Chappy 11:Hannah's in Danger

273 19 5
                                    


Christopher's POV

Pagkagising ko, agad kong tinext si Nat ng good morning. Siguro nakasanayan ko na talaga.

Bumangon na ako at naligo, nagtoothbrush tsaka nagbihis.

Pagkababang pagkababa ko, nakita ko na sila mom at dad. Binati nila ako ng good morning tsaka pinaupo na sa upuan.

Wala akong kapatid, only son lang ako kaya todo ang suporta sakin ng mga magulang ko kaya hindi ko dapat yun sayangin.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako sa kanila tsaka kinuha yung mga gamit ko. Pinaandar ko na yung kotse papunta kela Nat.

Habang nasa biyahe, nakangiti lang ako. Ewan ko kung bakit, pero hindi ko mapigilan ehh.

Nasa tapat na ako ng bahay tsaka pinindot yung doorbell. Pinapasok na ako ni manong guard dahil kilala naman niya ako.

Bumukas yung pinto at iniluwa nito si manang.

"Manang sila Natalie po?"tanong ko.

"Nandiyan na iho, maya maya lang matatapos na yun. Upo ka muna."pag aaya sakin ni manang.

"Ahh sige po."ngumiti nalang siya sakin tsaka umalis.

Hindi naman nagtagal at lumapit na sakin sila Nat, pero si Nat halatang masaya siya na malungkot, alam niyo ba yun?

Balak ko sana siyang tanungin kung ok lang ba siya o may problema ba pero binalewala ko nalang ng bigla siyang ngumiti sakin.

Dumiretso na kami sa kotse at pinagbuksan ko naman si Nat ng pinto. Si Nathan nakapasok na kaya ako nalang yung nasa labas.

Pumasok na ako ini-start na yung makina ng kotse.

Wala namang nangyari sa biyahe, tahimik lang pero nagkakumustahan naman kami ng konti.

Pagdating namin sa school, dumiretso na kami ni Nat sa room namin.

Nang makaupo na kaming dalawa, ilang sandali lang pumasok na yung prof namin.

"Uhmm, CN pwede ba tayong magsabay mamayang recess?"nagulat ako nang biglang nagsalita si Hannah. Ewan ko pero tumitibok na naman tong puso ko ng napakabilis.

"Ewan ko Hannah ehh."hindi ako tumingin sa kanya ng diretso, natatakot akong mahalin siya ulit.

"Please CN kahit ngayon lang!"nagmamakaawa niyang sabi sabay hawak sa mga kamay ko.

"I'll try!"sabi ko naman sakanya.

"Ok, basta hihintayin kita ha!"hindi ko na siya nun pinansin at nakinig nalang sa prof namin.



*****

Recess na pero hindi ko parin alam kung sasamahan ko ba siya o tatakasan nalang. Ugghh!

"Lika na CN sabay na tayo."sabi ni Hannah sakin.

"Oo sige, mauna ka na muna, punta muna akong CR."sabi ko sa kanya at pilit na ngumiti.

At ayun nagsimula na siyang maglakad papuntang canteen at ako naman hindi ko alam kung san ako pupunta. Siguro hindi ko muna siya masasamahan ngayon. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, baka kasi mahalin ko na naman siya ,baka bumalik yung nararamdaman ko para sa kanya.

Ilang minuto na yung lumipas pero hindi ko parin siya pinupuntahan don.

Baka mamaya, may kasama na naman siyang ibang lalaki, masaktan na naman ako. Pagod na ako ehh.

Habang nagmamasid masid, naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino yung nagtext, si Hannah lang pala. Pero nagulat ako nang mabasa ko yung text niya sakin.

From Hannah,

CN please tulungan mo ako, may 5 lalaki dito, gusto nila akong gahasain, please tulungan mo ako. Nandito ako sa may garden nagtatago. I need you right now CN!

Kumaripas naman ako papuntang garden. Dapat pala hindi ko siya binalewala kanina. Pinagsisihan ko yun.

(A/N. Yung garden po sa school nila Natalie ay dalawa, pareho pong walang mga taong pumupunta. Yung isa po kasing garden, madumi tsaka halos walang taong pumupunta don, tapos yung isa naman yun yung pinuntahan nila Liam. At yung garden naman po na madumi, nandun po si Hannah. K bye!)

Malakas ang kabog ng dibdib ko, dala na rin ng pagtakbo at sa kabang nararamdaman ko. Pagdating ko sa garden, bumungad sakin ang napakadaming basura sa paligid. Ano ba naman to.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Hannah, at ayun siya pinapalibutan ng mga g*go.

Agad ko silang pinuntahan at pinagsusuntok. Halos puro ilag lang ang ginawa ko kapag susugod sila. Pero sa huli, ako ang mag isang nakatayo.

Tinignan ko si Hannah pero umiiyak lang siya at punit punit ang mga damit, halos makita na ang nasa loob, tinanggal ko ang damit ko at sinuot sa kanya, may extra naman ako sa locker ko ehh.

Umalis na kami sa lugar na yun pero umiiyak parin si Hannah. "Hannah, tahan na, wala na tapos na. Shhh!"pinapatahan ko siya at naging epektibo naman.

"CN please, stay by my side. I don't want that to happen again."maluha luha niyang pagkasabi.

"I promise, no one will do this to you again, promise."hinalikan ko siya sa noo.

Hindi naman siguro masamang mahalin siya ulit .Gusto ko siyang protektahan anumang oras. Mahal ko siya at hindi yun nawala.










***

Please vote, comment and be a fan.💛

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon