Chapter 29

3 0 0
                                    

Enjoy reading!

***

Athena's POV

Today is our second day of adventure here in Siargao!

Maaga nanaman kaming nagising syempre para mag ayos nanaman and such

Pero feeling ko sobrang kulang ng tulog ko! Pagkarating namin dito kagabi, nag shower lang kami tapos nahiga na agad kami

Pero yung sobrang sayang adventure namin  syempre nakakapagod yun pero ako?! What the hell?! Halos 1:00 na akong nakatulog samantalang sila Alexa at Ate Sam sobrang saran ng tulog!

Grabe, masyado akong naging affected sa pagkikita namin ni Nathaniel. Hindi ko naman akalaing yung pamilyar na boses na narinig ko noong isang gabi eh siya pala yon

Feeling ko sobrang bangag ko na ngayon

Nakahiga pa din ako at nakatingin lang sa kisame

"Hoy Missy bumangon ka na nga jan at maligo ka na, aayusan pa kita" nakatingin ako kay Missy na kakatapos lang maligo

"Ano nanaman kaya ang isusuot ko?" nakatayo ngayon si Ate Sam sa harap ng higaan niya kung saan nakalatag yung apat niyang bikini

"Hala, natapos na akong maligo't lahat nandyan ka pa din ate?" singit naman ni Missy

"Eh sa kahirap mamili eh" reklamo niya

Bumangon na ako at lumapit sa kanila

Gold, Maroon, Dark Green and Silver

Sa next destination namin?

"Ate I prefer the Dark Green, bagay yan sa second destination natin"

"Oo nga no? Thanks ading bebs" nakangiting sabi ni Ate Sam sa akin

"Galing talagang mamili ng Missy ko" tuwang tuwang sabi ni Alexa sabay palakpak

"Basic" natatawa kong sagot

"Hala, hala, nasobrahan. Maligo ka na uy" natatawang sabi ni Missy sa akin

Dumeretso na nga ako sa cr at ginawa na ang dapat kong gawin

Pagkalabas ko, suot na ni ate Sam ang kanyang Dark Green one piece bikini

Grabe, bagay na bagay yung outfit niya sa pupuntahan namin. Ipinatong niya ang kanyang brown see through dress

Si Missy naman naka turqouise one piece  bikini may nakapatong na white see through dress

And me? I don't know yet

Hahahahaha!

"Missy I want you to wear this" sabi ni Alexa sabay angat sa hawak niyang baby pink one piece bikini ko

"Are you sure?" tanong ko

"Of course! Since you helped Ate Sam and Ate helped me too, I want to help you also" nakangiting paliwanag ni Missy

Natawa nalang ako at sinunod ang gusto niyang isuot ko

Pinatungan ko ito ng black see through dress

Nagmemake up na ngayon si Missy at nag aayos naman ng buhok si ate Sam, she's braiding her own hair! Omyghad! Paside yung pagbre-braid niya then after that she placed a hair clip on the other side of her hair

And me? I'm drying my hair using a blower

*tok! *tok! *tok!

"Babe! Matagal ka pa ba dyan?!"

Napangiti nalang ako sa tanong ni Kuya Steven mula sa labas

Halatang inip na inip na siyang lumabas si ate Sam at kanina pa din tunog ng tunog yung cellphone niya

Fall for MeWhere stories live. Discover now