Enjoy reading! ;)***
"HOY! ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!" isang baritonong boses ang nagpagulat sa akin kaya naitulak ko si Nathaniel ng malakas
Mas matangkad siya sa amin. Mataba, maitim,kulubot ang skin.
WTF! Nakakatakot siya ah! Janitor ba to dito? Guard?
"Ahm... Ano po Kuya..." Shet! Mag isip ka ng reason Athena!
"Wala. Bakit?" Wow ah. Ang angas mo Nathaniel
"Alam niyo bang bawal dito?" napikon ata si Kuya
"Oo Kuya pero may narinig kasi kaming kung anong umiiyak dito sa loob ng storage room kanina" seriously???
"Mga sinungaling! Halos maghalikan na nga kayo kanina!" Jusko! Paano ba kami makakatakas dito?
"Hindi Kuya. May umiiyak talaga. Kahit tignan mo" grabe naman makapagsinungaling
"Ay. Hindi ako naniniwala sa inyo. Kebata-bata niyo pa nagp-PDA na kayo dyan?" Halikayo at sumama kayo sa office"
What?! Ang bitter naman netong si Kuya!
"Hindi kaya! Promise meron talaga" sumabat na ako ah! Haha!
Inakbayan ni Nathaniel si Kuya at lumapit pa sila sa may storage room. Nanatili lang ako sa likod na nakatingin sa kanila.
"Pag wala kang nakita Kuya, yun punta tayong office" pangungumbinsi ni Nathaniel. Binuksan naman ni Kuya yung storage room
"NATHANIEL!!!" napasigaw nalang ako sa gulat dahil sa ginawa niya
"Omyghad! Anong Ginawa mo?!" Tumingin lang siya sa akin na parang walang nangyari. Samantalang ako kinakabahan na! Putek
Hahatakin niya na sana ako pabalik kaso umiwas ako
"HOY! PAKAWALAN NIYO NGA AKO DITO!" napatingin nanaman ako sa may pinto ng storage room dahil sa ingay
"Tarana Athena at baka makawala pa yan!" Nakakabanas na to ah!
"Hoy! Para namang si hayop si Manong! Tumigil ka nga!"
Inis na inis ako sa kanya kaya bigla ko nalang binuksan yung pinto ng storage room pero nagulat ako sa nakita ko!
Si manong mukha ng haggard! Chos!
Namumula yung mukha niya at tagaktag yung pawis niya. Tapos ang talim ng tingin niya sa amin!
"Mga walanghiyang bata kayo!" Shet! Nakakatakot naman si kuya!
"Athena! Takbo!" sa gulat ko hindi ko na namalayan na hawak na pala ni Nathaniel yung kamay ko at tumatakbo na kami.
Patuloy lang kami sa pagtakbo kasi patuloy din sa paghabol sa amin. Syempre! Alangan namang magpahuli kami di'ba?
Umakyat kami or I should say tumakbo kami sa may escalator. Tinakbo na namin yun paakyat hanggang sa nakarating kami sa may sinehan
Nagulat nalang ako nang may hawak na si Nathaniel na dalawang drinks at popcorn at the same time nakabili na din siya ng ticket. Pero mas nagulat ako na nakita ko si manong sa likod ni Nathaniel! Pero nakatalikod siya sa amin at parang hinahanap niya kami! OMGiiiii!!!
Bigla ko namang hinatak si Nathaniel
"Woah! Wag kang atat Athena. Dadating din tayo jan" aba, anong pinagsasabi nito? At nakangiti pa siya ng nakakaloko ha
"Umayos ka nga Nathaniel. Nakita ko si manong sa likod mo kanina at buti nalang hindi siya nakatingin sa atin kung hindi iiwan talaga kita dito" pagbabanta ko through gritted teeth. Kaasar eh
Tumahimik naman siya at pumasok kami sa isang you know nasa sinehan kami,pfft! Syempre para manhood. Hahahahaha! Chos, umupo kami sa may bandang gitna, para maganda yung view siguro. Maganda siguro yung pinili niyang movie. Omyghad I'm so excited. Clap! Clap! Clap! Mehehehehez!
