Chapter 26

1 0 0
                                    

Enjoy reading!

***

Maaga kaming nagising nila Missy at Ate Sam

Yung kahit bangag kami kasi ang lalaki ng eye bags namin dahil sa puyat nag alarm talaga kami

Hahahaha!

6:00 na nung magising kami at eto kami ngayon, nag peprepare na para sa aming unang destination

Kanina pa kami pabalik balik ng Cr kasi hindi kami maka decide ng bikining isusuot!

"Missy ok na ba to?"tanong ni Missy na kakalabas lang ulit ng Cr

She's wearing her peach one piece bikini

"Woah Missy ang ganda mooooo" puri ko sa kanya

"Totoo ba Missy?" tanong niya habang inaayos ayos yung bikini niya

"Oo nga Missy kaya yan nalang ang isuot mo" sabi

"Ok!" Sabi niya

"Eto na nga lang ang isusuot ko" napatingin kaming dalawa ni Missy kay Ate Sam na kanina pa labas masok sa cr katulad ni Missy

"Woah ate ang gandaaa" sabi ko

She's wearing her royal blue one piece bikini

"Sure ka ading bebs?" tanong niya habang nakaharap sa salamin

"Hala siya oo nga Ate" sagot ko naman

"Teka Missy ikaw? Hindi ka pa ba magbibihis?"singit ni Alexa

"Ehhhhh,  hindi nga ako maka decide" sabi ko sabay pout

Pero ang totoo nahihiya ako! Eto kaya yung first time ko na magsuot ng bikini! First time!

"Hala siya, para saan pa't nandito kami" sabat ni Ate Sam

"Oo nga"dagdag ni Missy

Kanina pa ako nakatayo dito sa harap ng higaan ko, nilatag ko kasi yung dalawang bikini ko na black at white

Ini mini my ni mo

"Yung black" sabay na sabi ni Ate Sam at Missy

Lah! Connected bang isip netong dalawang to?

"Mas bagay yung black na bikini sayo lalo na sa destination na pupuntahan natin" sabi ni Ate Sam

"Sige na Missy. Magpalit ka na at pagkatapos kong mag make up dito ikaw naman ang susunod" sabi pa ni Missy

Nagme-make up na kasi si Alexa habang si Ate Sam naman nagblo-blower ng buhok niya

Kinuha ko na nga yung black one piece bikini mo at dumeretso  na sa cr para isuot yon

Sheeez! Fit na fit sa akin

Nahihiya akong lumabas pero wala na akong magawa kasi kanina pa katok ng Katok etong si Missy

"Woaahhh!" "Omyghad! " yan yung mga narinig ko galing kay Ate Sam at Missy pagkalabas ko ng Cr

Nakayuko lang ako kasi nahihiya talaga ako!

"Missy wag ka ngang yumuko, you look gorgeous" puri pa ni Missy

"Yeah, mas lalo kang pumuti Ading bebs" sabi naman ni Ate Sam

Pinasuot na muna ni missy sa akin yung rush guard at cycling shorts ko bago niya ako ayusan para daw hindi masira

And after 30 minutes sawakas! Natapos na din!

And time check 7:00 na ng umaga

Inayos lang namin yung mga dadalhin namin like cellphone, power bank, wallet, dslr ni Ate Sam

Suot suot din namin ngayon yung binili naming sling bag na gawa sa rattan

Bago kami umalis, sinigurado muna naming nailock namin ng maayos yung guest house

Naglalakad na kami para maghanap ng makakainan ng napatingin ako sa guest house kung saan narinig ko yung pamilyar na boses

Eh bakit ba ako affected?!

Tsk! Hindi ko nalang pinansin yung bumabagabag sa isip ko at naglakad nalang ulit

Kumain kami sa isang restaurant na medyo konti lang tao

Medyo makulimlim nga ngayon eh pero mas maganda para hindi kami umitim mamaya

Pagkatapos naming kumain, sumakay kami sa isang habal habal kung tawagin pero yung totoo? Para siyang trycicle! May upuan sa harap, tapos sa likod, tapos sa likod pa ng driver! Ang cute! Hahahaha!

Ang unang destination namin ay yung 'Cloud 9' kung  tawagin. Dito nagpupunta yung mga turistang gustong mag surfing at magpaturo ng surfing

White sand, tapos kulay blue yung tubig! Ang linaw linaw nga eh!

Mamaya na kami magpapaturo mag surf dahil

Tentenenen!

IG post muna

Hahahaha!

Nilabas na ni Ate Sam ang kanyang dslr at nagsimula na si Missy na tanggalin yung rush guard niya ay cycling short!

Tapos sumunod na din si Ate Sam!

Tapos nakatingin na sila sakin at sinasabing

What-are-you-waiting-look

Tanggalin-mo-na-yang-damit-mo-look

Syepmre napressure ang Lola niyo! Hahaha! Kahit nahihiya tinanggal ko na yung rush guard at cycling shorts ko

Pero kahit kokonti palang yung tao dito nakaka agaw pa din kami ng atensyon!

Geez! Penge ng confidence!

Unang Pinicturan ni Ate Sam ay si Missy na nakasuot ngayon ng peach one piece bikini. Backles. Medyo light lang yung make up niya
Then yung hair niya naka pony tail tapos naka kulot yung dulo ng buhok niya

Ilang minuto din siyang nag post don suot ang kanyang pamatay na mga sunglasses at ang kanyang fierce look

Sumunod naman si Ate Sam na kinukuhan na ni Missy ng picture ngayon. She's wearing her royal blue one piece bikini with her sunglasses . Naka bun yung buhok niya kaya kitang kita yung likod niya ngayon

Naka ilang post din si Ate Sam wearing her charming smile and serious looks bago inabot sa kanya ni Missy ang kanyang camera

Alam kong ako na susunod kaya ni-ready ko na yung sarili ko

"Wooooohhhh! Go Missy!" Pagchi-cheer sa akin ni Alexa

I'm wearing my black one piece bikini and my sunglasses also, with my silver earings

Syempre hindi ako papatalo no! Hahaha!

Cute smile

Serious face

Beauty queen smile

Angry face. Joke! Hahaha!

Nakailang post din ako at pagkatapos non nagpapicture kaming Tatlo

Kung ano anong post nga ang ginawa namin eh! Hahaha! Those pictures, na magiging remembrance namin dito sa Cloud 9

***

Thank you for reading!

Fall for MeWhere stories live. Discover now