Scarlett's Point Of View
Umalis na kami sa school at pumunta na sa mall. Pumasok kami sa isang stall. Naghahanap kami ng mga damit namin ng buglang may nagbuhos ng kape sa ulo ko.
"Bitch what a slut. Inagaw mo si Hendrick sa akin. Siguro ginayuma mo siya no!" sabi ni Trish.
"Hoy wag mo akong maduro duro bakit ka nagpapasok ng kape sa isang stall diba bawal yan!" sigaw ko sabay hablot sa kanya ng natitirang kape at tinapon yon sa kanya.
"How dare you. Look what you did. Alam mo bang mas mahal pa ang dress na to sa buhay mo?!" sigaw niya. Kaya naagaw na ang pansin nina Phia.
"Hoy babae. Tingnan mo din ang ginawa mo sa uniform ni Ate Trinity. Ang arte arte mo pa dress dress ka pa eh naka uniform ka nga. Umalis ka na nga tsupi!" sigaw ni Sophia.
"Tss hey nerd. Pagbabayaran mo to," sabi ni Trish.
"Ate Scar you alright?" tanong sa akin ni Troy.
"Oo ayos lang ako papalit na lang ako mg damit," sabi ko.
Pumili na ako ng damit.
"Ate eto isuot mo oh," sabi ni Sophia.
Isang croptop na kulay white. At isang high waist na short, kulay black. May sapatos din na sneaker wedge na kulay black.
"Dali ate isukat mo," sabi ni Xyriel sa akin sabay tulak papuntang fitting room.
Kasya lahat sa akin kay binili na nila. Nung makita ko ang price. 2000 ang damit. 1500 ang short at 5000ang sapatos. My ghad para lang dyan nakagastos agad sila ng 8500. Pagtapos naming bumili ng damit pumunta kami sa isang stall para sa pang summer lang. May two piece. Yuck hindi ako magsusuot ng ganya EVER. Bumili na lang ako ng rashguard at short. Kesa naman magbikini ako. Si Troy bumili lang siya ng short pang swimming. Si Sophia rashguard na lang din. Pati si Xyriel. Bago kami umuwi dumaan kami sa pet shop. May nakita kaming chow chow pero tuta palang siya. Ang cute kulay brown.
"Ate tara bilhin natin," sabi ni Sophia.
"Magkano ba?" tanong ko.
"17000," sabi naman ni Troy.
"Ang mahal," sabi ko.
"Bilis na ate Please," sabi ni Sophia sabay puppy eyes.
"O sige na nga," sabi ko kayo iyon binili na nila yung aso. Pinangalan nilang Chloe.
"Ay oo nga pala bibili ako ng maleta yung maliit lang," sabi ko.
"Oo nga ako din tara ate," sabi naman ni Xyriel. Naglakad na kami papunta sa tindahan ng maleta. Yung aso kasama nina Troy. Papuntang kotse.
***
Hello readers. Hahaha late update ba. Hindi malakas data eh. Pag nasa bahay na po ako pipilitin kong mag update :):):):):)
BINABASA MO ANG
Nerd Noon Prinsesa Ngayon
Teen FictionAstrid Trinity Enriquez. Isang simpleng babae na mayroong simpleng buhay, simpleng pamilya, at simpleng pangarap. Ngunit lahat ng simple niya ay naglaho na lamang bigla sa isang iglap.