Chapter 24

2 0 0
                                    

Enjoy Reading guys!

***

Nathaniel's POV

Hey! I'm back!

December 25 ngayon at magkakasama kami ng mga kaibigan ko dito sa bahay

Igi-greet daw nila ng Merry Christmas ang Mommy ko pero if I know makikikain lang yang mga yan

Nandito kami sa garden ngayon at nagmemeryenda kami ng cake

Namiss ko tuloy si Athena

Este yung cake niya pala

"Dude! Yung gift sa akin na binigay ni Athena apat na ticket, kahit saang lugar pwede yon" sabi ni Emman

"Tara sa beach" yaya ni Justin

"Oo nga, madaming chiks don" banat ni MC

"Eh saan?"tanong ko

"Sa boracay!" Masayang sabi MC

"Napuntahan ko na yon" bored na sabi ko

"Oo nga, ako din napuntahan ko na yon" singit ni Justin  "Sa palawan na lang" dagdag pa niya

"Nah, napuntahan ko na yan" Sabat ni Emman

"Osige, sa baler" Sabat ko din

"Nah dude boring dun" si MC

"Sa Siargao nalang" si Emman

"Sige. Hindi pa ako nakakapunta don eh" Justin

"Sige Game!" Ako

"So kelan ang alis natin?" Tanong ko

"Bukas na!" excited na sabi ni MC

"Wow dude ikaw manlilibre?" sarkastikong sabat ni Emman

"Joke lang pre" natatawang sabi ni MC

"Sige bukas na, kita kita tayo sa bahay para makapunta tayo ng mas maaga" sabi ni Emman

At sa sobrang excited ng mga g@go eh nagsialisan na sila

Athena's POV

December 26 na!

Mamayang after lunch ang flight namin papuntang Siargao kasi kadarating lang ni Ate Sam dito kahapon, then ngayong umaga pipili kami ng short short cycling short, rush guard and one piece bikini pang Instagram namin. Hahaha! Alam naaaa

Nandito na nga kami sa mall at kasalukuyan na kaming bumibili ng one piece

At kanina pa nagtatalo etong dalawang kasama kooooo

Ano daw na mas bagay sa akin na one piece!

Nakakaloka sila

Nakakahiyaaaa!

Kanina pa nalilito yung sales lady na nag aassist sa amin

At sa hinaba haba ng kanilang pagtatalo eh napag pasyahan namin bumili ng tig-limang different colors ng one piece

Apat para sa gusto naming kulay, then yung isa dapat magkakaparehas kami ng kulay

Ako,  ang pinili kong kulay ng one piece ay Black, White, Purple at Baby Pink

Kay Missy, Gray, Peach, Red, Turquoise

Tapos kay Ate Sam naman, Royal Blue, Gold, Maroon at Dark Green

Ang gaganda nga ng mga napili namin eh, BACKLES LAHAT

At yung pinili naming kulay ng one piece na magkakaparehas kami eh color Silver

Oh diba ang gandaaaa?!

Hahahaha! I'm so excited

After non, nag ikot ikot pa kami sa mall para bumili ng kung ano ano na dadalhin namin sa Siargao

Bumili kami ng Hat, slippers, yung sling bag na gawa sa rattan, konting make ups, shorts, spaghetti sando, different kinds of sunglasses na babagay sa mga bikinis namin, cycling shorts, rush guards, see through dress and mga accessories pang OOTD

After that umuwi na kami para makapag empake ng damit, syempre tig iisa kaming maleta.

Ihahatid kami ngayon ng Driver namin, at susunduin ko na si Missy at Ate Sam sa bahay nila para sabay Sabay kaming magpunta sa airport

"Missy! Omyghad I'm so excited" sabi ko kay Missy

On the way na kami ngayon sa airport at magkatabi kami ngayon ni Missy dito sa likod ng drivers seat tapos nasa likod naman namin si Ate Sam na mag isa lang don, ayaw niya kaming katabi kasi daw baka masuka siya at masukahan niya pa kami

Sa sobrang excited namin, hindi na kami nakatulog on the way, at sa halip na matulog eh wala kaming ginawa kung hindi mag selfie at mag post sa aming IG story

Hanggang sa

"OMYGHOSH!" Hysterical na sigaw ni Ate Bebs na nasa likod namin

"Bakit ate?" Tanong ko

Parehas na kami ni Missy na nakalingon sa kanya ngayon

"Pupunta din sila Steven kasama yung barkada niya sa Siargao bukas!" Gulat na gulat pa din si Ate Sam at syempre pati kami nagulat din

"Ano ba yan? Akala ko tayong Tatlo lang?"apela ni Missy

"Eh Missy, hindi naman natin sila makakasama sa iisang kwarto eh at tsaka baka hindi magkakaparehas yung itinerary natin" sabi ko

"Haynako, basta ang gagawin natin don eh mag enjoy lang. Walang pakialaman" sabat naman ni Ate Sam

"Tama!" Sagot namin ni Missy

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa airport

Napagdesisyunan namin nila Missy at Ate Sam na sa airport na kami mag lunch kasi matagala tagal pa ang aming paghihintay, at para hindi kami magutom sa byahe

Pagkatapos naming kumain, saktong sakto na tinatawag na yung flight na papuntang Siargao kaya dumeretso na kami sa may eroplano

Dalawang oras din kaming nasa eroplano nung nakarating kami dito sa Sayak Airport  Siargao at OMG lang! Ang ganda talaga dito as in! Hindi kami nagkamali nila Missy at Ate Sam sa pagpili ng lugar na pupuntahan namin

Medyo malamig pero ok lang naman

December eh0

May isang van na naghihintay sa amin para ihatid kami sa hotel kung saan kami mag stay

Halos kami lang din ang turista na nandito kaya I'm sure mag eenjoy kami dito at solong solo namin ang siargao. Mwahahahahaha!

Pagkarating namin sa hotel, kung hotel nga ba ang matatawag dito

Tabi tabing bahay lang naman kasi, ang ganda ng pagkakagawa, may mga balcony, tapos sa harap non garden, tapos may mga puno ng coconut.

Shats Guest House pala ang tawag dito

Tabi tabi siyang guest house na pinaparentahan nila

Hindi nalalayo sa hotel, may mga restaurants na pwedeng kainan, mga bars na pwedeng tambayan sa gabi

Ang pinili naming guest house ay yung pang four persons, masyadong maliit yung pang three, patungan nlng namin ng gamit yung isang bed

Maganda naman siya sa loob, malinis, mabango, may aircon and such

Hapon na din kaming nakarating kaya napag desisyunan nalang namin na magpahinga nalang muna

I'm so excited for tomorrow!
***

Thank you for reading guys!

Fall for MeWhere stories live. Discover now