Enjoy Reading!
***
8:00 na ng gabi ng magising kami nila Missy at Ate Sam, dala na din siguro ito ng pagod dahil sa naging byahe namin kanina
Lalabas kami ngayon para mag dinner, gabi na din kasi
Nag ayos lang kami at nag suot ng jacket dahil medyo malamig at mahamog sa labas
Nagtitingin tingin kami ngayon dito ng pwede naming kainan
"Dito nalang tayo sa Grilled Restaurant" sabi ni Missy
"Eh? Seriously Alexa? Walang lasagna ang grilled" apela ni Ate Sam
"Hala grabe ka naman ate, namarinate naman yun eh" sabat ni Missy
"Dito nalang tayo sa fast food chains" sabi ko
"Hala Missy hindi ka pa nagsasawa sa atin? Kadami daming fast food chain" reklamo ni Missy
"Eh saan garod tayo kakain?" Tanong ko
"Tara, doon nalang tayo sa may buffet restaurant" turo ni Missy
"Oo nga no? Tara na" aya ko sa kanila. Nagugutom na din kasi ako eh
Dumeretso na nga kami sa restaurant na yon
Nagbayad lang kami ng 300 pesos per person at eat all you can na!
Sheeez, pagpasok mo pa lang sa restaurant maamoy mo na yung bango ng mgs pagkain kaya lalo akong natatakam!
May iba't ibang klase luto ng pork, chicken, beef at karamihan na eh seafoods
Halos hindi kami nag rice
Puro ulam yung mga kinuha namin, haha! Alam na, pinaghahandaan ang Intagram
Pagkatapos naming kumain, naghanap kami ng the pwedeng pagbilhan ng midnight sa para mamayang gabi, pero napadpad kami sa infinitea at nag take out nalang kami doon ng dessert and syempre milk tea
Nathaniel's POV
Nandito na nga kami ngayon sa Siargao, tanghali na nung dumating kami dito, at napagpasyahan namin na bukas nalang kami mag iikot sa mga island para mas mahaba yung oras namin
8:00 na ng gabi at nandito pa din kami ngayon sa nirentahan naming guest house
Teka, saan nga ito?
Ah! Shats Guest House!
Bali tabi tabing guest house siya na pinaparentahan sa mga turista
Four bedrooms yung kinuha namin kasi apat kami, ayoko namang maki share ng bed no! Hahahaha!
"Hoy Tara na kumain na tayo, nagugutom nako" kanina pa reklamo ng reklamo tong si Mc na nagugutom na daw siya pero nakahiga pa din naman
"Oo nga, tara na" isa din tong Justin na to eh
"Saan ba masarap kumain?" tanong ni Emman
"Saan pa? Edi sa plato!" exaggerated na sagot ni Mc, parang sa tono niya yung 'duh' look
"Ulul! Saang restaurant!" Sabi ko, shunga shunga kasi
"May nakita akong grilled restaurant kanina"hirit ni Justin
"Yoko don! Mag aamoy usok ako" reklamo ni Mc
"Lul! Kaya nga grilled eh". Sabat ko
"Basta ayoko!" Tignan mo to, nagugutom na nga napaka arte pa
"May fast food chain dyan" sabi naman ni Justin
"Tol? Hindi ka pa ba nagsasawa sa atin? Fast food chain seriously?" apela ni Emman
"Eh saan nga? Nagugutom na ako ah" reklamo nanaman ni Missy
"May buffet akong nakita kanina, mukhang masarap naman yung mga pagkain doon kaya tara na" aya ko
"Ayoko! Buffet yon kaya mahal don"
*pak!
*boink!
*pak!
"Aray ah! Anong kasalanan ko sa inyo at kung makapang batok kayo sa akin!" reklamo ni Mc
"Napaka arte mo kasi! Wag kang kumain!" napikon na ata itong si Emman. Hahaha!
"Napakuripot mo kasi" sabi ko naman
At sa hinaba haba ng aming diskusyon eh sa buffet restaurant ang bagsak namin
At sa tinagal tagal ng pagde decide namin eh 9:00 na ng gabi!
Sana bukas pa yon
Pagkalabas namin may napansin ako sa kabilang guest house hindi sa kabila pa pala. May isa pang kasing guest house na nasa pagitan namin
Tatlong babae na mga naka jeans at jacket
Sino kaya yung mga yun?
Papasok na sila sa kanilang guest house kaya hindi ko nakita yung mga mukha nila
"Uy pre may tatlong chiks don! " turo ni Mc
Akala ko ako lang ang nakapansin
"Ulul! Umayos ka nga Mc, kanina lang nagugutom ka" sabi ni Emman
"Tara na, tara na. Mga turista din siguro yung mga yon, kaya kaya makita din natin sila bukas" sabi ko
"Tara na at baka magsara na yung buffet restaurant, nagugutom na din ako" singit naman ni Justin
Bago pa ako maglakad, napatingin nanaman ako doon sa may apartment na yon, hindi naman yon masyadong malayo kaya kitang kita ko dito
Sino kaya yung nandon?
Athena's POV
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa aming guest house
May mga dala kaming mga snacks, mineral waters at milk tea
Medyo dulo pa yung guest house na tinutuluyan namin kaya madadaanan pa yung ibang guest house dito
"Hoy Tara na kumain na tayo, nagugutom nako"
"Oo nga, tara na"
"Saan ba masarap kumain?"
"Saan pa? Edi sa plato!"
"Ulul! Saang restaurant!"
Natawa nalang kami nila Missy at Ate Sam nung marinig yung pag uusap ng mga taong yun noong napadaan kami sa harap ng guest house nila, may isang pang guest house bago yung guest house namin
Pero bakit parang pamilyar yung huing boses na narinig ko?
Bakit parang si--
Omyghad!! Ang ibig sabihin ba nito eh Namimiss ko siya?
Waaaaaahhhhh!!!! Erase! Eraaaaaaseee?
Hindi pwede yooooon!
*inhale! *exhale!
Guni guni mo lang yon Athena
Oo guni guni mo lang talaga yon
Dala lang yan ng pagka busog mo
Hala! Bakit may ganon ba? Ang alam ko mag gutom lang yon
Hala! Bakit ba kinakausap ko yung sarili ko?!
Tsk! Tsk! Erase erase!
Nandito ka ngayon para magrelax Athena!
Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa apartment namin
At dahil sa haba ng tulog namin kanina ay napagpasyahan namin na mag movie marathon nalang sa laptop ni Missy
Oo, may dala dala kaming mga laptop
Syempre no! Ilang araw din kami dito at kelangan makapag post kami ng mga ganap namin sa buhay. Hahaha!
Naka Tatlo kamig movie bago kami nakaramdam ng antok
1:00 na siguro ng umaga nung napag pasyahan naming matulog
Hayyyy! Nakakapagod itong araw na to
***
Thank you for reading guys!

YOU ARE READING
Fall for Me
Novela JuvenilA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?