Psyxia's POV
Pawis na Pawis na ako kakapraktis ng step ng sayaw para sa pageant ,tapos ang init init pa ,. Problema ba ni mother Earth dyuskooo I need a cold place katulad ng pagiging cold ng kasama ko si Eustine na kanina pang naiwas , at tsaka kanina may napansin din ako magkausap sila ni Margot kaso nung makita nilang may tao narinig ko lang na court 12 break. Ano kayang meaning nun ? Baka magkikita sila pero bakit naman ? Haysss bakit ko kasi pinoproblema yung asungot na yun .
" Huyyy !"
Sigaw ng isang familiar na tao ..." Ay anak ng bakulaw !" Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat ,,, sino pa nga ba edi ang kuya kong magaling.
" Hoy ! Pakiramdam ko yung boyfriend mo ata yung mananalo sa Pageant na toh kasi dalawang damit lang ang susuotin ko e Samantalang siya halos dalhin yung shop ni Delevign tsk.. Ayaw ko manalo " tsk asa pa bang may amor siya sa ganito
" Halata naman kasi na di mo gusto itong pageant kuya Jack , kasi gusto mo lang manchix Hays . Kaya tumahimik ka na lang " sabi ko at iniinis siya ..hehehe
" Wala ka talagang kwentang kausap , tsk umamin pala sayo si yelo"
Yellow ? Sino yun?" Yellow? May ganun bang pangalan sino yun?" Tanong ko Kay kuya Jack at napakamot na lang ako sa ulo kasi wala naman akong kilalang yelo ang pangalan. Hahah
" Si Frost ! " At binatukan pa ako ! Letche na kapatid siya sadista aba!
" Yellow? Tapos si Frost kelan pang naging yellow yun ay white kulay nun , common sense kuya". Si kuya talaga may pagka ungas din
" Yelo as in Ice Xia , kaya yelo tawag ko kasi na Frost ! Batukan kaya kita ulit!" Aba siya pa may ganang magalit Samantalang di niya pinaliwanag!
" Hoy kung pinaliwanag mo edi sana naintindihan ko pa ,! pasalamat ka at kapatid Kita dahil kung hindi kanina pa kitang nasa huntslist tsk ,! Diyan ka na nga ! Sinisira mo araw ko" tumayo na ako sa kinatatayuan ko tutal nagugutom na ako kaya sa canteen na lang ako pupunta at naririnig ko pa ring sumisigaw si kuya
" Hoy bumalik ka may tatanong pa ako ! Anong meron sa inyo ni Frost!!!"
Lintek ang ingay !
" Wala , ! " Sigaw ko at umalis na
***
Nandito na ako sa Canteen at wala pang masyadong tao mga 2 hours bago pa mag break kasi no choice kasi gutom na ako . Kaya pumunta na ako sa pilahan ng canteen kumuha lang ako ng sandwich ,isang potato chips at isang orange drink . At binayaran ko na rin kaagad dun sa masungit na ale sa counter tsk.
Nang makapagbayad ako dumeretso ulit ako sa court habang ngumunguya, kasi nga gutom na ako , ang daming bumabati sa akin na di ko naman kilala , kaya nginingitian ko na lang .
Nang makarating ako papasok pa lamang ako sa may main entrance gate ng court na Ito. Sa di kalayuan nakita ko si Eustine. Oo , teka kausap niya ba si Margot ,? Kailan pa sila naging close , Samantalang sa pagkaka alala ko nag away pa sila one time nung groupings,tapos ngayon makikita ko close na sila at nagngingitian pa . Nararamdaman tuloy ako ng inis . Tskkkk. Hindi naman maganda si Margot maputi lang siya at lamang pa ako sa ganda no ! Kaya nga hindi siya nanalo sa akin nung nomination e , tsk walang kwenta...
Maya Maya pa , biglang napatingin sila sa akin , siguro napansin nilang may nakatingin sa kanila , kaya umiwas na rin ako ng tingin at umalis na lang siguro nakakaabala ako SA SWEET NA PAG UUSAP NILA!!! Hays ,
***
Andito na ako sa may stage , Kanina pa akong nakatingin kay Eustine na kanina pang busy sa kaniyang phone . Gaddd! Sino kayang kausap niya ?! At kanina pa niya akong hindi pinapansin tsk. Kaya nilapitan ko siya at kakausapin ...
BINABASA MO ANG
The Falling Of Unfazed Hell Angel
ChickLitSabi nga nila ." Ang Mundo ay maliit lamang para pagtagpuin ang mga naghahanap ng kanilang kapareha sa buhay." "Xia" Ferrer ang Unica Hija nang Pamilyang Ferrer at kilala bilang makapangyarihang Gangster at Mafia sa bansa. Tinagurian siyang Gangster...