Enjoy reading!***
Today is our third day in siargao and mag-a-island hopping kami ngayon
Ngayon, hindi na kami nagkakagulo sa pagpili ng isusuot dahil kagabi kami nagkagulo. Hahahahaha!
Maaga kami ngayon para mapuntahan namin lahat ng magagandang island dito sa sairgo
Alexa is wearing her Red one piece bikini. Naka lugay naman ang kanyang hair then pinatungan niya ng kanyang gray see through dress
Ate Sam is wearing her Maroon one piece bikini. Naka half pony tail naman ang kanyang hair and then pinatungan niya ng kanyang white see through dress
And me, I'm wearing my purple one piece bikini and naka messy bun naman ang aking hair
Lahat kami dark ang make up. Para daw maging fierce yung beauty namin
7:00 na ng umaga ng lumabas kami ng guest house
Maaga ang usapan namin ngayon kaya halos magkakasunod lang kaming lumabas
Kumain muna kami sa isang fast food chain dahil mas mabilis nga doon at para hindi aksaya sa oras
Pagkatapos naming kumain, naglakad na kami kasama yung mga bangkero na maghahatid sa amin sa mga island na pupuntahan namin
Magkasabay kaming naglalakad ngayon ni Nathaniel at as usual, pagentleman nanaman ang lolo niyo, bitbit niya yung sling bag at tumbler ko
Medyo malayo layo yung nilakad namin bago kami nakarating sa shore kung saan may naghihintay sa aming apat na Bangka
Kasama namin sa bangka nila Missy at ate Sam ngayon ay sila kuya Steven, Nathaniel, Emman, Mc at Justin
Otw to Naked Island, naramdaman ko nalang na may umakbay sa akin. Pagtingin ko si Nathaniel, nginitian niya lang naman ako tsaka niya ako hinatak palapit sa kanya at pinasandal sa dibdib niya
Hindi naman na ako umangal kasi comfortable naman akong nakasandal sa kanya
Huminto muna kami sa tinatawag nilang Secret Garden. Malapit lang ito sa Naked Island at talaga namang maa-amaze ka sa ganda ng Secret Garden. Napakalinaw tubig kaya kitang kita mo yung ganda ng mga halaman at coral reefs sa ilalim ng tubig
At syempre hindi namin palalampasin itong opportunity na to kaya nagtanggalan na kami nila Ate Sam at Missy ng aming dress at sabay sabay na tumalon sa dagat
Pagkatapos naming mag swimming nagpictorial muna kami sa may gilid ng bangka
"Witweeew" narinig kong sipol nila Mc, Justin at Emman
Na tinignan naman ng masama nila kuya Steven at Nathaniel
"Hindi si Ate Sam yung tinitignan ko ah" depensa ni Justin
"Oo nga. Hindi din si Athena" dagdag pa ni Emman
"Si Alexa kaya yung tinitignan nam--" bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay may bigla nalang lumipad na tsinelas diretso sa mukha niya
Hahahahaha! Boom sapul!
"Anong sabi mo?!" binato lang naman siya ng tsinelas ni ate Sam, sapul sa mukha eh
"Naku! Wala yun Ate Sam. Ang sabi ko si Justin yung tinitignan ko. Diba? Honeybunch" dahilan ni Mc sabay yakap kay Justin
"Yuck dude! Lumayas ka nga sa tabi ko at baka mahulog pa kita dito" asar na sagot sa kanya ni Justin
Tawa lang kami ng tawa dahil sa biruan ng mga kaibigan ni Nathaniel
Ilang minuto lang bago kami nakarating sa Naked Island
Talagang naked siya dahil walang puno at pure white sand lang yung makikita mo. Hindi din siya masyadong malaki at hindi din ganoon kaliit
Pagkababa namin ng bangka, nagtanggalan ulit kami ng mga see through dresses namin
"Babe! Picture tayo dito" sigaw ni Ate Sam kay Kuya Steven
Napatingin nalang ako sa kanila. At halos magtitili at magtatalon kami dito ni Missy dahil sa kilig ng biglang kabigin ni Kuya Steven si Ate Sam sa bewang, at isinabit naman ni ate Sam ang kanyang mga kamay sa batok ni kuya Steven at seryoso silang nagtitigan
Halos lahat ng kuha nila mahahalata mong mahal na mahal nila ang isat isa
Nagulat nalang ako ng bigla akong kabigin ni Nathaniel sa bewang at hinatak niya ako palapit sa kanya
"Gusto mo bang mag picture din tayo katulad ng sa kanila ate Sam at kuya Steven?" tanong niya sa akin sabay dikit ng noo niya sa noo ko
Kahit naduduling na ako dito para lang makita yung mga mata na na unti unting pumikit, hindi ko na namamalayan na napapapikit na din ako
Alam kong konting konti nalang ang pagitan ng mga labi namin pero wala na akong pakialam sa ngayon
"PERFECT!" nagulat nalang ako at naitulak si Nathaniel dahil sa hiya
Nakita kong nakangiti si Ate Sam ngayon na nakatingin sa camera. Kasama niya si Alexa na nakikitingin din sa camera niya
"Ate Sam naman eh! Damoves ko na yon eh!" narinig kong maktol ni Nathaniel na nasa tabi ko
Nagtawanan naman yung mga kasama namin at ginatungan siya ng sapok at batok
Kinuhanan nila kami ng litrato
Parang nangyari na ito noon?
Napangiti nalang ako bigla ng may maalala ako
***
Thank you for reading!
YOU ARE READING
Fall for Me
Novela JuvenilA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?