chapter 19

14 4 1
                                    

Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Namjoon kahapon. Ako, hahalikan si Jeonghye? Imposible naman yun.

Sa ngayon, nakaupo ako sa kama ko sa bahay namin kasi binalik na samin yung bahay namin dito sa Seoul na binenta, may pasok pa kaming pito. Magaling na si Jin hyung at si Hyejin ang makikita kong babae sa school at yung mga teacher naming mga babae. "Psst," tawag ko kay Yoongi na nasa kabilang kama "Psst, hyung, gising na." sabi ko.

"Ang aga pa." sagot ni Yoongi hyung.

"Ano na ba ang oras?"

"May relo naman. Ba't di mo tingnan?"

Natulog ulit si hyung at tinignan ko yung oras. Maaga pa pala. Masyadong maaga. Alas tres ng madaling araw.

Bakit naman ako nagising ng madaling araw? Baka may nag babantay sakin? Wag naman sana huhuhu.

Kinuha ko cellphone ko at binuksan yung Facebook account ko. Mga walang kwentang post hanggang sa nakita ko mukha ni Lucia Joaquin sa People You May Know.

Puta. Pati multo gagawan ng account. Fotah. Kinuha ko yung earphones ko at sinaksak sa tenga ko at cellphone ko tsaka nag sound trip.

Habang nag sasound trip, may mukha na lumabas sa screen ng phone ko at nawala yung music. Si Jeonghye. "Hoseok," sabi niya.

"Hoseok, mag kita tayo sa rooftop ng Seoul National University pag dismissal. Sabik na sabik na akong makita at makausap ka. Please, Hoseok, mag kita tayo sa rooftop bukas. I'll be expecting you." dag dag niya at nawala na.

Bumalik yung music at nasa home page na yung cellphone ko. Nagtaka naman ako kung bakit.

Nag palipas ako ng oras hanggang sa mag ala seis na ng umaga. Dumiretso ako sa banyo para maligo at nag bihis na din.

Pagkalabas ko sa cr, nag aabang na pala Yoongi hyung tsaka pumasok sa cr. Bumaba ako sa kusina at may nakahanda ng pagkain tapos si noona ang nag luluto. "Himala yatang ikaw nag luluto ah, noona." pag bibiro ko.

"Tse. Ako ang nag luluto kasi tulog pa si mama." sabi ni noona.

"O para kay Yoongi hyung?"

"Ewan ko sayong kabayo ka. Pano ba kita naging kapatid eh ang ganda ko tapos mukha kang kabayo?"

"Naging mag kapatid tayo kasi iisa lang ang nanay at tatay natin."

"Speaking of tatay, may balita ka pa ba tungkol sakanya? Tagal na niyang hindi umuuwi."

"Wala. Nasa Japan pa din yata. Kaya pala ang puti mo kasi pinag lihi ka ni mama kay Sadako."

"Heh. Kumain ka na nga, may pasok pa kayo ni Yoongi. Nasaan ba si Yoongi?"

"Nasa banyo. Puntahan mo, baka naliligo."

"Tarantado kang kabayo ka."

"I love you too, noona."

Umupo na ako at kumain na ng pancakes at bacon na luto ni noona. Himala, hindi sunog.

Bumaba na si Yoongi galing sa kwarto ko este namin at agad umupo tsaka kumain.

Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa school at nadatnan namin yung iba sa daan kaya sabay na kaming pumasok.

Pagkapasok namin ng campus, may mga sumalubong samin at tinanggap kami ulit sa university. "Welcome back. Pagkatapos ng dalawang buwan nakabalik na kayo." sabi ni Hyejin.

"Salamat pero sanay na kami na pabalik balik sa isang lugar." banat ni Jin hyung kaya binatukan ni Namjoon.

"Dami mong alam." sabi ni Yoongi hyung.

"Hyejin ah," tawag ni Jin hyung.

"Eh..." sagot ni Hyejin.

"I..." sabi ni Jin hyung at namula yung mga tenga niya. "Love... you." pagtapos ni hyung. Siniko naman siya ni Taehyung.

