Enjoy Reading! :)***
Pang 3rd day na kaming magbebenta at sobrang saya! Worth it yung pagod namin ni Alexa sa pagbebake at worth it din yung pagod ng mga kagrupo ko
Sa dami ng binebake namin ni Alexa lahat yun nauubos. Kahit medyo Mahal bumibili pa din sila. Eh paano, haha! Grabe naman kasi magbenta yung mga boys namin
Hindi na nila kami pinagbenta dahil kami naman na daw yung nagbake. Pero ang ginawa namin, tinakpan nalang namin ng tolda yung paligid nung pwesto namin dito sa may campus. Para walang makikita. Wala pa kasing alam yung iba naming classmates at pati mga teachers. Hindi naman sinasabi, pasuspense. Ganun! Haha!
Dito sa loob nagtayo naman kami ng mga Apat na tent para kahit umulan safe kami
"Mga Baka! Tapos na kami!" napatingin ako doon sa pumasok. Sila Mj, Ashley at Nathaniel
"Grabe ang ganda naman dito" Ashley
"Sinigurado niyong wala talagang nakaka alam huh? Nakapalibot na nga yung mga tolda may mga tent pa dito sa loob?" uy, naimpress naman daw siya
Sunod sunod ng dumating yung mga iba naming mga kagrupo at halata sa mukha nila ang saya at excitement
"Sa taas ba naman nitong tolda, eh wala ng makakasilip dito" Justin
"Ok, ano ng next na gagawin?" wow, excited Emman?
"Ganito guys, gagawa na tayo ng cherry blossom ngayon. Kailangan na nating gumawa agad dahil madami tayong kailangan. May pattern na tayo. Kelangan niyo nalang itrace sa isang matigas na papel tapos lahat ng nagawa niyo, ibigay niyo sa amin ni Alexa para maform na namin na bulaklak. Ayos ba?" Nag agree naman silang lahat. Ibinigay na namin yung mga kakailanganin nilang materials. Scented papers yung ginamit namin para mabango
Nagsama sa isang tent sila Nathaniel kasama yung barkada niya. Sila Hailey, Bea at Dana naman dun sa isa. Tapos sila Ashley, Joy, Clarisse, Jm at Mj soon sa may medyo malaking tent tapos dalawa naman kami ni Alexa dun sa isa
Nagsoundtrip nalang kami ni Alexa para hindi boring tapos nag trace na din kami ng mga petals para naman may magawa na din kami
"Missy natatandaan mo pa si Ate Sam?" Huh? Si Ate Samantha? Yung pinsan ni Alexa?
"Oo. Nakaka chat ko siya. Bakit?" Pinsan ni Alexa si Ate Samantha. Mas matanda lang siya sa amin ng 2 years
Samantha Alexis Chua. Hindi siya dito nakatira pero nakakachat at nakaka usap ko naman siya Kaya medyo close kami
"Nakausap ko kasi si Kuya Steven" napakunot noo na tuloy ako
Steven Rydge Salvador. Yung taong Mahal ni Ate Sam at mahal din pala siya ni Kuya Steven. Nahihiya lang umamin sa isa't isa. Mga abnormal. Haha!
"Bakit daw?"
"Nag away ata sila ni Ate" nagulat naman ako doon sa sinabi ni Alexa. Mahigit isang taon na sila ni Kuya Steven at Ate Samantha kaya nakakagulat na nag away sila. Eh bakit naman sila mag aaway?
"Nakita daw niyang magkasama si Ate tsaka yung Clark" Clark? Yun yung dating crush ni Ate ah?
"Saan naman daw niya nakita?"
Sa Facebook daw" sa what? Facebook? Ano yun? Nag conclude agad si Kuya?
"Eh anong sabi ni Ate?" Nag explain naman siya kaso ayaw daw maniwala ni Kuya" ang lungkot siguro ni ate
"Eh bakit daw magkasama sila Ate at yung Clark?" Chos! Updated ako sa story nila eh
"Ayun nga daw, accidentally silang nagkita sa isang event tapos yun nag usap nalang daw sila kasi wala naman daw silang mga kilala dun
"Ay ang ano naman ni Kuya" Oo. Hindi man lang siya nagtiwala kay Ate Sam. "Parang walang tiwala si Kuya" totoo naman kasi. Kung may tiwala lang siya kay Ate hindi hindi sila mag aaway ngayon
"Baka nagseselos lang yun si Kuya" napakunot noo tuloy ako dahil dun sa sinabi ni Alexa
"Bakit naman magseselos si Kuya aber? Kung may tiwala naman siya kay Ate Samantha tsaka alam mo kasi Missy mahalaga ang trust eh. Ano nalang ang mangyayari sa relationship niyo? Tsaka hindi naman dapat magselos si Kuya kung alam naman niyang mahal siya ni Ate Sam at mahal niya si Ate Sam. In short, mahal nila ang isa't isa" huminga ako ng malalim pagkatapos kong nagsalita. Woooooo! Ang Haba nun ah
"Wow Missy, ano ka? Love expert?" Hala siya, tinawanan pa ako
"Grabe ka naman" nagbigay lang naman ako ng opinion ko eh
"Nagtataka lang ako Missy" natatawa pa siya. "Saan mo nahugot yun?"
"Ay grabe. Hindi ba pwedeng nagmula sa puso ko yon?"
"Ouch!" binatukan ba naman ako!
"Inspired ka lang eh" ha? Ano daw?
"Kanino naman?"
"Syempre sa akin"
"Ay palaka!" "What the hell?!?" sabay pa kaming nagulat ni Alexa dahil may bigla nalang lumitaw sa harap namin
Omyghad! Hindi pala nakasara yung tent namin! Kakoka!
"Tangna naman Nathaniel! Wag ka ngang nanggugulat!" Wahahahaha! Ayan nagalit na ang Bestfriend ko
"Teka nga, nakikinig ka ba sa pinag uusapan namin?" kunot noo kong tanong sa kanya
"Hindi ah" tinaasan ko naman siya kilay. "Ibibigay ko lang sana tong mga nagupit namin. Nandyan na din yung mga ginupit nung iba naging kagroup" tsaka niya ipinasok sa tent namin yung isang malaking supot na punong punong ng mga ginupit na petals
"Wow ang dami" kinuha naman agad ni Alexa yung nasa plastic bag tsaka hiniwalay at inayos sa iba't ibang box
"Geh makakaalis ka na" kaimbyerna kasi yung ngiti niya
"Geh bye babe"
WHAT?!?!?!
BABE?!?! Wtf!
XxXxXxXxXxXxXx
Thank you for Reading! :)
End of Chapter 8

YOU ARE READING
Fall for Me
Novela JuvenilA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?