Chapter 9

8 0 0
                                    


Enjoy Reading! ;)

***

Last day na ngayon ng pag iipon namin at next week na ang preparation. Grabe nga eh. Nakakapagod pero worth it naman

Maaga kaming pumasok ngayon ni Alexa. Sinundo ko siya sa bahay nila kasi ang dami ng binake ko ngayon, alangan namang ako lang magbuhat nun diba?

Dumeretso na kami sa pwesto namin tsaka namin inayos yung mga Tupperware sa loob ng tent namin

Natatawa talaga ako kasi kapag nasa ka iisipin mong parang nasa construction site ka lang habang wala yung mga kagrupo namin eh dinesignan muna namin yung sa labas

"Wow ang ganda naman" sabay pa kaming napatingin ni Alexa dun sa nagsalita. Isa siya sa mga classmates namin

"Thanks" sabi ko nalang

"Ano ba kasing nasa loob niyan?" bakit ba kasi excited sila?

"Secret" napatingin pa kami ni Alexa sa isa't isa at sabay na tumawa

"Grabe. Napaka mysterious naman. Naeexcite tuloy ako" napangiti nalang ako. Haha! Pero sana hindi si madissapoint sa presentation namin

Bakit ang tagal naman ata nila? Eh ang dami na naming nagawa ni Alexa?

Pumasok nalang ulit kami sa tent namin pero sinigurado muna namin na walang nakakakita dito sa loob. May daanan pa naman sa likod eh

"Ang tagal naman ata nila" kanina pa nga sila wala eh

Anong oras na ang sabi namin dapat maaga sila

"Oo nga eh. Ang dami na nating nagawa"

Pumasok nalang ulit kami sa tent naman tsaka namin  gumawa ng cherry blossom. Nagpatugtog nalang din ako para naman hindi boring

Tahimik lang kami habang busy sa paggawa ng bulaklak. Siguro may iniisip siya. Sino naman? Baka sila Ate Sam nanaman. Tsk! Kaasar naman kasi si Kuya Steven

Nakausap ko kagabi si Ate Sam at hindi pa din daw sila ok hanggang ngayon. Ang lungkot nga niya kaya balak daw niyang pumunta dito sa amin. Wala pa kasi silang pasok ngayon kaya dito daw muna siya

Sasabihin ko na nga sana kay Missy kaso sabi ni Ate Sam secret daw muna. Haha!

"Hala ano yun?" gulat kaming napatingin nu Alexa sa isa't isa. Shet! Halata namang iisa lang ang reaksyon namin eh. NATATAKOT KAMI!

Eh paano! Nakaparinig kami ng kaluskos galing sa labas ng tent namin!

Omyghad! Umagang umaga may multo! Huhu! Tulong po!

"Athena! Tignan mo nga yun!" Hala! Bakit ako?!

"Hala! Ayoko nga!" Huhu! Natatakot na talaga ako!

Hanggang sa palapit na ng palapit yung mga kaluskos sa amin

Tapos may mga nakita kaming mga anino galing sa labas ng tent! Omyghad! Ang dami nila!

"Tignan mo nga Athena!" takot na takot din siya tulad ko

"Eh! Ayoko!" tinutulak niya kasi ako kaya tinutulak ko din siya hanggang sa sabay kaming napalabas ng tent

"CONGRATULATIONS LEADERS!!"

"Waaaaaaahhhhh!!" sigaw namin at nagyakapan kaming dalawa

"Hahahahaha!" Hala! Tinawanan pa kami!

Tangna! Nagulat na nga kami at lahat nagawa pa nilang tumawa?

P-pero t-teka lang!

Nagpamewang ako at seryosong tumingin sa kanila

"At bakit ngayon lang kayo? Ha?" ngumiti naman silang lahat sa akin at tsaka ko lang napansin na may bitbit pala silang mga pagkain, balloons at cake. Tapos si Justin at Emman may hawak na tig isang bouquet ng flowers. Yung mga girls naman may hawak na tig iisang rose. Siguro binigay din sa kanila

"Eh kasi po umorder pa kami ng foods natin dito" Justin

"Bakit may ganito? Eh hindi pa naman sure na mananalo tayo" syempre totoo. Ayoko namang maging malungkot sila pag nangyari yun

"Kaya namin to ginagawa kasi alam namin yung paghihirap niyo. Tsaka ang successful nung pagbebenta natin" Emman

Tama naman sila pero, "Teka, saan kayo kumuha ng panggastos? Don't tell me —" bago pa ako matapos eh pinutol na ni Nathaniel yung sasabihin ko

"O-oy! Hindi ah" tinaasan ko siya ng kilay "Nag donate Kaya kami tapos yung mga boys sa amin nanggaling" why so defensive?

Nagtawanan nalang kami dahil sa inasal niya tapos nagsimula na din kaming kumain. May malaking table naman dun tapos isinabit namin yung mga balloons sa paligid. Sa harap nalang din Jami nagbenta para makarami kami sa paggawa ng Cherry blossom. Nag sound trip na din kami para hindi boring

"Guys! Bukas pala ay bibili na tayo ng mga outfit natin okay?" Announce ni Alexa sa mga kagrupo namin. Nag agree naman sila

"Athena" napatingin ako kay Nathaniel na bigla nalang Lumapit sa akin

"Oh?"

"Date tayo bukas"

"WHAT?!?!?!"

XxXxXxXxXxXxXx

Thank You for Reading! :)

End of Chapter 9

Fall for MeWhere stories live. Discover now