Chapter 33

4 0 0
                                    


Enjoy Reading!

***

Hindi na din kami nagtagal sa Naked Island. Nagkuhanan lang kami ng litrato tapos umalis na din kami para dumeretso naman sa isa pang island

Magkatabi pa din kami ngayon ni Nathaniel dito sa bangka

Wala naman na akong magawa dahil siya yung umaalalay sa akin. Kapag mag aalok  naman yung mga kaibigan niya sasamaan niya ito ng tingin

Hindi niya din binibigay sa akin yung sling bag ko

"Uy Athena" tawag niya sa akin

"Ha?" tanong ko

Hindi ko kasi marinig dahil malakas yung makina nung bangka

Bigla nalang niya akong inakbayan at bumulong sa tenga ko

"Galit ka ba?" nag aalala niyang tanong sa akin

"Ha? Bakit naman ako magagalit?" tanong ko

"Kasi naging mabilis ako sayo kanina"

"Ok lang yon" nakangiting kong sagot sa kanya

"Talaga?" nakangiti niya tanong sa akin

Tumango lang ako

"Thank you" bulong niya sa tenga ko at bigla niya lang akong hinalikan sa leeg

"Hoy!" gulat kong saway sa kanya sabay tulak

Natatawa naman siyang isinandal yung ulo niya sa balikat ko

"Oy! Oy! Ano yan ha? Nasa gitna tayo ng karagatan may langgam pa din!" natatawang asar ni Ate Sam sa akin

Natatawa nalang akong nag iwas ng  tingin dahil sa pinagsamang hiya at kilig

Ilang minuto pa ang tinagal namin bago kami nakarating sa pangalawang isla

Ang Daku Island

Ang sabi ni manong bangkero, ito daw yung pinaka malaking island na pupuntahan namin. Madaming mga puno ng coconut kaya malilim. May mga cottages din na pwedeng rentahan at may mga restaurants kung saan pwedeng umorder ng mga pagkain

Nirentahan na namin yung may pinaka malaking cottage na nandito para magkasya kaming lahat. Tanaw na tanaw dito yung ganda ng dagat

Habang hinihintay namin yung in-order namin, nag pictorial muna kami nila Missy, ate Sam at kuya Steven . Pero syempre saan pa nga ba sasama si Nathaniel? Hahahaha!

"Ading bebs! Picturan ko kayo ni Nathaniel dali" tawag sa akin ni ate Sam

"Hala ate wag na" tanggi ko

"Sus!  Missy dali na!" kantyaw naman ni Alexa

Hinanap ng mga mata ko si Nathaniel at ang loko! Nasa harapan na siya ni Ate Sam at mukhang gustong gusto ng mag post!

"Baby! Halika na!" ngiting ngiting tawag sa akin ni Nathaniel

"Oh, halika na daw!" kantyaw nanaman sa akin ni Missy

"C'mon baby!" napairap nalang ako dahil sa ginagawa niyang kagaguhan

Kahit nahihiya na ako dahil sa mga pinaggagawa nitong kalokohan eh nabawasan naman yung awkwardness namin sa isa't isa

Pero bakit parang ako lang yung nakaramdam ng awkwardness

Pagkatapos naming kumain, nag swimming at kumuha lang ng mga pictures then sumakay na ulit kami sa bangka para sa huling isla na aming pupuntahan

"Giniginaw ka ba?" napatingin ako kay Nathaniel na nasa tabi ko ngayon dito sa bangka

2:30 na din kasi ng hapon makulilim na din pero malapit naman na kami sa pangatlong isla dahil naaaninaw ko na ito

Fall for MeWhere stories live. Discover now