Enjoy reading guys!
***
Athena's POV
Pagkalabas namin ng guest house, nagulat ako dahil nakita ko siya!
Si Nathaniel na kausap sila kuya Steven at yung mga kaibigan niya
Halos kumpleto na sila at kaming tatlo nalang ata ang hinihintay
Lumapit na kami kasi sa kanina at Sabay Sabay na kaming naglakad sa papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng breakfast
As usual hindi nanaman kami kumain ng rice nila ate Sam at Missy kaya itong si kuya Steven eh kanina pa pilit pinapakain ng rice si Ate Sam kasi ayaw niya talaga
Doon na din namin hinintay yung nirentahan naming dalawang van
Pagkatapos naming kumain, saktong sakto na dumating yung dalawang van na nirent namin
Sa isang van, magkakasama yung mga kaibigan ni kuya Steven at yung mga girlfriends nila
At sa isang van naman ako, si Missy, Ate Sam, kuya Steven, Nathaniel, Justin at Emman
Nagpa gasolina muna kami bago kami bumyahe papunta sa second destination namin
Nauuna yung van namin ngayon at nakasunod naman sa likod yung van nila kuya rick na kaibigan ni kuya Steven
Si kuya Steven ang nagdadrive at nasa passengers seat naman si Ate Samantha
Sa first row, si Missy lang
Oo siya lang. Solo niya kasi nakahiga lang naman siya
Sa second row ako at si Nathaniel
Opo. Magkatabi kami
Ang galing right? Yung pinagtulungan ako nila Missy at Ate Sam para lang makatabi ko siya
Pero seriously kinikilig ako ah! Hahahaha!
At sa likod naman namin ay sina Justin, Emman at Mc
Sa kasagsagan ng byahe namin, may nakita kaming magandang view sa gilid ng daan kaya napagpasyahan naming huminto muna at kumuha ng mga pictures
Bangin siya, tapos sa malayo tanaw na tanaw mo yung mga nagtataasang puno ng coconut tree
At syempre hindi namin ito papalagpasin nila ate Sam at Missy
Nagkuhanan kami ng pictures, pero hindi kami nagtanggal ng dress dahil hindi naman babagay sa view
Halos nakarami kami ng pictures lalo na sila kuya Steven at ate Sam na sobrang sweet talaga
Pagkatapos non ay nagtuloy na kami sa byahe
At halos 1 hour and a half bago kami nakarating
Malapit lang naman siya kasi 30 kilometers lang siya, kaya lang kami natagalan ay dahil sa pagpipicture namin kanina
Pagkarating namin dito sa second destination namin, nagbayad muna kami ng entrance fee bago pumasok
Napakaganda!
Nandito na kami ngayon sa 'Magpupungko Rock Pool'
napaka ganda ng lugar na itooooo
High tide ngayon kaya napakaganda ng tanawin. Hindi siya mahirap lakarin kapag papunta ka sa may rock formations
Malapit sa pangpang, may mga nagtitinda ng street foods at may mga restaurant din na pwedeng kainan
"Woooooohhh! Tara na guys!" sigaw ni Kuya Kyle at nagtatakbo na nga siya papunta sa may rock formations
"Missy! Picture muna tayo!" sigaw ni Alexa sa akin
Kasama niya si Ate Sam
Lumapit naman ako sa kanila para makapag picture kami
"Ano? Magtanggal na tayo ng dress!" excited na sabi ni Missy
"T-teka lang!" angal ko
Napatingin ako sa paligid
Yung mga barkada ni Kuya Steven at yung mga girlfriends nila nasa may rock formation na. Sila Mc, Justin at Emman naman ay lumalangoy na din
Hinanap ng mga mata ko si Nathaniel at nakita ko nga siyang nakatingin di kalayuan sa pwesto namin!
Napatingin naman ako bigla kila Missy at ate Sam
"Uh, uh. Missy I know that kind of stare" banta ni Missy
"Ading bebs, hindi ba dapat mag enjoy lang tayo? Diba iyon yung purpose natin kaya tayo nandito?" paalala sa akin ni Ate Sam
"Oo nga Missy, tsaka diba tulad nung sinabi ni Ate Sam kay Kuya Steven na walang pakialaman?" sang ayon ni Missy
Oo nga kasi, nandito kami para mag enjoy. At nagawa ko ngang magbikini kahapon eh. Kaya dapat confident na ako ngayon
"Yeah, tama kayo. Dapat ienjoy lang natin ito" sabi ko pa sa kanila
"So? Tara na?" nakangiting aya ni Ate Sam sa amin
"Our pleasure" masayang sagot ni Missy at hinubad na niya ang kanyang dress
Alexa is wearing her turquoise one piece bikini. Naka half braid naman ang kanyang hair,a light make up plus she's also wearing her sunglasses and her hat
Ate Sam is wearing her dark green one piece bikini and naka braid sideways naman yung hair ni Ate. She's also wearing a dark make up and a pair of earrings and also a sunglasses
And me? I'm wearing my Baby pink one piece bikini and naka pony tail ang aking buhok on both sides. Nagmukha nga akong baby dahil sa buhok ko pero nagustuhan ko naman. And also, light make up lang and the a pair of sunglasses
Habang nagpipicture kami, iniiwasan kong magtagpo ang mga mata namin ni Nathaniel. Dahil alam kong kapag nagtagpo ang mga mata namin, baka mahiya at ma-concious nanaman ako sa katawan ko
Hindi pa din siya umaalis sa pwesto niya kung saan ko siya nakita, at kasama niya na ngayon si kuya Steven na mukhang may binabantayan din. Hahaha!
Pagkatapos naming mag picture, nag decide na kaming pumunta sa may rock formations at nagulat nalang ako ng may biglang umakbay sa akin
"A-anong ginagawa mo?!" gulat na tanong ko
"Obviously I'm protecting what's mine" ha?
"Pinagsasabi mo Nathaniel?" tanong ko sakanya. Hindi pa din niya inaalis yung pagkaka akbay niya sa akin
"But seriously Athena"
"What?" inis na tanong ko. Kunwari naiirita. Hahahaha!
"You really look like a baby" take note, nakangisi pa siya niyan ha
"What?!" gulat na tanong ko sa kanya
Feeling ko sobrang pula na ng mukha ko
Ang kulimlim pero bakit biglang uminit?
"My baby" bulong niya sa teka ko
At KINISS NIYA NANAMAN AKO SA CHEECKS!
***
Thank you for reading!

YOU ARE READING
Fall for Me
Teen FictionA simple girl who fell in love but she's been hurt in return. Will she fall in love again? Will she accept to be hurt again?