Enjoy Reading! ;)
***
Ngayon na kami pupunta sa mall kasama yung mga kagrupo ko pero parang ayokong pumunta! Haha!
Tanga tanga kasi! Bakit ba ako nagkakaganito? Eh hindi naman ako pumayag nung inaya niya ako eh! Wala nga akong sinabi kaso, Argh! Ayoko siyang makita. Nagsuot lang ako ng jeans tapos white v-neck T-shirt at sneakers.
Sa mall na din kami magkikita kita Pero dadaanan ko pa si Alexa
"Missy! Ang tagal mo!" reklamo niya
"Psh! Kulang na nga lang hindi ako pumunta eh" bulong ko
"At bakit naman?" Hala! Narinig niya pala?!
Nagtatanong pa siya eh alam niya naman. Narinig kasi nilang lahat nung nagtanong yung g*gong yun
Nakarating na kami doon at nandun na silang lahat at naghihintat na sa amin.
Nag ikot ikot muna kami. Inuna na naming bilhin yung mga damit naming girls kaya ayun, puro reklamo nalang yung mga naririnig namin kasi daw ang tagal tagal naming pumili.
After naming mamili, Kumain naman kami sa Isa sa mga restaurant.
Nakakahiya nga kasi ang ingay ingay daw namin.
"Huy Missy!" tawag sa akin ni Alexa
"Bakit?"
"Napapansin ko lang. Bakit parang umiiwas ka kay Nathaniel?"
"Huh?"
"May LQ ba kayo?"
*cough! cough!*
Shet! Ano ba namang tanong yon?!
"Athena? Ok ka lang ba?" napatingin ako sa nagsalita. Futek! Kaharap ko lang pala dito sa table si Nathaniel!
"O-ok lang" nauutal ko pang sagot. Nauubo pa kasi ako
"Sure ka ha?" Tumango lang ako
Wait. Bakit feeling ko ang init? Ang init ng mukha ko?
"Excuse me. I need to go to the restroom" sabi ko sabay tayo
Hindi naman ako naiihi. Omyghad!
Napatingin nalang ako sa salamin sa CR. At grabe! Bakit ang pula ng pisngi ko?
Bakit ba ako nagkakaganito?
Naghilamos nalang muna ako bago nag stay sa restroom para makapag kalma ng ilang saglit. Who! Inhale. Exhale!
Tss. Bakit ba ako affected?
Eh ang sabi niya lang naman mag de-date lang kami.
Waaaahhh!! Date iyon ehhhh!
Hmp! Bahala na nga si batman!
Lumabas na ako aa restroom at naglakad pabalik sa table namin. Kumakain pa rin sila pero si Nathaniel nakangiting nakatingin sa akin. WTF!?! Kalma lang Athena. Wag mong pansinin yang nasa harap mo
"Hay! Nabusog ako don ah!"-MC
"Eh pano naka tatlong extra rice siya" singit naman ni Alexa kaya nagtawanan kaming lahat
"Tara ice cre tayo!" yaya ni JM
"Oh sure!" Wahahaha! Syempre favorite ko yun eh!
Dumeretso kami sa Dairy Queen at bumili kami nung largest na nakabaso. Grabe parang hindi kami nabusog kanina. Hahahahaha!
Busy silang nagchichikahan nung may bigla nalang humatak sa akin kung saan
Sa gulat ko, muntik ko nang mahulog yung ice cream ko!
"Mmmmmm!" Shet! Sino to?!
Nakatakip yung kamay niya sa bunganga ko kaya hindi ako makasigaw. Nakita kong nasa malayo na yung mga kasamahan ko. Shit! Kinakabahan na ako
Sa sobrang takot ko eh tinapakan ko ng malakas yung paa niya kaya lumuwag yung pagkakahawak niya sa akin, sign ko yun na lumayo sa kanya
"Aaaaaaahhhh! Shit!" daing niya
"NATHANIEL?!?!" gulat kong tanong sa kanya
"Aray,shit! Ang sakit nun ah!"
"Eh bakit kasi nanghahatak ka nalang bigla?!"
"Diba nga magde-date tayo?!"
What the?! Akala ko makalimutan niya na! Pero bakit parang natutuwa pa ako na naalala pa niya? Shit naman Athena!
Tumayo na siya ng diretso at humakbang ng isang Bess's sa akin kaya napaatras ako
"Bakit? Nakalimutan mo na ba Athena?" bigla nalang naging seryoso yung mukha at boses niya. Bigla nalang din akong kinabahan kaya napaatras din ako
"Nakalimutan? O kinalimutan mo?" tanong ulit niya at humakbang ulit ng isang beses kaya napaatras ulit ako
Humakbang ulit siya kaya napaatras ako at naramdaman ko nalang yung pader sa likod ko. Shit! Nacorner niya ako!
Tumingin ako sa gilid at ngayon ko lang nalaman na nasa may storage area kami
Magppagilid na sana ako nung bigla niyang isandal yung isang kamay niya malapit sa mukha ko. Shet! Wala na akong madaanan kasi ponto na nga storage room yung nasa gilid ko
"Tell me Athena, ayaw mo ba akong ka-date??" Inilapit niya pa yung mukha niya sa mukha ko kaya wala akong magawa kundi tumingin sa seryoso niya mukha
"Tell me" halos pabulong na niyang sinabi at halos ramdam ko na yung hininga niya sa mukha ko
Gosh! Hindi ko naman pwedeng ibaling yung ulo ko sa kabilang direksyon dahil isang galaw ko lang pwede kaming mag kiss
"Athena?" Husky. ANG HUSKY NG BOSES NIYA. Pigil hininga akong nakatingin sa kanya.
"N-nathani-------"
"HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!"
OMG!!!!!
***
Thank you for reading! :)End of Chapter 10

YOU ARE READING
Fall for Me
Teen FictionA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?