Chapter 21

1 0 0
                                    

Enjoy reading!

***

This is it pansit! Hahahaha! Christmas party na!

And, omyghad lang diba?

Papasok na kami ng school at andaming nakatingin sa amin!

Eh pano ba naman kasi! Kami lang ata yung may Korean outfit dito! Hahahaha! Lahat ata ng students naka red or naka Santa Claus outfit! Samantalang kami naka Korean outfit! Jusme!

At ngayon nga, naglalakad na kami papuntang classroom. Pinadala ko nalang sa driver namin yung binake kong cake para sa klase

"Missy kanina pa tayo pinagtitinginan" bulong ko kay Alexa

"Syempre magaganda tayo" ay aba! May gana pang May ang loka!

"Ano ba Missy! Seryoso nahihiya nako!"

Eh pano ba naman kasi! Nakasuot lang naman kami nung parang bathrobe! Yung mga NASA kdrama? Ganon! At yung akin kulay black with a combination of white. Tapos kay Missy kulay gray with a combination of peach. So cute diba? Hahahaha!

At pagkarating namin sa room, naghiyawan agad yung mga classmate namin.

Oh? Anong meron?

Hindi ko nalang sila pinansin at pinalagay ko nalang yung cake dun sa may table na nasa  harapan. Grabe ang daming foods!

Busy ako sa pag aayos nung cake nung may nagsalita sa tabi ko

"Hi"

"He--"

O_o

"KYAHHHHHH!" Tili ng mga classmate naming babae

"Oooooow!" Kantyaw ng mga classmate naming lalake

"W-what the hell?" Naibulong ko nalang

Seryoso ba to?

Yung kulay nung outfit niya black and white din!

Hindi parehas yung design sa malapitan pero for sure sa malayuan magkaparehas kami!

Eto ba yung pinagkakaguluhan nila kanina nung pumasok kami?!

"Bagay ba?" Ngiting ngiti pa siya?

Well, hindi ko naman maipagkakailang bagay sa kanya. Para nga siyang yung mga Korean artist eh! Pero alangan namang sabihin kong bagay sa kanya? No way! Baka lumaki pa ulo niya. Hahahaha!

Tinaasan ko siya ng kilay

"Ano sa tingin mo?"

"Oo. Kasi napatunayan nating bagay tayo"

Wh-what the?!

"Ikaw lang nagpatunay non oy. Tsaka tao tayo wag kang mag assume"

Nakakainis. Feeling ko ang pula pula na ng mukha ko ngayon

Tatalikod na sana ako nung bigla siyang humawak sa braso ko

"Eh bakit nagbla-blush ka?"

Shet

Tinignan ko naman siya with my omyghad-nakita-niya-na-nagblush-ako face. Pero hindi ko yun pinahalata

"Duh? Uso blush on. Naka make kaya ako"

"Talaga? Patingin nga" lalapit  sana siya para punasan yung pisngi ko nung

"Hep! Hep!"

"Bakit?" Lah anong bakit? Naka grin pa loko

"Magpipicuture pa kami kaya wag mong papakialaman ang make up ko!" Ha! Kala niya ah. Hahahaha!

"Ah? Ganon ba? Tara picture na tayo"

What?

Ano bang nangyayari sa taong to?

"Nathaniel! Ano ba? Ang kulit mo ah"

Nakakainis

Naka grin na siya sakin. Pero hindi ko nalang pinansin at pumunta na ako sa tabi ni Alexa

As usual, kahit naman mga ganito ang outfit namin eh hindi kami magpapatalo sa usual routine pag may christmas party

Ang pagamessss! Hahahaha!

Nagpalaro sila ng Trip to Jerusalem, The Boat is sinking, BRING ME! nakakaloka! Parang may pa-birthday nga eh. Hahahahaha!

"Ok! The next game is...... "

Grabe naman tong adviser namin! Hindi pa ba sila napapagod? Eh ako nga muntik pang mangudngod dun sa trip to Jerusalem! Hahaha! Ang haba haba kasi nung suot namin

"NEWSPAPER DANCE!"

Sheeez! Sa ganitong suot namin? Megesh! Hahahaha! Pero Keri lang masaya naman

"Tara Missy! Sali tayo" aya ko kay Alexa

"Maam! Maam! Para may trill girls and boys ang magpartner!"

What?! Grabe naman tong president namin!

"Ha, ha. Missy wag na pala" sabi ko sabay upo

Hmp! Di ako sasali dy---

"Oh! Sasali daw sila Nathaniel at Athena!" What?!

Tinignan ko naman ng masama si Emman, paepal eh

"Ok, Nathaniel and Athena pumunta na kayo dito sa gitna" nakangiting sabi ni maam sa amin

Wala na akong nagawa kasi tinulak na ako ni Missy

Eto namang kaharap ko eh wagas kung makangiti. Tsk!

Lima lang kaming sumali, nahihiya ata yung iba eh

"Ok! Start na!" Sigaw ng president namin

"Missy!" Narinig kong sigaw ni missy

Napalingon naman ako sa kaibigan ko at ang loka! Hawak hawak ang cellphone niya at nakatutok samin!

"Mas kinikilig pa yung kaibigan mo kesa sayo" sabi ni Nathaniel

Sasagutin ko pa sana siya pero nagsimula na yung tugtog. Meaning kailangan naming sumayaw

Pero hindi ako sumasayaw. Ha! Nasa harap ko yung crush ko

Crush?! Omeghed! Hahah---

Naputol yung pagmumuni ko nung may bigla nalang humawak sa bewang ko at hatakin ako!

"Kanina ka pa  sakin kaya hindi mo napansin yung paghinto nung kanya"

Shet. Sobrang lapit namin! As in! Medyo lumayo naman ako sa kanya kasi omyghad!

Nagpatuloy lang kami sa paglaro, eh kasi naman, ayaw talagang magpatalo netong kasama ko!

Pang apat na fold na nung newspaper at Tatlo nalang kaming natitira

Kanina ko pa gustong magpatalo pero etong kasama ko minemake sure niya talagang hindi lumalagpas yung paa ko! Banas

Nung huminto yung tugtog tumapak na kami sa newspaper pero---

"Aray!" Daing ni Nathaniel

Eh pano, itinapak ko lang naman yung oh so killer high heels ko

Nginitian ko naman siya, oh, scratch that, nag grin ako sakanya. Take note nakakapit pa din ako sa balikat niya at hawak pa din niya yung bewang ko

"Diba ayaw mong magpatalo? Magtiis ka" and I wear my sweetest smile to him

Ha, Tignan lang natin

***

Thank you for reading :)








Fall for MeWhere stories live. Discover now