Sinamahan muna namin si Taehyung na alagaan yung ibon buong mag hapon. Naunang umuwi yung dalawa at ako na lang ang andito sa park.
Gabi na at nakita ko yung kalapati ni Jimin. Nag thumbs up na lang ako ba alam ko na. Mag isa ko nanamang uuwi. Sanay naman na ako mag isa. Tsk.
Nag lalakad ako pauwi at gabing gabi na kasi nag papabagal ako sa pag lalakad. Siyempre babagalan ko kasi malamig yung simoy ng hangin.
Malapit na ako sa bahay namin at may nakita akong lumilipad sa kalangitan. Hindi naman ibon kasi ang laki. "Yoongi?" tanong ko pero hindi siya sumagot.
Tangina. Ano yan pag hindi yan si Yoongi? Bigla naman yun lumipad papalapit sakin at tumayo sa harapan ko. Ang laki ng pak pak niya. May mga pangil sa dulo ng pak pak. Ang haba ng buntot at ang lalaki ng mga sungay tapos naka labas na yung mga pangil niya. Purong itim yung mga mata niya at duguan siya. Ang hahaba din ng mga kuko niya at parang may biniktima na siya.
Lumapit siya sakin at kinalmot ako sa mga braso ko. Aray ko po. "H-Huwag mo a-akong l-lalapitan ikawng d-demonyo ka! N-Nasa t-tabi ko si H-Hesus! Eomma." sigaw ko sabay gawa ng cross gamit ng mga daliri ko. Eomma (´;ω;`)
Napansin ko na naka uniform siya. Uniform ng League Academy. Nag hiss siya. "Hoseok?" sabi niya. Ang lalim ng boses niya pero babae siya.
"P-Paano mo a-a-- JEONGHYE?!" pag rereact ko.
"Hoseok, umalis ka na bago kita mabiktima. Please."
Nag lakad ako papalayo tsaka tumakbo papasok sa loob ng bahay. Naka sandal lang ako sa pinto at ang bilis ng tibok ng puso ko. Sino ba naman ang hindi bibilis ang tibok ng puso pag nakakita ng GANON? "Problema mo?" tanong ni noona. "AT SAAN MO NAKUHA YANG MGA SUGAT MO SA BRASO?! Tumutulo yung mga dugo oh."
"Noona, huwag kang lalabas at wag kang titingin sa labas." sagot ko.
"Pano pag gusto ko?"
"Gusto mo bang mamatay?"
"Andito naman ako kaya hindi mamatay si Dawon noona." sagot naman ni Yoongi na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Nakita mo yung nasa labas?" tanong ko.
"Oo. Ganda nga ni Jeonghye eh. Nakakamatay."
"May demonyo sa labas?" tanong ni noona at tumingin sa labas ng bintana.
"Anong meron sa labas, Dawon? Hoseok, nakipag away ka ba?!" tanong ni mama.
"May demonyo daw po sa labas pero parang wala naman." sagot ni noona.
"Pumasok ka sa kwarto ko?" tanong ko kay Yoongi.
"Oo at... nakalimutan ko yata isara yung pinto sa balkonahe. Swag?" sagot ni Yoongi.
"Anak ng nanay mo. Wag niyong bubuksan yung pinto at ilock niyo lahat ng pinto at bintana." sabi ko at umakyat sa kwarto ko.
May narinig ako sa bubong kaya agad kong sinara yung pinto sa balkonahe. Sinara ko na din ng kurtina at kinuha ko yung betadine at mga bendahe.
Ginamot ko yung mga sugat ko at binalot yung mga sugat ko ng bendahe. Nilock ko yung pinto sa balkonahe at nag palit ng damit. Shorts at t-shirt.
Bumaba na ako sa kusina at kumakain na silang tatlo. "Saan mo nakuha yang nga sugat mo? Ang lalim nang mga yan." sabi ni mama at napatingin naman ako sa sugat ko.
Malalim nga kasi halata yung dugo at mapula pula yung dugo. "Nakalmot lang ako kanina pero mawawala din toh." sagot ko at ngumiti ng matamis para hindi na mag alala si mama.
"Umupo ka na bago ubusin ni Yoongi yung pagkain." sabi ni ate kaya umupo na ako at kumain na.
