38. Jealous

253 8 1
                                    

Psyxia's POV

Alas siyete na nang gabi nang makauwi kami sa bahay na pinatayo ni kuya para samin . Ang Villa De Pea. Kagagaling lang namin sa ibat ibang meeting agad kong hinarap si Kuya at Frank .

Pakiramdam ko may mali sa sinabi ni Blake ng Shimmery Red Dragon Gang tungkol sa pag alis ko sa gang ? Halos di ko maintindihan kung ano ba talaga ang tinutukoy niya !.Ni hindi ko nga siya kilala at nakakausap ...

"Anong problema Xia?"
Tanong ni kuya . Mahinahon itong lumapit sa akin

Nakatayo lamang si Frank at normal itong nakatitig sa akin .

Iniabot ko kay kuya lahat ng baril kong hawak at itinaas ko ang dalawa kong kamay sa kaniya na tila sumusuko .

Nagtaka naman si kuya sa inasta ko .

"Ibinibigay ko yan ,dahil ayaw kong makapatay ng sarili kong kadugo ."
Ani ko ,saka unti-unting kumunot ang noo niya .

"Ano na naman ba ito Xia ?!"
Tanong niya na mukhang naiirita na sa inaasta ko.

"Anong hindi mo ,niyo ! Sinasabi sa akin?!"
Nang gagalaiting tanong ko sa kanila.

"Alin ? Wala naman kaming dapat sabihin sayo ! Dahil wala kaming tinatagong sikreto---

"Yan tayo sa sikreto ! Sa pag kakaalam ko mayroon ,sa Shimmery Red Dragon Gang . Anong mayroon sila ?! Ha!"
Inis na tanong ko na sa kanila .

"Wal---

"Mayroon silang kinalaman sayo noon Xia."
Nabigla ako sa pamumutol ng sasabihin niya kay kuya .

"Anong ibig mong sabihin?"
Takang tanong ko sa kaniya

"Frank!"
Matigas na pagkakasabi ni kuya ,. Pinipigilan na naman niya si Frank.

"Tss. Dati kang miyembro ng SRDG .mahirap mang paniwalaan ,pati ako miyembro din nila . "
Sagot ni Frank at bahagya pa itong lumapit sa akin.
"Ayaw kong magsinungaling sayo dahil mahal kita ,ayaw kong mabuhay ka na naman sa kasinungalingan kagaya ng dati"

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya , gusto kong malaman ang lahat lahat .Ayaw ko nang intayin na bumalik ang alaala ko dahil maiinip lang ako .

"Frank! Bakit di mo na lang hayaang siya ang makaalam ng totoo!"
Hiyaw ni kuya at tuluyan niyang inihagis ang baril na hawak niya .

"No kuya ! Ngayon mismo gusto kong malaman at kagustuhan ko iyon ! "
Huminga ako ng malalim saka muling nagsalita ng malumanay .
"Ngayon mismo gusto kong marinig lahat lahat ng hindi ko nalalaman sa past ko ".
Ani ko .

Nagmadali akong pumunta sa opisina namin .duon ako naupo sa couch ,maging silang dalawa ay naupo rin .

Huminga nang malalim si Frank at maging si kuya .

"Ikaw ,dati kang miyembro ng Black skull gang ,  naging kasintahan mo si lucas. Sinaktan ka niya . Umuwi ka ng korea para makapagpalamig . Nakita at nakilala mo doon ang SRDG naging kasapi ka nila ,naging reyna ka at namumuno doon ,kakampi si Blake ang Leader nila. Makalipas ng ilang taon bumalik ka muli sa pilipinas upang maghiganti . Ang problema hindi iyon natuloy dahil nakilala mo ang kapatid ni Blake si Eustine ."

Ano namang mayroon sa asungot na yun ! Tss careless

"O ? E ano naman kung nakilala ko yung lampang yun?"

Natawa si Frank sa sinabi ko . At bahagya na siyang tumungo

"Siya yung lampang sinasabi mo , Ex boyfriend mo yun . Dahil sa kaniya kaya ka napahamak . Dahil sa kaniya nagkaroon ka ng matinding kaaway ang magkapatid na si Trixie Roque na kasalukuyan niya nang asawa at si Margot Roque ang siyang nagtangkang pumatay sayo . Nagsimula iyon ng makalaban mo sa resort si Trixie Roque ,malaki ang galit niya sayo kasama mo kami noon ni Frank . Mas kilala mo si Frank sa pangalang Frost . Magkaibigan kayo noon .. "

The Falling Of Unfazed Hell AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon