Chappy 21

199 20 2
                                    


Natalie's POV


Nandito na kami sa tapat ng gate ng bahay namin.

Pinagbuksan niya muna ako bago bumaba. Gentleman ang peg.

"Thanks."sabi ko sakanya with matching smile.

At snob lang ang binigay sakin.
Hmmp! Kung hindi niya lang ako niligtas tiyak iniwan ko na siya dito.

Napansin kong papasok na siya ng kotse niya kaya pinigilan ko siya. Gusto ko muna kasi siyang ipakilala sa mga magulang ko tsaka para mapasalamatan ko siya.

"Sandali, pumasok ka muna sa bahay. Ipapakilala lang kita sa mga magulang ko."sabi ko habang hinihila siya.

"Wag na."pagpupumilit niya pero walang makakatakas sakin.

Nakapasok na kami ng bahay, actually hindi bahay. Mansion.

"Dito ka nakatira?"tanong niya na parang naamaze.

Hindi siya naamaze sa pinakabahay talaga, dun kasi siya tumitingin sa garden, kung saan ako yung nangangalaga dun. Siguro nagandahan siya.

Maraming klaseng bulaklak ang makikita mo dun. Doon naman sa likod, may glass house dun. At sa glasshouse naman na yun, meroong mga cherry blossoms. Ewan ko ba kung pano yan nabuhay sa PILIPINAS.

"Lika na, pasok na tayo."sabi ko sakanya habang hinahawakan ang braso niya.

"Oh! Nandiyan ka na pala iha."ani sakin ni yaya nanay. Oo yaya nanay kasi siya ang nag-alaga sakin mula pa nung bata ako.

"Good evening nay ."tsaka ngumiti sa kanya.

"Ahh nay, nandiyan po ba sila mom?"tanong ko sa kanya.

"Ahh oo, kanina ka pa hinihintay, kakain na daw."tugon naman niya.

"Uhrrm!"Nagulat naman ako ng may umubo. May kasama pala ako, muntik ko nang makalimutan.

"Ahh nay, ito nga pala si.."natigilan ako ng magsink in sakin na hindi ko pa pala siya kilala.

"Xander. Xander Jackson po."nabigla ako nang bigla siyang magsalita.

So Xander pala ang pangalan niya, napakatanga ko naman para hindi muna siya kilalanin bago ipakilala sa iba.

"Ako naman si Lourdes, yaya nanay ni Natalie."pagpapakilala naman ni nanay.

"Ohh siya sige halina't kumain muna kayo, anong oras na."pag aaya ni nanay samin.

"Lika na."and ayun hinawakan ko na naman siya sa braso at sinamahan sa dining area. Nakita ko naman sila mom and dad.

"Ohh baby, nandiyan ka na pala tsaka may bisita ka?"tanong ni mama.

"Ahh mom, dad , si Xander po, kaibigan ko. Xander ang mom at dad ko."pagpapakilala ko kay Xander kela mom.

"Ok. Let's eat now. Have a seat Xander."alok ni mom.

"Salamat po..."parang natigilan siya ah.

"Tita nalang. Total kaibigan karin naman ng baby ko."masayang pagkakasabi ni mama.

Pinalo ko yung upuan na nasa tabi ko. Sign para umupo na siya. Lumapit naman siya sakin at umupo na. Dun na rin kami nagsimula kumain. Pero nabigla ako nang magsalita si dad.

"Bakit late ka nang umuwi Natalie?"(gulp)

"Ahh dad, kasi.."anong sasabihin ko, tiyak mag aalala sila pag sinabi kong kinidnap ako.

"Ahh, inutusan po kasi kaming dalawa ng teacher niya na tulungan siya sa mga paper works kaya po kami natagalan."natigilan ako nang bigla siyang sumabat. Teka hindi naman yun totoo ah. Tumungin ako sa kanya pero tinitigan niya lang ako, para bang sinasabi niyang tumahimik nalang ako.

"Ganon ba?"tanong ni dad.

"Ah, ehh yes dad."kinabahan ako dun ahh.

Pagkatapos nun ay kumain na kami. Puro kwentuhan lang naman ang nangyari tsaka kainan. Mabuti nga hindi masyadong kapersonal yung tanong ni mom kundi nakakahiya.

Natapos na kaming kumain kaya dumiretso na kami sa garden, dun niya kasi gustong tumambay.

"Nga pala, ito cellphone mo. Dahil diyan kaya kita naligtas."sabi niya.

"Oo nga pala."pagsangayon ko.

"Salamat pala sa kanina ahh, akala ko talaga katapusan ko na."sabay ngiti sa kanya.

"Teka nagriring."sabi niya.

Tinignan ko kung sino yung tumatawag, teka si Liam?

"Hello Liam?"sabi ko.

"Natalie, nasan ka? Ok kalang ba? Sino kasama mo?"teka bakit parang balisa siya?

"Nasa bahay na ako. Tsaka ok ako. Ako lang mag isa dito sa kwarto ko."sinagot ko lahat ng tanong niya pero hindi ko sinabing nandito ako sa garden, baka kasi humaba pa yung usapan. Ayoko muna.

Napansin kong nakatingin sakin si Xander kaya umiwas ako ng tingin.

"Totoo bang may nagligtas sayo?"Huh? Pano niya nalaman.

"Teka, pano mo nalaman?"tanong ko.

"Wala nang maraming tanong, sagutin mo nalang ako."teka bakit siya sumisigaw? Ano bang problema niya?

"Si Xander."napatingin ako kay Xander nang banggitin ko ang pangalan niya. At ganon din siya.

"Sinong Xander?"ughh ayoko na.

"Basta si Xander, sige na matutulog na ako. Thank you sa concern, Bye!"at ayun binaba ko na. Ayoko ko na kasing humaba pa yung usapan. Pano ko siya maiiwasan kung palaging ganito?

"Sige hindi na ako magtatanong. So pano bayan, una na ko?"tanong niya.

"Ok sige. Mag-iingat ka."hinatid ko siya sa gate at hinintay hanggang sa makaalis na siya.

Dumiretso na ako ng kwarto. Napa-isip agad ako. Sino kaya ang nag-utos sa mga lalaking yung para gawin nila yun sakin? Hindi ko maisip kung bakit ito nangyayari sakin. Maraming tanong ang bumabalot sa isipan ko ngayon na nangangailangan ng mga kasagutan. Hindi ko nalang namalayang nakatulog na ako.

Zzzzzz

***

Please vote, comment and be a fan.💜



Xander's on the media!

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon