Christopher's POV
Ano ba naman to, hindi ako makapagfocus sa discussion ng teacher sa harap. Pano ba naman kasi, masaya silang nagkwekwentuhan. Hindi ko naman mapigilang hindi tumingin sa kanila. Para bang nakakaramdam na ako ng inggit.
"Mr.Evans, are you still listening? If not, you can go out now!"paktay, natulala na yata ako.
Nakita ko namang halos lahat ng mga classmates ko nakatingin sakin. Pati na sila Nat tsaka Liam.
"Sorry sir."wala na akong ibang nagawa kundi magsorry. Kasi naman ehh.
Bumalik na si prof sa pagdidiscuss pagkatapos nun. Pero hindi na bumalik sa pagkwekwentuhan yung dalawa pagkatapos rin nun. Ang galing mo talaga Christopher.
"You may take now your recess."Yes, recess na!
Tumayo na ako at lalapit na sana kay Nat nang biglang may humawak sa braso ko.
"Lika na CN, you told me earlier that we'll take the recess together."oo nga pala, may pinag-usapan nga pala kami ni Hannah.
"Ahh yeah, sure."Umalis na kami dun. Ni hindi ko manlang nasabihan si Nat.
Pero bago ako makaalis ng tuluyan dun, narinig ko yung sinabi ni Liam na nagpapantig sa tenga ko.
"This is the first day I'll start to court you Natalie and thank you for making it happen today."
Gusto ko sana bumalik nun para klaruhin ko kay Nat kung ano yun pero nahila na ako ni Hannah.
Pero si Liam, umaakyat ng ligaw kay Nat? Aba ehh bakit hindi ako na-inform? Kaibigan nga niya ako pero wala na akong kaalam alam sa kanya. Gusto kong bawiin yung mga oras na dapat kasama ko si Nat pero ayoko ring mawala sa paningin ko si Hannah.
Ano ba naman to!
Liam's POV
"This is the first day I'll start to court you Natalie and thank you for making it happen today."sinakto ko talaga yan habang dumadaan si Christopher. Napatigil nga siya pero hinila naman ni Hannah. Kawawa naman, ni hindi na nga sila makapagbonding ni Natalie dahil lang sa kabaliwan niya sa Hannah na yan.
"Liam, ano ka ba! Huwag mo namang lakasan baka marinig ka ni Chris."mahinang pagkakasabi niya sakin.
"Ok lang yan, para matauhan siya."pabulong kong pagkakasabi.
"Huh? Ano ulit?"tanong niya.
"Wala, sabi ko maganda ka. Tara na kumain muna tayo. My treat."sabay kindat sa kanya.
"Ano ka ba, wag na."pagtanggi niya.
"Tss, basta treat ko, kaya halika na."tumayo na ako kasabay ng paghila sa kanya.
Habang nasa hallway, pasimple akong umakbay sa kanya. Ok lang naman yata kaya pinagpatuloy ko na.
"Liam, kamay mo."nagulat ako nang bigla siyang magsalita.
"Ikaw naman, di mabiro."sabi ko tapos pinisil ko naman yung cheeks niya. Ang cute kasi ehh.
"Aray, huwag ka nga diyan. Baka lumaki."natawa nalang ako sa sinabi niya. Ang cute.
Pumasok na kami ng canteen and as usual, marami paring tao. Kaya naisipan naming dun nalang kami sa garden kumain para tahimik. Yan yung sinabi ko sakanya pero hindi yun yung totoong dahilan. Gusto ko kasi siyang masolo. Haha.
"Ako nalang ang oorder, umuna ka nalang sa garden total alam mo na naman yung daan eh."sabi ko sakanya.
Naghiwalay na kami. Malapit lang naman yung garden ehh kaya dun yung napili ko. Tsaka 1 hour yung breaktime namin. Kaya ang astiggggg.
Natalie's POV
Nandito ako ngayon sa garden, pinagmamasdan yung paligid habang hinihintay si Liam. Ganon parin, presko yung hangin tapos napakaganda ng paligid. Hindi ko alam kung tama ba tong ginawa ko na payagan si Liam na manligaw sakin.
Ayokong paasahin siya. Pero alam ko na dadating din yung panahon na makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko kay Chris at matututunang mahalin si Liam.
Nagulat ako nang biglang may tumakip sa mga mata ko galing sa likod ko. Si Liam na yata to.
"Liam, ano bang ginagawa mo?"sabi ko habang ngumingiti.
"Liam?"nagulat ako nang makarinig ako ng ibang boses kaya tinanggal ko yung kamay niya at humarap sa kanya.
"Chris?"oo, si Chris nga, pero bakit siya nandito?
"Teka, anong ginagawa mo dito Chris? Pano mo nalamang nandito ako?"tanong ko sa kanya na may halong pagtataka.
"Diba pinapunta kita dito? Hindi mo na ba maalala?"teka ano bang pinagsasa--, Wait yun bang pareho sila ni Liam na gustong makipagusap sakin sa magkaibang lugar?
"Pero Chr---."
"Bakit ngayon ka lang, hinintay kaya kita."nabigla ako nang yakapin niya ako.Ni hindi ko na nga maigalaw ang sarili ko sa gulat ehh.
"Nat sorry kasi hindi ko na nagmpanan ang pagiging kaibigan ko sayo. Sorry kung nasabihan kita ng mga salitang alam kong hindi totoo. Sorry kung nawawalan na ako ng oras sayo. Sorry kung napapabayaan na kita. Please let's go back to what we are before. You're my best friend, my best buddy and I can't lose that just because of me."teka umiiyak ba siya?
Iniharap ko siya sakin at hindi nga ako nagkakamali. Umiiyak siya. Umiiyak yung bestfriend ko.
"Chris ano ka ba naman. Huwag ka ngang umiyak, para ka namang bakla niyan ehh."sabi ko sakanya habang nakangiti.
Pinunasan ko yung mga luha niya. Ang gwapo niya parin kahit umiiyak.
"Bati na ba tayo Nat?"tanong niya.
"Oo na, alam mo naman na hindi kita matitiis ehh."sabi ko sakanya.
"Talaga ba?"tanong ulit niya.
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
"Yes, yes, yes!"nabigla naman ako ng magtatalon siya. At ang mas ikinagulat ko ay ang pagyakap niya ulit sakin.
"Thank you Nat."sabi niya.
"Natalie!/CN!"
***
Free to vote, comment and be a fan.💜
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...