Sa sumunod na araw, papunta na kaming pito sa classroom namin. "Hyung, anyare sayo? Bakit ka may sugat sa mga braso mo? May umaway ba sayo? Sino umaway sayo? Akin na, gamotin ko." sabi ni Taehyung habang naka upo yung kuwago sa balikat niya. Tulog.
"Wag na. Alalahanin mo na lang yang project mo." sagot ko.
"Hayaan mo na lang daw siyang mang durugo diyan." sabi naman ni Namjoon at binatukan ko siya.
"Bakit may dala kang espada, hyung? May kakatayin ka bang baboy pang lechon?" tanong ni Jungkook.
"Hindi. Para mamaya sa training namin." sagot ni Jin hyung.
"Jimin hyung, pinaalam mo na?" tanong ni Jungkook.
"Oo. Sabi ni Archangel pwede daw sa inyong dalawa ni Hoseok hyung basta wag lang sa mga anghel at demonyo." sagot ni Jimin.
"Sabihin mo sa amin mamaya, hyung ah." sabi ni Jungkook at nginitian siya ni Jimin sabay tango.
Ang cute talaga ni Jimin. Bwisit. Mamatay ako sa sakit ng puso niyan eh.
Pagkapasok namin, sumunod naman si Jeonghye. Naalala ko tuloy yung kagabi. Tinignan ko siya at nauntog siya sa may pintuan. Gusto ko siyang tulongan pero yung kagabi.
Ilang beses niyang na nabangga yung mga lamesa namin hanggang sa makaupo siya sa lamesa niya sa likoran. Anyare sakanya at bakit parang nag aalala ako?
Nag simula na ang klase namin at tiis tiis ang mga masisipag kasi yung mga sinasabi ng teacher namin ang sinusulat namin sa notebook namin. Hindi pa napapalitan yung blackboard eh.
Nung tinawag si Jeonghye sa harap, lagi siyang nakakabangga ng lamesa. "May healer na tayo dito? Paki gamot si Jeonghye please. Nabulag siya." sabi ni Ma'am Cassandra.
"Ako po." sagot ni Taehyung at binigay kuna kay Jimin yung kuwago.
Pumunta naman si Taehyung sa harap at hinawakan niya yung pisngi ni Jeonghye. "Aray." sabi ni Taehyung pagkahawak niya sa pisngi ni Jeonghye. Napaso yata.
"May nakikita ka na ba, Jeonghye?" tanong ni Ma'am.
"Wala po." sagot ni Jeonghye at parang nagulat ako dun ah. Sinabi ba niya yung salitang "po"?
"Bumalik ka na sa upuan mo. Namjoon, paki alalayan please." sabi ni Ma'am Cassandra at sumunod naman si Namjoon.
Ayaw niya yatang makitang magalit si Ma'am Cassandra at maganda si Ma'am kaya madamint sumusunod sa utos niya.
Umupo na si Taehyung sa upuan niya at napansin ko na itim pa din yung mga mata ni Jeonghye. "May gamot ba kayo diyan na para sa sakit ng ulo? Biglang sumakit ulo ko eh." sabi ni Taehyung.
Nilabas ko naman yung mga bendahe na dala ko at binigay sakanya. "Ipang balot mo sa mga braso mo para hindi ka masugat ng kuwago mo." sabi ko.
"Hyung, kahit masugatan ako, gagaling at gagaling din naman. Kaya akin na yung mga braso mo at papagalingin ko yung mga sugat mo." sagot ni Taehyung.
"Anong sugat? Hoseok, may na encounter ka bang ibang klaseng demonyo?" tanong ni Ma'am.
"Opo pero kaya ko po ito. Sugat lang naman hindi naman po masyadong kritikal." sagot ko.
"Ipa gamot mo na kay Taehyung bago lumala."
Tumango na lang ako at pinagamot ko kay Taehyung yung sugat ko.
Bago makalabas si Jimin ng classroom kasi lunch na, pinaalala ko sakanya yung tungkol dun sa sasabihin niya dapat.
Pinaalis muna namin yung mga kaklase namin pati si Jeonghye hanggang sa kaming tatlo na lang ang andito. "Una, si Jeonghye ang pag uusapan natin. Siya ang main topic natin kasi ganon siya." sabi ni Jimin.
"Anong klaseng demonyo ba si Jeonghye?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fiksi Penggemar"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}