Natapos ang morning classes namin at lunch na. Wala nanaman kaming gagawin ni Jungkook. Uuwi na yata ako tapos bibili pa pala ako ng gasul.
Pumunta na kami sa cafeteria at yung pambansang ulam ng mga estudyante ang binili ko. Walang iba kundi ang siomai. Mabuhay ang siomai.
Kanin at siomai ang binili ko at si Yoongi, kingina, shinigeng na baka. "Kaya ka pala tumataba eh." sabi ko at kumain na ako.
"Mag diet ka nga, Yoongi." sabi ni Namjoon.
"Sabi ng noona ni Hoseok wag daw ako mag diet kasi cute daw ako." sagot ni Yoongi at pinag tinginan ako ng mga kasama ko.
"Alam kong gwapo ako kaya wag niyo ako titigan." sabi ko at sumubo ng siomai.
"Alam namin na gwapo ka pero, alam mo bang bawal mahulog ang demonyo sa tao?" sabi ni Jin hyung.
"Aww... kung minalas naman ang isang gwapong demonyo na nangangalan ay Min Yoongi." sabi ni Yoongi at nag pout.
Putahamnida. Sasabog na yata puso ko. Ang cute. WAHAHA. Ang cute cute cute cute cute cute sixty-nine times cute si Yoongi! "Yoongi, maawa ka naman sakin. Sasabog na yung puso ko sa kakyutan mo. Ohmyghad. My hearteu is. My hearteu is ohmyghad." sabi ko at napahawak ako sa dibdib ko.
"Oa mo. Pwe. Anak ng putragis. Tumigil ka nga diyan." sabi naman ni Namjoon.
"Sope daw." sagot ni Jin hyung at kumain ulit ng salad. Rabbit. Dinaig pa si Jungkook.
"Hoseok hyung naman eh, bakit ka ganyan? Pano na ako? Pano na ang VHope?" tanong ni Taehyung at nag pout. Nabilaukan tuloy ako kasi mukha siyang bisugo.
"Inom ka muna ng tubig, hyung." sabi ni Jimin at inabutan ako ng tubig.
"Salamat." sabi ko at kinuha ko yung bote ng tubig at ininom ko.
"V hyung naman kasi. Wag ka ngang ngumuso, mukha kang bisugo. Shit. Rhyming." proud na sabi ni Jungkook.
"Kayong dalawa, hindi namin alam kung sa impyerno o langit kayo mapupunta. Punyeta. Mura nga kayo ng mura pero may side sainyo na nakakaputa. Bwisit." sabi ni Namjoon.
"Siyempre sa langit. Pero hindi ako sigurado kasi si Lord lang ang nakakaalam ng lahat lahat." sabi naman ni Jin hyung.
"Hoseok hyung, sabay na lang tayo pauwi. Mga hanggang 2:30 o 3:00 lang kami. Tulongan na din kita sa pag buhat ng gasul." sabi ni Jimin.
"Thank you. Pag hahanapin mo ako, nasa garden lang ako." sagot ko.
"Saang garden? Madaming garden dito sa Academy, hyung."
"Garden of Eden. Yun lang naman yung alam kong garden eh hehe."
"Sige."
Hinintay kong matapos si Jungkook tsaka kami lumabas ng cafeteria. "Hyung, mauna ka na sa garden, may kukunin ako sa locker ko na kailangan kong iuwi." sabi ni Jungkook.
"Geh. Baka mamaya sa basketball court ka pumunta ah. Sasapakin talaga kitang putangina ka." sagot ko.
"Hindi yan."
"Sige. Sabi mo yan ah."
Nauna na akong pumunta sa garden at pagkadating ko, umupo kagad ako sa isa sa mga bench.
Pano kami napadpad ni Jungkook dito sa League Academy? Ikwento ko na lang sainyo sa pamamagitan ng flashback.
Nag lalakad lang kami ni Jungkook at hindi namin alam kung nasaan kami at hapon na. Nag paalam kasi kami sa mga magulang namin na mawawala kami ng mga ilang araw para mag road trip at mag hanap ng school na papasokan namin. Wala pero kaming kotse kaya commute na road trip hehe. "Jungkook, alam mo ba kung nasaan tayo? Kanina pa tayo padaloy-daloy dito ni hindi natin alam kung anong street ito o lungsod. Baka mawala pa tayo." sabi ko kay Jungkook na nasa mapa ang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/108406413-288-k405913.jpg)
BINABASA MO ANG
Boy Meets Evil (Jung Hoseok fanfic)
Fanfiction"Gusto mo ako maging kaibigan?! Pero demonyo ka at naabot na yung maximum na demon friends sa ratings ko kaya no!" - Jung Hoseok --- Boy Meets Evil [J-Hope ff] by: taehyungjjai © All Rights Reserved PG-13 050817 - 052817 {finished}