Chapter 34

7 0 0
                                    

Enjoy reading!

***

Fourth day na ngayon namin dito sa Siargao

Medyo late na kaming nagising nila ate Sam at Missy kaya ngayon sobrang nagmamadali na kami sa pag aayos

Medyo umaaraw ngayon at buti nalang hindi masyadong mainit sa pupuntahan namin dahil napapaligiran ito ng mga puno kaya malilim

Pagkatapos naming mag ayos, nag take out nalang kami sa isang fast food chain at sa van nalang namin ito kakainin dahil medyo matagal yung byahe namin papunta sa lugar na iyon

"Bakit late kang nagising?" tanong sa akin ni Nathaniel na nasa tabi ko dito sa loob ng van

"Ha? Kasi nanood pa kami ng movie eh" pagdadahilan ko

"Ha? Ate diba na tulog na tayo nun?" epal ni Missy

"Oo nga eh, patulog na nga tayo nung may kumatok eh" asar naman ni ate Sam

Grabe! Hindi manlang nila ako sinakyan!

Napatingin naman ako kay Nathaniel na nakatingin na pala sa akin at mukhang naguguluhan

"A-ano, napasarap lang yung tulog ko" pero ang totoo, ang nakatulala lang ako kagabi dahil ramdam ko pa din yung lips niya sa pisngi ko

"Dahil ba sa gatas na binigay ko sayo?"

"Pfttt!" napatingin ako kila Ate Sam at Missy na nagpipigil ng tawa ngayon habang si kuya Steven na siyang nagdadrive eh ngingiti ngiti din habang umiiling

"Siguro" sabi ko sabay iwas ng tingin

Ilang minuto pa ang itinagal namin sa van bago kami nakarating sa Sugar Lagoon Port kung saan magbabayad kami ng pamasahe namin sa bangka at entrance fee na din papunta sa Sugba Lagoon

Pero bago kami umalis, kumain na kami dito sa may Port ng early lunch namin dahil wala daw kainan sa Sugba Lagoon at bawal daw kumain don

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant, sumakay na kami sa bangka dahil matagal tagal pa daw ang byahe namin

And as usual, kami kami nanaman ang magkakasama sa isang bansa. At as usual ulet, siya pa din ang katabi ko

"Excited ka na ba?" tanong sa akin ni Nathaniel

"Oo naman" nakangiti kong sagot

"Jusko! Ang tamis niyo!" asar ni Missy

"Oo nga! Sarap niyong ihulog sa dagat!" epal ni Mc

"Ulul! Mauna ka!" sabi ni Nathaniel sabay batok kay Mc

Napuno ng biruan at asaran dito sa bangka namin. Kahit maingay yung makina ng bangka, na-enjoy pa din namin yung kagandahan ng kapaligiran

On the way sa Sugba Lagoon, may mga madadaanan kang mga naggagandahang mga bundok, at napakalinaw ng tubig. Idagdag mo pa yung napaka refreshing na hangin

Ilang oras pa ng nakarating kami sa Sugba Lagoon at ang masasabi ko lang ay

"Ang ganda!" nasabi ko nalang pagka baba namin ng bangka

"Kasing ganda mo" nagulat nalang ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang palapit sa kanya

"Huy! Ano bang ginagawa mo?!" gulat kong tanong sa kanya

"Wala naman" sabi pa niya sabay kiss sa pisngi ko

"Wooooh! PDA alert! PDA alert!"sigaw no Ate Sam

"Oo nga! Wala kaming date!" epal nanaman ni Mc

Napakaganda dito sa Sugba Lagoon. Kahit maaraw ay hindi mainit dahil napapaligiran ito ng mga maliliit na bundok

Nag swimming muna kami, at tumalon sa may isang kahoy, kailangan mong umakyat sa may isang hagdanan tapos may mahabang kahoy at pagdating sa dulo, doon ka tatalon

"C'mon! Missy kanina ka pa dyan! Tumalon ka na!"

"Oo nga! Hindi naman masyadong mataas eh!" Mc

Yeah, kanina pa ako dito sa itaas at hindi pa din ako nakakatalon!

Eh paano ba naman kasi! Sa malayuan akala mo mababa pero pag nandito ka na sa itaas sobrang taas pala!

"Hindi ko talaga kaya!" Sigaw ko

Pagkarahap ko sa likod, hindi pa ako nakaka baba ng makita mo si Nathaniel na paakyat at mukhang may plinaplanong hindi maganda

"N-nathaniel wag mong gagawin kung ano man yang iniisip mo!" sigaw ko

Hindi na ako gumagalaw dito sa pwesto ko dahil baka gumalaw at mahulog pa ako!

Nakatingin lang siya sa akin habang naka smirk!

"Nathaniel!"tawag ko sa kanya dahil naglalakad na siya papunta sa pwesto ko

"KYAAAAAHHHHHHHH!" napasigaw nalang ako nang bigla siya tumakbo papalapit sa akin at niyakap niya ako

Hindi pa ako nakakakuha ng hangin dahil sa pag sigaw ko kanina kaya medyo nakasinghot at naka inom ako ng tubig

Naka kapit pa din ako kay Nathaniel dahil medyo malalim yung binagsakan namin

Tawa ng tawa yung mga kasama namin lalong lalo na tong nakayakap sa akin!

"Nakaka inis ka!" sabi ko sabay tulak sa kanya habang umuubo ubo pa din

"Sorry na baby" sabi niya sabay kiss sa cheeks ko

"Yiehhhhh!" kantyaw ng mga kasama namin lalo na sila Missy at Ate Sam

Nag rent din kami ng paddle board at syempre

Tentenenen!

Pag Instagram pictures! Hahaha!

Missy's wearing her gray one piece bikini and her hair is in a tight bun. Plus her peach see through dress. With her pair of earrings and sunglasses

Ate Sam is wearing her gold one piece bikini with her pair of earrings and sunglasses. And also, a black see thorough dress and her hair is in a tight pony tailed

While me, I am wearing my white one piece bikini, and my hair is in a tight bun. Plus my black see through dress with a pair of earrings and sunglasses

Kung saan saan kami nag picture, sa ibabaw ng paddle board, doon sa may hagdanan paakyat sa may kahoy, doon mismo sa pinagtalunan namin kanina at kung saan saan pa

"Baby, excited nako mamaya" sabi ni Nathaniel na nakayapos nanaman sa akin ngayon

Nasa iisang paddle board kami ngayon, nasa likod ko siya habang nakayakap siya sa akin habang ako nagpapaddle

"Naku! Umayos ka nga Nathaniel" feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko

"Kinikilig ka lang eh---aw!" siniko ko nga

Feeling ko nasa amin na ang title ng PDA of the year

What the hell?!

Hahahahahaha!

***

Thank you for reading!

Fall for MeWhere stories live. Discover now