Psyxia's Pov
Nagkita na kami ni Eustine Grabe nagselos ba naman kay kuya hahaha Iba rin naman! Pero nung makapagpaliwanag ako umokey na siya , tapos akala mo naman kami talaga , kung makapagreact sobrang OA , tskkkk. Kaya naman umalis na ako at nakipagtagpo na lang ako sa may gate dahil mag papark lang ako ng kotse ko.
Nang makapag park ako nagtungo ako dun sa may Chaos malapit sa may gate dahil napagdesisyonan kong duon na lang maghintay. Pero sa hindi kalayuan nakita ko si na Charles , Mark, Lucas At Jessie . At agad naman silang lumapit sa akin . At kitang Kita ko rin ang mapang asar na ngiti ni Mark na siya namang unang nagsalita.
" Hey! Nandito pala ang Reyna ? Mukhang may iniintay ka ata? Kawawa ka naman kasi wala kang kakampi ! Dahil napag iwanan ka na!". Pagyayabang sa akin ni Mark , Nakakasura siya dati naman hindi siya ganyan sa akin
" Ako walang kasama? Sino naman ang nagsabi sayo ha? " Nginitian ko siya ng matalim
" So sinong hinihintay mo dyan? At sino namang kasama mo? Di ba loner ka na ?!". Tsk ang hina naman niyang bumanat ng ibabato niyang line . Kahit kailan bobo talaga siya
" Hinihintay?! Hmmmmm hahahah boyfriend ko lang naman yung hinihintay ko ! "
" Boyfriend? Kelan pa Xia? Hahaha siguraduhin mo lang na may Class yan " pag yayabang niya sa akin. Let see e sigurado namang kahit nerd si Eustine ay may Mas dating naman sa kaniya ang Fake boyfriend ko hahah.
" Talaga! Baka nga mapanganga kayo e. At isa pa siya lang naman ang leader ng SRDGANG hahahah" Kahit sa totoo lang hindi naman talaga leader si Eustine ng gang e nasabi ko lang sa kanya yun dahil ang yabang niya.
" Tsk. Ang hina naman! Nag gang ka na nga lang ang hina pa ,Saan mo napulot yang gang mo ? Sa basurahan ? Tapos nirecycle mo wahahah!". Aba ang loko masyadong mapang lait
" Mahina? Sa pag kakaalam ko Gang niyo yun? Hahaha Mark wag mo akong maliitin lalo na ang Gang namin , I don't care kung naiisecure ka sa bago ko kong family .Tumingin ka muna sa salamin dahil baka magkamali ka lahat sa mga sinasabi mo," malumanay kong sinabi yun ng may pagkasarcastic at ngumiti ako,, tapos bigla na namang umepal si Jessie.
"Xia siya ba ang boyfriend mo? Nice choice ah mukhang magkakasundo tayo brad" sa sinabi ni jessie napatingin ako Kay Eustine? tapos tinapik tapik pa ni Jessie ang balikat ni Eustine
Pero di pa rin ako makapaniwala As In ,Kasi naman para akong naninibago sa Itsura ni Eustine , kaya pala ang tagal tagal niya ,kasi nag ayos siya ng Itsura niya na yung dating Nerd e ngayon Ang Hot na tingnan gadddddd! Buti na lang nasa timing yung pag revolve niya parang mga Pokemon lang hahaha! FYI di naman sa sinasabihang mukha siyang Pokemon ,pero slightly lang kasi yung ugali ni parang Pokemon isip hayop.! Hahahaha lol.....
.
" Ah so Siya pala ?! Huh?! Magboboyfriend ka na nga lang mukhang kontrabida pa ! Tsk at Xia low class. Tingnan mo naman kaming apat ,may dating tapos tinitingala ng lahat, " sabi ni Mark a.
" Low class ba kamo pre? Hahahah nakakatuwa ka naman kasi ang pumapasok lang sa isip ko na low class na tao ay yung mga taong walang alam gawin kung di manlait at manghusga ng taong di pa nila kilala" ng masabi yon ni Eustine,naptulala lang ako dahil ang chill niya lang tapos ang HOT pa rin
" Mark, itigil mo na yan, masyado ka naman atang apektado sa pag boboyfriend ni Xia , You know you have your own life,and decision, you have your own girlfriend and Xia... she have her own life,and boyfriend too kaya itigil mo na yang pagyayabang mo.pero bakit ayaw mo atang marinig at makitang may boyfriend si Xia,? And let Xia to be happy, btw (tumingin siya Kay Eustine at nagpakilala) I'm Charles Freign Leynes but you can call me Charles na lang " , pagpapaliwanag ni Charles
BINABASA MO ANG
The Falling Of Unfazed Hell Angel
Chick-LitSabi nga nila ." Ang Mundo ay maliit lamang para pagtagpuin ang mga naghahanap ng kanilang kapareha sa buhay." "Xia" Ferrer ang Unica Hija nang Pamilyang Ferrer at kilala bilang makapangyarihang Gangster at Mafia sa bansa. Tinagurian siyang Gangster...