Pero bakit parang may Mali? Alam niyo yun? Yung may naririnig akong ganito sa paligid...
"Maganda kaya to? Sabi nila oo daw eh"
"Nakakatakot daw pero nakaka-excite"
May idea na ako sa movie na ito. Pero sheet! Sana mali ako kundi lagot talaga sa akin itong katabi ko!!
Nagsimula na nga yung movie at SHET! TAMA ANG HINALA KO! Huhuhubels!
Tiningan ko yung katabi ko, at ayun! Chill lang kuya? Kumakain lang naman siya ng popcorn
"Aaaahhhhh!!!" Huhu! Nakakatakot! Alam niyo yun? Yung nakapikit na ako pero naririnig ko pa rin yung sigaw yung bida tapos yung creepy sounds!
Tumingin ako sa paligid. Ang tahimik nila! Tapos parang hindi manlang sila natatakot!
Tumingin ako sa tabi ko. At nakakainis lang talaga! Chill na chill lang talaga siya habang kumakain ng popcorn! Tsk! Samantalang ako halos hindi ko pa nga nagagalaw yung popcorn ko
"Aaaahhhh!!" Shet naman! Lakas maka-impluwensiya ng sigaw nung bida!
Napatingin ako sa kabilang side ko. At ganyan nalang ang takot ko kasi wala akong katabi! Nakakatakot kasi feeling ko may nakaupo! Aaarrggh!!
Palakas ng palakas yung creepy sound kaya mas lalo akong natatakot!
"Aaaahhhh! Nathaniel!" hinihila ko na yung dulo ng shirt niya kasi natatakot na talaga ako!
"Sshhh!" Tumahimik ka nga Athena. Ang ingay mo" prenteng-prente pa rin siyang nakaupo
"Aaaahhhh! Ayoko na talaga Nathaniel! Uwi na tayo please!" Halos yugyugin ko na siya sa takot. At itong katabi ko, hindi ko alam kung maiinis ako sa kanya o ewan!
"Aaahhh!" Shet!" Hindi ko na alam kung maiinis ako o maiiyak sa takot kaya pumikit nalang ako. Iniisip na matatapos din to
Matatapos din to
Matatapos din to
Dumilat na ako. Kasi biglang tumahimik. Na-realize ko nalang na tapos na yung movie kasi nagsisi-alisan na yung iba.
Napatingin ako kay Nathaniel, nakatingin din siya sa akin at bakas sa mukha niya na natatawa at the same time naaawa siya sa akin. Kaya sa inis ko, binato ko sa kanya yung popcorn ko na hindi ko pa nababawasan at iniwan siyang gulat at naka-tanga
"Athena!" kanina pa siya sunod ng sunod sa akin pero hindi ko pa rin siya pinapansin
Tas! Bakit ba kasi ako pumayag di'ba? At bakit naman hindi ko mahanap sila Alexa?
Dumeretso nalang ako sa may parking lot. Nakita ko naman si manong na kumakain ng ice cream! Hindi ko tuloy nasulit yung ice cream ko kanina! Tsk!
Binigyan ko kasi si manong ng pang shopping niya kanina para hindi siya ma-bored.
Malapit na sana ako sa may kotse nung may tumawag sa pangalan ko
"Athena!" Omyghad! Bakit ngayon ko lang sila nakita?
"Athena!" Oh god!
"Nathaniel! Ano? Kumusta?" -MC
"Kwento na yan!" Emman
"Athena" lumapit pa siya sa akin tapos hinawakan niya pa ako sa braso! Siguro naka super kunot na nung noo ko sa inis.
Tinabig ko yung kamay niya. Nagulat siya
"Athena, may problema ba?" wow ha?
"Wag mo akong kausapin. Bwisit" iniwan ko na sila.
Doon nalang ako maghihintay sa kotse. Asar.
***
Sorry sa typo guys:DThank you for Reading! :)

YOU ARE READING
Fall for Me
Novela JuvenilA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?