Chapter 31

6 0 0
                                    


Enjoy reading!

***

Samantha's POV

Hi! Its me Samantha Alexis Chua

Alexa's cousin

Tanghali na ng makaramdam kami ng gutom. Kanina pa kami nagsuswimming at nagkukuhanan ng mga litrato dito sa Magpupungko rock pool

At kanina ko pa napapansin na sobrang lapit nila Nathaniel at Athena

And omyghad! Kanina pa ako kinikilig sa kanila

Kasi naman, yung paglalambing ni Nathaniel sa kanya, sinusuklian niya ng pagtataray pero halata namang nagbla-blush siya

Hindi nila alam na kanina ko pa sila kinukuhanan ng mga stolen pictures, haha! Isesend ko ito mamaya kay ading bebs pero ipopost ko muna to sa Instagram

Tanghali na at umahon muna kami dahil nagugutom kami. Maghahanap muna kami ng restaurant na pwedeng naming kainan

"Hey babe wear your dress na" lapit sakin ni Steven sabay ako sa akin ng brown see through dress ko. Siya kasi yung may hawak ng sling bag ko

Sinuot ko naman na yon syempre. Alangan namang maglalakad lakad kami ng nakabikini. Hahahaha! No way!

"Baby! Isuot mo na yung dress mo!" Nagulat kami dahil sa sigaw ni Nathaniel

Medyo nahuhuli sila sa amin kaya huminto muna kami para panoorin sila

"Tse! Tumahimik ka nga Nathaniel" aruuu! Pakipot pa itong si ading bebs pero sobrang pula na ng mukha niya

Dala dala din ni Nathaniel yung sling bag ni Athena at hawak niya yung see through dress na pilit niyang pinapasuot kay Athena

"Baby naman isuot mo na to" paglambing pa ni Nathaniel

"Ate kinikilig ako" napatingin ako sa pinsan pinsan ko na nasa tabi ko ngayon

"Hindi ka nag iisap couz" sabi ko naman sabay tingin ulit kila ading bebs at Nathaniel na kanina pa nagtatalo

"Akin na nga!" Agaw sa kanya ni Athena nung see through dress

"Wag na wag mokong matawag tawag na baby!" Sigaw pa ni ading bebs at naglakad na papunta sa pwesto namin

Pagkarating niya sa pwesto namin, pinaulanan agad namin siya ng tukso at halos mamula na yung buong mukha niya dahil sa kilig

Magkakasama kami ngayon nila Alexa at Athena na naglalakad habang magkasama naman ngayon si Nathaniel at Steven

"Nice one dude!" narinig kong bati ni Steven kay Nathaniel

"Haha! Salamat sayo kuya" aba? Anong meron?

Nagkatinginan kaming tatlo at parang alam na namin kung anong nangyayari

"Mukhang nakahanap ata ng teacher si Nathaniel" natatawang sabi ni Alexa

"Hahaha! Sinabi mo pa" gatong ko naman

Hindi naman umiimik si Athena na nasa gitna namin ngayon ni Alexa

"Makangiti ading bebs parang walang bukas ah" asar ko naman sa kanya

"Hala si ate naman" nahihiyang saway sakin ni Athena

Hahahaha! Ang cute lang nila promise. Sana lang hindi niya saktan itong si Athena at makakatikim talaga siya sakin.

Hindi lang sa akin kundi kay Alexa pa

Athena's POV

Kumain kami dito sa isang sea food restaurant dito sa Magpupungko rock pool

Pagkatapos naming kumain, naglakad lakad lang kami tapos umupo lang kami sa ilalim ng mga coconut tree para magpahinga

At syempre mawawala ba naman ang photo shoot namin nila ate Sam at Missy? Hahaha! Syempre hindi

Wala kaming ginawa kundi magkulitan, mag swimming at kung ano ano pa

Syempre hindi din natigil itong si Nathaniel sa pangungulit at paglalambing niya sa akin. Pero unti unti naman na akong nasasanay

Hahahaha! Kinikilig ako omeged

3:00 na ng hapon at napag pasyahan naming mag meryenda muna ng mga street foods sa may pangpang

'Fish ball'

'Squid ball'

'Kikiam'

'Kwek kwek'

'Barbeque'

'Isaw'

Omyghaaad so yummy!

"Babe wag kang masyado sa street foods" narinig kong sabi ni Kuya Steven

"Baby ikaw din wag kang masyado sa street foods" epal nitong katabi ko

Nagkatinginan nalang kami ni ate Sam at tsaka namin inismiran sila kuya Steven at Nathaniel

"Gaya gaya lang Nathaniel?" tanong ko habang tumutusok ng fishball na hindi pa din tumitingin sa kanya

"Syempre idol ko si kuya Steven eh" tsaka sila nag apir ni kuya Steven

"Ewan ko sa inyo" sabi ko pa sa kanya

At yun na nga, halos tinikman namin lahat ng street foods at kahit binabawalan na kami eh hindi namin sila pinapansin. Haha!

7:00 na ng gabi ng napagpasyahan naming kumain na ng dinner bago umuwi

Kumain kami sa isang 'Bulalohan Restaurant' hindi kalayuan sa Magpupungko Rock formation

"Baby kumain ka na kasi ng rice" kanina pa nangungulit itong katabi ko at nakaka irita na

"Nathaniel ano ba? Eh sa ayaw ko ngang kumain ng kanin" sabay irap sa kanya

Wala naman na siyang nagawa dahil hindi talaga kami kumain ng rice nila ate Sam at Alexa

Pagkatapos naming kumain nagkahiwa hiwalay na kami

Yung mga kaibigan ni kuya Steven at yung mga girlfriends nila nauna ng umuwi sa shats hotel samantalang kami naman dumaan muna kami sa isang convenient store dahil plano naming mag movie marathon nila ate Sam at Missy

Hinatid pa kami nila kuya Steven at Nathaniel sa tapat ng guest house namin samantalang sila Justin, Mc at Emman ay nauna ng pumasok sa kanilang guest house

" *ehem! Ate, Missy, mauuna na akong pumasok ha? May kakausapin pa ako eh" excuse ni Alexa tsaka siya pumasok sa tinutuluyan namin

Nakita ko namang medyo lumayo sa amin sila kuya Steven at ate Sam na mukhang mag uusap din

Napatingin naman ako ngayon kay Nathaniel na nahuli kong nakatingin sa akin kaya nag iwas agad ako

Bakit ang awkward?

"Ahh, s-sige mauuna na ako" paalam ko

Tatalikod na sana ako sa kanya para pumasok na sa guest house namin nang bigla niyang Hawakan yung braso ko

"Athena" tawag niya sa akin

"Hmm?"

"Thanks for tonight" nakangiti niyang sabi sa akin

"Ahh, hehe. Wala yon" awkward kong sagot

Aalis na sana ako ng bigla niya nalang akong hinatak at niyakap

"I'm happy being with you Athena" narinig kong bulong niya at naramdaman ko nalang na hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko

***

Thank you for reading!

Fall for MeWhere stories live. Discover now