Namula si Hyejin sa sinabi ni Jin hyung. "Ehh... hehe... pumasok na tayo may program na magaganap para sa inyong pito. Mauuna na lang yata ako." sabi ni Hyejin at nauna ng pumasok.

Kinantyawan namin si Jin hyung habang namumula siya. "Song Hyejin pala ah. Kailan mo pa siya nililigawan?" tanong ni Jungkook.

"Nung nakita ko siya dito sa school nung isang araw?" hindi siguradong sagot ni Jin hyung.

"Tulongan ka namin mamaya." sabi ko.

"Baliw na ba kayo? Kahapon ko lang siya nililigawan tapos... ano ba pinaplano niyo?" tanong ni hyung.

Nag tinginan kaming pito at ngumisi. "Uy, mukhang hindi maganda yang binabalak niyo ah." sabi ni hyung at hinila na namin siya papasok sa gymnasium kung saan magaganap ang program.

Si Kim Seokjin hyung na may gusto kay Song Hyejin na mas bata pa ng limang taon ay ang gusto niya. Tiisin mo ang plano namin muehehehe.

Nirequest talaga namin toh eh. Papahirapan siguro namin si Jin hyung kasi madami na kaming naisip kung hindi pa aamin.

"Today, we are welcoming our students who were gone for three months. Sinasalubong natin sila ulit sakaniling pag dating at ang performance nila," sabi ni Sir Cho. Nakita ko naman si Hyejin na nasa harapan.

"Let's give a warm welcome to B! T! S!" sigaw ni Sir.

Namatay yung mga ilaw sabay hiyawan ng mga estudyante at pumunta kami sa stage. Mamatay ka sa hiya, Kim Seokjin hyung.

Nag play na yung kanta at nag simula kaming kumanta at sumayaw.

Ang gwapo namin. Mas lalo na ako. Sinadya naming mag suot ng pang bahay. Wag kayong ano, gwapo pa din kami.

Hiyawan naman ng mga schoolmates namin. "Calling Song Hyejin, tumayo ka please." sabi ni Namjoon.

Napansin ko namang namula si Jin hyung. Tumayo naman si Hyejin. "Song Hyejin," tawag ni Jin hyung "Umm... may aaminin ako. Ano kasi... umm... ano..."

"Haist. Taposin mo na nga lang sasabihin mo." utos ni Yoongi hyung at tinulak si Jin hyung papalapit kay Hyejin.

Mas lalong namula si hyung at namumula na din si Hyejin. "Song Hyejin," sabi ni Jin hyung "I love you. Simula nung nakita kita nung isang araw, na love at first sight ako. Hindi ko alam kung paano basta nakuha mo na lang ang puso ko."

Huwaw. Ang bilis nun, dinaig pa kaming tatlo ni Yoongi hyung at Namjoon sa pag rarap. Yan tuloy, hingal na hingal. "Hyejin, mag salita ka naman. Nahihiya na nga yung tao oh." sabi ni Taehyung.

"Umm... Jin, natanggap mo ba yung mga ramen kagabi? Sinundan kasi kita nung isang araw tapos nalaman kong may sakit ka kaya nag padala ako ng ramen. Hindi ko nga alam kung bakit ko yun nagawa. Nakuha mo na din yata yung puso ko." sagot ni Hyejin at nagulat siya sa huli niyang mga sinabi.

Lakas naman maka "Yieee" ng mga kaklase namin. Kakilig sila. Grabe. Ayieeewww. Puta.

Pagkatapos, naging sila naman kagad. Haist. Mga bata ngayon, eh mas matanda nga si Jin hyung, oo kagad ang sagot. Hmpf.

Nag party party pa kami pagkatapos at parang nakita ko si Jeonghye sa di kalayuan. Lalapitan ko sana kaso biglang nawala. "Hoseokie hyung," tawag ni Jimin at sinensyasan ako na alis na kami.

Sumunod na ako at nag saya na kami pero ginugulo pa rin ni Jeonghye ang utak ko. Nasaan ba kasi siya ngayon?










Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon