Chapter 28

1 0 0
                                    


Enjoy reading!

***
7:00 na ng gabi ng napagpasyahan naming umalis na sa cloud 9

Medyo giniginaw na din kami kasi medyo mahangin at wala pa kaming dalang towel

Sumakay ulit kami sa habal habal at pumunta kami sa isang restaurant na kung tawagin ay Mama's Grill

Sa amin na sumabay si kuya Steven, kasi daw nsgmumukha siyang third wheel sa barkada niya kaya sumama siya sa amin nila ate Sam

Sabay sabay kaming nakarating sa Mama's Grill kasama yung mga kaibigan ni kuya Steven at yung mga girlfriends nila

Kami nila Ate Sam at Missy eh hindi nanaman kami nag rice dahil minementain namin ang aming sexy bodies, charot! Hahahaha!

Kumain nalang kami ng barbeque na best seller ng mama's grill

Nathaniel's POV

Maaga kaming nakarating dito sa guest house

Nag early dinner na muna kami sa Mama's Grill bago kami umuwi sa tinutuluyan namin

Pagkatapos naming mag shower, nag kanya kanya na kami ng higa

Nakakapagod kayang mag surfing

Teka, naka uwi na kaya yung tatlong babae na nasa kabilang guest house?

"Dude may sasabihin pala ako sa inyo" bigla nalang nagsalita si Mc

"Ano?" tanong namin

Pero bago niya pa masabi yung gusto niyang masabi eh nakarinig kami ng ingay at tawanan mula sa labas

"May bagong turista?" tanong ni Justin

"Hala Malay namin" sabat naman ni Mc

At dahil curious kami, nag punta kami sa labas para makita kung sino yung mga dumating

At pagkabukas namin ng pintuan, nagulat ako sa nakita ko

Hindi lang siguro ako ang nagulat pati yung mga kasama ko

Athena's POV

Naglalakad na nga kami ngayon papunta sa aming guest house,kakagaling lang namin sa Mama's Grill  at nalaman namin na magkakatabi lang pala kami ng mga guest house, sa may left side ng guest house namin ay sila kuya steven kasama yung mga lalaki niyang kaibigan sila magi-stay  sa right side naman yung mga girlfriends nila

Nagbibiruan at nagtatawan kami habang nag lalakad, super friendly naman kasi kaya naging close na din kami

Sabi nga nila Kuya na daw namin sila mula ngayon eh, haha!

Patuloy lang kaming naglalakad at patuloy din na nagbibiruan sila kuya Steven at yung mga kaibigan niya at kaming mga girls naman eh wala ng ginawa kundi tumawa

"Athena"

Napahinto kami sa paglalakad nung may biglang tumawag sa pangalan ko

Parang bumilis bigla yung tibok ng puso ko

Lumingon ako kung saan ko narinig yung pamilyar na boses na yon

Sa isang guest house na kung saan narinig ko yung boses na yon kahapon

"Nathaniel" halos pabulong kong sabi

Si Nathaniel na nakatayo sa pintuan ng guest house niya kasama sila Justin, Emman at Mc

"Kilala mo Athena?" narinig kong tanong sa akin ni Kuya Steven

Tumango lang ako bilang sagot, hindi ko pa din maalis yung tingin ko sa kanya dahil sa gulat. At maski siya gulat na gulat din

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

"N-nagbabakasyon. Bakit? Ano ba sa tingin mo? " pagsusungit ko para lang matakpan yung gulat at pamumula ng pisngi ko

Hindi ko na kaya yung mga titig niya sa akin at bigla nalang akong napatakbo papunta sa guest house namin

Oo nga naman, hindi na ako magtataka kung bakit nandito sila, knowing na ang regalo ko kay Emman eh travel ticket

PERO BAKIT SA DINAMI DAMI NG LUGAR SLASH BEACH EH DITO PA TALAGA SA SIARGAO?!

Nathaniel's POV

Pagkalabas namin ng pinto, nagulat nalang ako ng makita ko siya

"Athena" hindi ko alam kung napalakas yung pagkakasabi ko sa kanya at halos napalingon silang lahat sa akin

Si Athena, kasama si Alexa at yung pinsan ni Alexa na si Ate Samantha

May kasama silang anim na lalaki at limang babae

Ngayon ko lang sila nakita

Ka-age siguro nila si Ate Sam

"Nathaniel" gulat na tawag sa akin ni Athena

"Kilala mo Athena?" tanong nung isang lalaki sa kanya

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat ding tanong ko

"N-nagbabakasyon. Bakit? Ano ba sa tingin mo?" masungit niyang sagot

Pagkatapos niyang sabihin yon, bigla nalang siyang napatakbo at lalo pa akong nagulat dahil sila pala yung nasa kabilang guest house na kung saan nakita ko sila

Nginitian naman ako ni Alexa bago sumunod kay Athena sa guest house nila at tinignan lang naman ako ni Ate Sam

Pumasok naman yung mga lalaki nilang kasama sa katabi naming guest house at yung babae naman ay sa kabilang guest house na katabi din ng guest house nila Athena

Gulat pa din kaming apat ng pumasok kami sa guest house namin

"Siya, siya yung nakita ko kanina" bulong  Mc na nakapag palingon sa akin

"What do you mean?" tanong ko

"Kumakain tayo sa isa sa mga restaurant sa cloud 9 nang biglang tumawag si mommy kaya lumabas muna ako para sa sagutin yung tawagin niya. Hindi ko naman alam na napalayo na ako sa restaurant pero pagkatapos kong sagutin yung tawag, may nakita akong tatlong babae malapit sa pangpang. Lalapitan ko sana para naman makapag pakilala ako kaso may lumapit na sa kanilang grupo ng mga babae at lalaki. Tsaka ko lang nakita sila Athena, Alexa tapos yung pinsan ni Alexa "

"Anong kulay nung mga suot nilang mga bikini?" agad na tanong ko

"Naka black si Athena, naka peach naman si Alexa tapos yung pinsan niya naka blue"

Tulala nalang akong napatingin sa kawalan

Yung tatlong babaeng nakita ko sa kabilang guest house at yung tatlong babaeng nakita ko sa cloud 9 eh iisa

Napangiti nalang ako bigla

Pinagtatagpo ata kami ng tadhana

***

Thank you for reading!

Fall for MeWhere stories live. Discover now