Chapter 3

3 0 0
                                    


Enjoy Reading! :)

***

Athena's POV

"Tulala ka nanaman dyan. Sinong iniisip mo? Huh?"

"AY NATHANIEL!" oooppss! Oh my ghad! Nanggugulat naman kasi iyong Bestfriend ko eh!

Iniisip mo ba Sí Nathaniel?" Waah! Nag tanong na po siya!

"H-hindi ah!" Tsaka ako umiwas ng tingin

"Hmmmm. Talaga? Tingin ka nga sa akin" mapanghamon niyang sabi. Aaaarggghh! Hindi ako nakatingin! Ang dali pa naman niyang malaman kung nagsisinungaling ako o hindi. I'm not good at lying.

"Aargh! Oo na Missy. Panalo ka na" kaasar. Hindi ko talaga kayang magsinungaling

Seryoso siyang tumingin sa akin "At bakit mo naman iniisip yung lalaking yun?" kunot noo niyang tanong

"Wala naman" Sige Athena itanggi mo pa

Tinaasan niya ako ng kilay, ibiga sabihin lang nun hindi siya naniniwala

"Ok fine. Crush ko siya" shet! Nakakahiya

Mas lalo pang tumaas yung kilay niya. Meaning kailangan pa niya ng explanation

"Eh kasi naman Missy!" hindi ko na napigilan yung kilig ko at napalo ko na siya sa braso

"Aray ah!" Reklamo niya

"Eh kasi naman eh! Nakaka tense ka"

"Wow, tense ka na sa lahat na yan?" mataray niyang tanong "Eh mukha ka ngang kinikilig" bulong niya pero narinig ko kaya yun!

"O-oy! Hindi ah!" Taena, namumula na ako sa kahihiyan. Promise!

"Oh? May sinasabi ba ako? Defensive eh?" Waahh! Kung makangisi siya parang may meaning!

Arg! Nang aasar lang to eh. Kelangan kong bumawi!

"Ganyan ka naman eh" bulong ko. Kunwari nagtatampo

"Aray naman Alexa!" Reklamo ko. Binatukan niya kasi ako!

"Ikaw pa yung nagtatampo? Eh ikaw nga yung may nililihim sa akin" tsaka niya ako inirapan at patalikod na umupo

"Oy, grabe naman Missy"

"Hmp! May nililihim ka sa akin eh"

"Oo na. Sasabihin ko na"

Bigla siyang humarap sa akin at masaya akong tinignan

"Ano na Missy?" teka,excited?

"Kasi ano Missy..... A-ano" ang hirap naman!

"Kasi?"

"K-kaya ko iniisip si N-nathaniel k-kase"

"Ano nga?!" Nabigla ako sa kanya.... Kaya

"EH KASI NGA CRUSH KO SI NATHANIEL!"

"Eh W-WHAT?! S-sino? SINO YUNG CRUSH MO?!"

"Eh! Bawal ng ulitin" nakakahiya talaga

"Grabe Athena! Magka crush ka na nga, sa PLAYBOY pa!!"

"Ehh, crush lang naman eh!"

"Oo. Crush lang. Buti hindi Mahal. So bakit mo siya naging crush?"

"Eh...." Eto nanaman po. Kinikilig nanaman ako. Hindi ko nanaman napigilan at nahampas ko nanaman sa braso ang Bestfriend ko.

"Aray ah" wehehehe! Napipikon na siya "So ano na?"

"Naalala mo Missy yung encounter namin dito sa classroom? Hindi ko siya napansin nun kasi naiinis ako, kasi ang epal niya. Tapos yung nangyari sa cafeteria! Omyghad bes! Kung hindi lang siya playboy eh" megesh, feeling ko nakikita ko pa din siya.

Those eyes, ang tangkad niya, ang puti niya at gwapo talaga siya. Kaso ang PLAYBOY kasi.

"Hindi ako kokontra Missy pero binabalaan kita. PLAYBOY yun" paalala niya sa akin

"Yes Ma'am" natatawa kong sagot

Hindi naman siguro ako masasaktan nuh?

XxXxXxXxXxXxXxXx

Thank you for Reading! :)

End of Chapter 3

Fall for MeWhere stories live. Discover now