon at umalis na sila ni Jin.

Ang sweet nung dalawa. NamJin talaga ang matibay kahit may TaeJin at VMon.

Nag palipas pa kami ng ilang oras dito at si Jeonghye ang iniisip ko. Nasaan ba kasi siya? Bakit hindi siya nag paparamdam? Grabe naman siya eh hindi pa naman sigurado pag patay na talaga siya o buhay pa tulad ng limang mokong na na comatose. "Iniisip mo nanaman si Jeonghye noh?" tanong ni Yoongi.

"Wala na yun. Tumalon yun ng ospital ay edi patay na." sumingit si Taehyung.

"Si Shin Jeonghye? Yung college sophomore?" tanong naman ni Jimin.

"Kaklase ko yun dati. Hindi ko nga lang kaibigan kasi na wiwirdohan ako sakanya." sabi naman ni Jungkook.

"Kilala niyo si Jeonghye?" tanong ko.

"Ang tawag sakanya ng mga iba naming schoolmates Jeong for short. Masayahin talaga yang babaeng yan." sabi ni Jimin.

"Weirdo nga lang para sakin kasi kung saan saan ko nakikita." sabi naman ni Jungkook.

"Kras ka nun. Si Wonwoo nga lang ang nang liligaw sakanya nun." sabi din ni Taehyung.

Ba't parang kumirot yung puso ko? May sakit yata ako sa puso pero healthy naman ako.

Nag kwentuhan lang yung apat habang iniisip ko kung saan ko hahanapin si Jeonghye. Tinext ko si Hyejin kung alam niya kung nasaan si Jeonghye pero wala daw siya sa Gwangju.

Ilang beses kong pinag papalo yung cellphone ko sa palad ko sa kakaalala sakanya. Hindi ko nga alam kung bakit ako nag aalala eh. Nababaliw na yata ako.

Ilang oras ang lumipas at mga alas kwatro na ng hapon. Nakatingin lang ako sa kalsada at may nakita akong matanda. Tumayo na ako at nilapitan si Lola. "La, alalayan ko po kayo. Okay lang po ba?" tanong ko.

"Sige, ijo. Salamat ah." sagot ni Lola at inalalayan ko siyang tumawid ng kalsada.

Pagkatawid namin, nag pasalamat si Lola. "Salamat, ijo. Pwede ko bang basahin ang palad mo? Kaya kong mag basa ng palad." sabi ni Lola.

"Sige ho." sagot ko at inabot ko sakanya yung palad ko. Binasa naman ni Lola.

"Nakasabi na dito na mabait ka talaga na tao. Nakilala mo na ang mamahalin mo ng pang habang buhay at mag babago siya para sayo. Magugulat ka na lang pag nag kita kayo ulit."

"Talaga po, La?"

"Oo, ijo. Oh siya, mauna na ako. Salamat ulit ah."

Binalik sakin ni Lola yung palad ko at nag lakad na palayo. Magugulat daw ako pag nag kita kami ulit. Kunti lang naman ang kakilala kong babae bukod kina noona, mama, at Hyejin.

Di kaya si Jeonghye ang binabanggit ni Lola? Bakit si Jeonghye ang naisip ko? Ang gagu ko din eh. Puta.

Tumawid ulit ako ng kalsada para bumalik sa park ng biglang bumagal ang pag lalakad ko. Si Jeonghye ba talaga? Bakit naman ako maiinlab sa isang demonyo? Tsk.

*BEEEEEEP* [A/N: Sound effect yan ng busina ng kotse. Wag kayong ano xD]

Hindi ko napansin yung kotse at wala akong maalala pagkatapos kong marinig yung busina ng kotse.











Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon