Chapter 35

4 0 0
                                        


Enjoy reading!

***

4:00 na ng hapon nang mapagpasyahan na naming umuwi dahil baka gabihin kami at maligaw pa. Haha!

30 minutes pa ang byahe namin sakay ng bangka plus another 30 minutes pauwi sa shats guest house na tinutuluyan namin

Si Missy na nasa tapat ko, nakahiga na sa lap ni ate Sam at mukhang tulog na. Habang si Ate Sam naman ay nakasandal kay kuya steven na mukhang nakatulog na din. Ganoon din yung iba pa naming kasama dito sa bangka maliban lang sa amin ni Nathaniel

Ako man ay inaantok din pero pinipigilan ko lang

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin at napasandal nalang ako sa kanya

Aangal pa sana ako kaso hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin mula sa likod

"Sige na. Itulog mo na at mahaba haba pa ang byahe natin" bulong niya sa tenga ko

Aangal pa sana ako kaso naramdaman ko nalang na bumibigat yung talukip ng aking mga mata

"Ate katagal niya ng natutulog"

"Hayaan mo na siyang matulog Alexa, siguradong napagod yan kanina sa Sugba Lagoon"

"Anong oras na ate siguradong nandon na sila"

"Grabe si 8:00 pa lang naman couz, bukas yon hanggang madaling araw"

Yan yung mga narinig ko pagkagising ko at napabalikwas nalang ako ng bangon dahil sa gulat

"Oh! Missy buti naman at gising ka na" sabi ni Missy

She's wearing a maong short at v-neck shirt

"Anong oras na?" tanong ko

"8:00 na ng gabi ading bebs" sagot naman ni Ate Sam

She's wearing a maong short also with her hanging black hoodie may naka print na 'TAKEN' sa harap

"Bakit hindi ko ata namalayan?" bulong ko

"Eh kasi naman Missy, ayaw ka pong gisingin ni Nathaniel" sabi ni Missy

"Ano?!" gulat kong tanong

"At! Alam mo ba ading bebs?! Siya lang naman ang nagbuhat sayo magmula sa bangka, sa van hanggang dito!" exaggerated na kwento ni Ate Sam

"What?!" nagawa niya yon?!

"Haynako Missy, mag ayos ka na para makasunod na tayo sa kanila" singit ni Alexa

Oo nga pala! May lakad pala kami ngayon

Dali dali naman akong naligo at nag ayos

I'm wearing a maong short also and my white hoodie

Pagkatapos naming mag ayos, lumabas na kami para makasunod sa kanila

Pupunta kasi kami ngayon sa bar malapit lang dito sa guest house namin kaya pwedeng lakarin. Pero bago kami magpunta sa bar, kumain muna kami sa isang fast food chain para makapag dinner dahil nagugutom na kami at syempre hindi maganda sa kalusugan kung iinom ng alak na walang laman ang tyan

Pagkatapos naming kumain, dumeretso na kami sa bar, malakas na yung music pagkapasok namin sa bar. Medyo madami ng tao pero mas madami pa din ang mga foreigners. Mga turista siguro. May mga nagsasayawan na din sa dancefloor

Dumeretso kami sa isa sa mga VIP Room. Nandon na sila at madami dami na ding alak at mga finger foods sa may lamesa

Umupo agad si Ate Sam sa tabi ni Kuya Steven at bigla nalang niyang inagaw yung iniinom nitong alak at siya ang uminom nito

Iginala ko yung paningin ko sa buong VIP room

Kumpleto lahat, yung mga kaibigan ni Kuya Steven at yung mga girlfriends nila at yung mga kaibigan ni Nathaniel

Pero hindi ko siya nakita

"Nasaan si Nathaniel?" tanong ko sa kanila

"Yun oh! Hinahanap niya" kantyaw ni Mc

"Lumabas siya ah" singit ni Justin

"Oo nga. Sabi niya mag c-cr lang daw siya"

Tumango lang ako at umupo na sa tabi Missy

15 minutes na kaming nag iinuman pero hindi pa siya dumarating

Hindi na ako mapakali dito sa upuan ko

"Missy cr lang ako" paalam ko sa katabi ko

"Sama ako. Kanina pa ako naiihi eh"

Kahit hindi naman talaga sa cr ang punta ko dahil balak ko sanang hanapin si Nathaniel pero pumayag nalang din ako

Paglabas namin ng VIP room, may madadaanan ka pang dalawang VIP rooms. Tapos bababa ka pa dahil nasa baba yung cr dahil nasa second floor yung mga VIP rooms

Pababa na sana kami ng mapadaan kami sa isang VIP room na katabi lang ng hagnadan na pagbababaan namin ng makarinig kami ng mga ungol

"Ano ba yan! Dito pa sa bar gumagawa ng milagro" narinig kong sabi ni Missy

Bigla nalang akong napahinto sa paglalakad at hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para pumunta sa VIP room na iyon

"Huy Missy! Wag mong sabihing makiki chismis ka pa" tawag niya sa akin

Hindi ko siya pinansin. Bumalik ako sa tapat ng VIP room na iyon at dahan dahan kong binuksan yung pintuan

"Missy! Halika na!" aya sa akin ni Alexa

At ng nabuksan ko na ng tuluyan yung pinto, nagulat nalang ako sa nakita ko

Si Nathaniel

"Oh shit" gulat na usal ni Alexa na nasa tabi ko na ngayon

Si Nathaniel na may kahalikang babae. Kahalikan nga lang ba? Kasi itong nakikita ko mas higit pa don eh. Nakahiga yung babae sa sofa na half naked na habang nakapatong sa kanya si Nathaniel na wala na ding damit pang itaas

"Oh! Yes babe I love that. I love you" ungol pa ng babae

Hindi ko alam kung bakit nakatayo pa din ako dito. Ayoko ng makita pa ito pero tila napako ang mga paa ko sa sahig kaya hindi ako maka alis dito 

"Yeah. I love this too and I love you too" tila sinaksak ng punyal yung dibdib ko dahil sa narinig ko

"Do you love Athena?" nagulat nalang ako nang biglang magsalita yung babae

Bakit niya ako kilala?

"No. I don't even like her" sagot ni Nathaniel

Parang falls na yung luha ko pero hindi ko pa din ito pinupunasan dahil sa panghihina ko

Ang sakit

Ang sakit sakit

***

Thank you for reading!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall for MeWhere stories live. Discover now