Liam's POV
Kanina pako natatawa dito sa tabi ko pero pinipigilan ko lang. Ang sarap kasing inisin, hahaha.😂
Pero mukha namang mabait tsaka hindi ko na rin itatanggi na maganda siya,a very gorgeous one!😍
Kanina pa ko pasimpleng tumitingin sa kanya at mabuti nalang hindi niya yun napapansin.😁
Napapangiti naman ako kapag ngumingiti siya, mas lalo pala siyang gumaganda kapag ngumingiti siya.😊
Kringggggggg⏰
Napansin kong tatayo na sana siya kaya agad akong tumayo tsaka dumaan sa harapan niya ng walang pasabi kaya ayun nakaupo ulit siya, nakita ko naman yung pagkunot ng noo niya dun, hahaha. Ang cute parin niya dun.😀
Nasa may hagdanan na ko ng marealize kong wala pala dito yung wallet ko, naiwan ko sa bag. Kaya bumalik ako.
Papasok na sana ako ng classroom ng makitang nakatingin siya kela Hannah na masayang nakikipagkwentuhan sa isang lalaki, siya na siguro yung Christopher.
Tinignan ko ulit siya at dun ko nakita yung pagpatak ng luha niya.
Agad niya itong pinunasan at saka tumayo at nagmamadaling makalabas ng room.
Lalabas na siya nang room kaya humakbang ako sakto lang para mabunggo niya ako, alam ko kasing naspaced out na siya.
Bogshh💫
Dahan dahan naman siyang tumingin sakin na halata namang gulat na gulat.
Magsasalita na sana siya pero agad ko siyang hinila, ewan ko kung bakit ko yun ginawa I just felt that I want to wipe those tears and see her smiles. Fc na kung fc pero yun ang gusto kong gawin ngayon.
Natalie's POV
Nagtataka parin ako kung bakit hila hila ako ng lalaking to ngayon, ano nanaman bang problema niya sakin? Hindi ko naman siya inaano!
"Teka nga!"sabay kuha ng kamay ko sa kamay niya. "Bakit mo ba ako hinihila ha?"
"Basta, sumama ka nalang sakin, tss!"sabay hila na naman sakin.
Wala nalang akong nagawa kundi magpahila nalang, babae ako, lalaki siya so mas malakas siya.
Habang hila hila niya ako, yumuko nalang ako kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.
"Huwag mo nalang sila pansinin."ani niya.
Nabigla ako ng nagsalita siya. Tumingala ako pero diretso parin yung tingin niya sa dinadaanan namin, ewan ko kung saan kami pupunta di naman kasi ako nagtatanong.
"Uhmm san ba kasi tayo pupunta?"
"Basta, sumama ka nalang"
Yumuko ako ulit dahil nakita ko nanaman silang dalawa, masayang naguusap. Alam kong wala akong karapatang magselos pero hindi ko naman mapigilan, naiinggit parin ako kay Hannah, buti pa siya.😢
Naramdaman kong may mainit na likido sa pisngi ko. Luha nanaman, pinunasan ko nalang ito baka mapansin pa ng lalaking to, hmmp.😤
Matapos ang ilang minuto, naramdaman kong tumigil na siya sa kakahila sakin. Tingnan ko naman siya pero pagtingala ko isang napakagandang garden ang bumungad sakin.
Ang ganda sobra, madaming flowers, madaming butterflies tsaka napakalinis ng buong paligid. Parang kada oras nililinis dito. Pero pansin ko lang , walang katao tao dito except saming dalawa. Naglakad ulit siya papunta sa isang puno na nasa gitna naman ng garden nato, malaki siya tsaka ang ganda tignan ng puno.
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...