Enjoy Reading!
***
Nathaniel's POV
"Hoy! Hoy! Gising na! Anong oras na!"
"Bangon na! Anong oras na!"
"Baka mahuli tayo sa unang destination natin!"
Hmmmmm! May alarm bang ganon? Nagsasalita?
*pak! *pak!
Tuluyan na nga akong nagising ng may humampas sa akin ng unan
"Ano ba!" Reklamo ko sabay Bangon
Nakita kong may hawak hawak si Mc na unan na mukhang pinagpapalo din sila Justin at Emman
"Hoy! Tena neto, bakit ba't kaaga mong nagising?" tanong ni Justin kay Mc
"Aba! Aba! 7:00 na ng umaga mga tsong!" sermon ni Mc
Mukhang nakaligo na ata ito, hindi halatang excited! Tsk!
Wala na kaming nagawa kaya sunod sunod na kaming naligo at nag ayos
Nandito na ako sa labas ng guest house namin ng mapatingin ako sa kabilang guest house kung saan nakita ko yung tatlong babae kagabi
Nadun pa kaya sila?
Naglakad ako papunta sa guest house nila
Ang tahimik
Lumapit sa pinto at kumatok ng tatlong beses
Pero walang sumasagot
Baka tulog pa?
Kumatok ulit ako ng tatlong beses pero wala pa ding lumalabas
Naka alis na kaya sila? 90:00 na din ng umaga
"Hijo" napatingin nalang ako sa likod ko ng may tumawag sa akin
"Yung tatlong babae ba ang hinahanap mo?" Tanong niya, ha? Kilala niya? Baka nagtatrabaho siya dito
"Opo" sagot ko
"Ah! Maaga silang umalis kanina" sabi niya
"Ah, o sige po maraming salamat po" sabi ko at naglakad na pabalik sa guest house namin
Sakto namang bumukas yung pintuan at lumabas na sila Mc, Emman at Justin
"Oh? San ka galing?" tanong sa akin ni Justin
"Wala. Naglakad lakad lang" pagdadahilan ko
"Suuus! Ang sabihin mo pinuntahan mo yung tatlong chiks sa may kabilang guest house eh" banat ni Mc
"Lul! Tara na nga ang tagal niyo nagugutom na ako" hirit ko tsaka nauna ng maglakad
Dahil nalate kami ng gising eh mas pinili nalang naming kumain sa isang fast food chain
Pagkatapos non, sumakay kami sa isang habal habal na trycicle
"Saan ba tayo ngayon?" tanong ni Justin
"Cloud 9" sagot ni Emman
"Hala! Diba chocolate yon?" Hirit naman ni Mc
"Lul! Ang corny mo hulog kita eh" sabat ko
Nakarating na kami sa cloud 9 pero bago kami makapasok, nagbayad muna kami ng entrance fee tapos nag rent kami ng surfing board
Hindi naman na kami baguhan na mag surfing dahil Nakapag surfing na din kami sa boracay
Ilang oras din kaming nag surfing ng napagpasyahan kong umupo muna sa ibabaw ng paddle board
Hanggang sa may napansin ako sa may pang pang
Naka bikini sila
Yung isa kulay blue
Yung isa kulay black
Tapos yung isa peach
Nagkukuhanan sila ng mga litrato habang nasa ibabaw ng paddle board yung isa, yung isa gumagawa ng effect galing sa dagat
Sino kaya yung mga yun?
Sila kaya yung nasa kabilang guest house?
Dahil masyado akong malayo eh hindi ko makita yung mga mukha nila
Lalapitan ko na sana sila pero bigla akong tinawag nila Justin na mag surfing ulit
Pagtingin ko sa pang pang nagsusuot na sila ng damit at mukhang paalis na
Wala na akong nagawa kundi bumalik nalang sa pag susurf
But why do I have this feeling that I already know them?
***
Athena's POV
Halos tanghali na ng matapos kaming magpaturong mag surf
Puro tawanan lang ang ginawa namin dahil halos wala kaming nagawang matino dahil lagi kaming sumesemplang sa tubig! Hahahaha!
Nauwi lang kami sa photoshoot
Hahahaha!
Confident na ako na mag bikini kasi hindi naman pala nakakahiya. As long as marunog kang magdala sa sarili mo
Huminto lang kami sa pagpho-photo shoot nang makaramdam kami ng gutom. Kaya napag desisyunan naming kumain na
May mga restaurant naman dito sa loob ng cloud 9 kaya dito nalang din kami kumain
Pagkatapos naming kumain lumabas muna at inikot namin yung iba pang magandang view dito sa cloud 9
Halos wala ding taong naglilibot libot dahil halos tanghaling tapat na din at baka kumakain pa yung iba
"OMG! Missy ang ganda ng view ditooo!" turo ni Alexa sa isang bahagi ng pampang
Kulay green yung tubig nasa bungad tapos kulay blue na yung nasa bandang gitna
At ang ganda!
Syempre ano pa nga ba? Hahaha!
Tanggalan na ng rush guard at cycling shorts yan! Hahahaha!
Habang nagpipicture picute kami bigla nalang
"OMYGHAD!" nagulat kami sa sigaw ni Ate Sam
Omyghad! Si kuya Steven!
Nakatakip yung isang mga mata ni Ate Sam at yung isa nakasenyas sa amin na wag kaming maingay
May mga kasama si Kuya Steven na limang lalaki, siguro mga kaibigan niya, tapos may mga babae din na mga girlfriend din siguro nila
"Sino to?" tanong pa ni Ate Sam
Nakatayo lang kami sa harap nila habang nakangiti at kinikilig
Pero mautak itong si Ate Sam at bigla nalang niyang kinurot sa tagiliran si Kuya Steven dahilan paradise mabitawan siya ni Kuya Steven
Napa 'aray'naman si Kuya Steven dahil sa sakit. Hahahahaha! Wala naman kaming ginawa ditto kundi tumawa dahil sa higsi ng pasensya ni Ate Sam
Itinuloy nalang namin angel pagkukuha ng picture hangbang sa hindi na namin namalayan ang oras
Masasabi kong the sobrang saya ng unang araw namin dito sa siargao
***
Thank you for reading!

YOU ARE READING
Fall for Me
Teen FictionA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?