Enjoy Reading :)***
"Bro ano na?"
"Oo nga. Bakit kasi pinag tutuunan mo pa siya ng pansin?"
"Ang dami namang nagkakagusto sayo eh"
Sunday ngayon at nandito nanaman kami sa bar. Oo alam kong may pasok ako kaso argh! Hindi ko talaga siya mapigilan
Hindi ko mapigilang maisip siya
Simula nung nangyari yun, umiiwas na siya sa akin. Pero nakita nga ba ako nagkakaganito?!?! Argh! Dati dati naman wala akong pakialam sa mga nagkakagusto sa akin
"Teka, in love ka ba?" halos maibuga ko na yung iniinom ko dahil sa tanong niya
"Haha! Asa pre" ako
Athena's POV
Simula nung nadulas ako sa pagsasabi kay Nathaniel na crush ko siya, umiwas na ako. Nakakahiya kasi
Pero kailangan ko ba talagang umiwas? Eh crush lang naman yun. Haha!
Ang ingay ngayon dito sa classroom, lahat kami may sari sariling mundo. Wala nanaman kaming teacher kasi may meeting daw sila para sa nutrition month
Tahimik lang akong nagbabasa ng libro dito nung bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod
"Hey" para naman akong nanigas dahil sa boses na narinig ko. S-si ano! Omeged
"Hoy bumitaw ka nga! Tsansing ka eh" feeling ko namumula nako dito
"Promise mo munang hindi mo ako iiwasan" bakit ba siya ganto?
"Huh? Hindi naman ako umiwas" nasa libro pa din yung tingin ko dahil baka pag humarap ako sa gilid eh magkamali ako
"Umiwas ka na nga lang" nakayakap pa din siya sa akin. Ano bang nakain nito?
"Bitaw nga! Nakakarami ka na ah" Pero bago siya bumitaw kinisa niya muna ako sa cheecks
"Ayyyiieee!!" Hala! Nandito nga pala kami sa room at nakita yun ng mga classmates ko
"Grabe Athena! Luma love life!"
"Oo nga. Ang sweet eh?"
"Shet. Dumadamoves Nathaniel"
Hindi ko nalang pinansin yung mga pang aasar sa amin ng mga classmates ko
Normal lang naman yung naging takbo ngayong araw. Hindi ko na din iniiwasan si Nathaniel. Sabi nga ni Alexa 'Just go with the flow' daw. Magpapatangay nalang ako. Bahala na si batman
Hindi muna kami uuwi ng Missy ko ngayon. Pupunta muna kami sa may tambayan namin at mag uusap para doon sa nutrition month program
Lahat ng Grade 9 ay kasali
Hinati na kami sa tatlong grupo kanina. Tuwang tuwa naman daw ako kasi kagrupo ko si Alexa. Si Nathaniel kasama yung mga barkada niya, two beks, 3 nerds (girls) then 2 girls,normal lang. Joke!
Habang kumakain kami,nagplaplano na din kami. Kung paano namin sila hahatiin sa tatlo, kung ano yung magiging theme namin at kung ano yung mga lulutuin
Argh! Bat kasi napili pa kami as leader? Bwisit
After namin nag plan, umuwi na din kami. Bukas nalang namin to ididiscuss sa mga group mates namin
Binigyan naman kami ng 2 weeks para makapag ipon at makapag prepare. 1 week para mag ipon, hindi daw kami allowed humingi sa mga parents. Kailangan daw naming paghirapan. Tapos yung 1 week para sa preparation namin. Actually hindi 1 week, 4 days lang pala kasi by Friday yun na yung presentation
"So guys ano ng plano natin?"
Buong maghapon daw kaming magpla plano ngayon. After naming mag usap usap titignan na namin yung pwesto namin sa may ground ng school then titignan namin kung ano yung mga kakailanganin namin
"Okay. Eto ang plano" panimula ni Alexa
So ang theme namin, parang garden or should I say garden talaga siya. Pero hindi siya yung garden na typical nating nakikita. Japan, yes. Cherry blossom. Para naman unique yung sa amin then nakakarelax kapag pumasok ka na
Lahat naman sila nag agree sa theme namin
"So eto ang groupings natin" ako na syempre. Haha! "Mahahati tayo sa tatlong grupo, The Cook, The Coordinators slash Designers and the Table Skirting. Ang mga kasama ko sa cook ay sina Emman, Ashley and Hailey. The Coordinators will be Nathaniel, Mc, Clarisse, Jm, Bea and Joy and last but not the least, The Table Skirting Alexa, Justin, Mj, and Dana"
"Bakit ganito ang groupings?" reklamo ni Justin
"Oo nga, hiwa hiwalay kami maliban lang kila Mc at Nathaniel" dagdag naman ni Emman
Bigla naman akong nainis, ako kasi ang nag group sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Alexa. Nginisian niya lang ako. Meaning ako na ang bahala
"Nagrereklamo kayo?" tinignan ko silang dalawa. Halatang badtrip, pwes mas badtrip ako. "Sino ba ang nagboto sa amin? Ako ba? O kayo?" tinignan ko silang lahat. Yung mga girls tahimik lang na nakayuko. Yung mga boys Badtrip.
"Wag kayong magrereklamo dito. Hindi kami ang nag vote sa sarili namin. KAYO. Nagrereklamo kayo? Go. Pwede kayong umalis sa grupo namin o pwede niyo naman kaming palitan. Sa tingin niyo madali iyong pagiging leader namin ni Alexa? Hindi. Kaya pwede ba? Wag kayong nagmamagaling at nagmamarunong!"
Lumabas na ako ng classroom. Maghahanap nalang ako ng magandang pwesto sa campus
"Lahat ng gustong sumali sumama na kayo sa amin" mataray na sabi ni Alexa sabay sunod sa amin. Tumayo naman lahat ng kagroup naming girls at beks
"Ang galing mo sis ah" sabi sa akin ni Alexa sabay kapit sa braso ko
Nginitian ko nalang siya
XxXxXxXxXxXxXx
Thank you for Reading! :)
End of Chapter 6

YOU ARE READING
Fall for Me
Dla nastolatkówA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?