Chappy 13:Unknown Number

239 20 2
                                    


Christopher's POV

"Bakit ka nandito?"tanong ko sa kanya.

"Bakit, bawal ba?"may pagkasarcastic na pagkasabi niya.

"Well hindi naman, pero kasi bihira lang yung mga taong nakakapunta sa isang tagong lugar tulad ng garden nato."

"Para sabihin ko sayo Christopher, matagal ko nang alam ang lugar nato, dito ako tumatambay kasama ang bestfriend mo!"nagulat ako sa huling sinabi niya.

"Teka, si Nat, tumatambay rin dito? Kasama ka?"

"Oo bakit? Wala naman yatang problema sayo yun diba?"ngumisi siya at tumingin sa malayo.

"Wala nga pero, huwag na huwag mo siyang gagawan ng masama dahil ako mismo ang makakaharap mo."tumingin siya sakin na para bang hinahamon niya ako.

"Sa palagay mo ba kaya kong gawin yun sakanya? Pwes nagkakamali ka, mahal ko si Natalie at hindi ko magagawa yang mga pinag-iisip mo."nakita ko sa mata niya na kumbinsido siya sa mga sinasabi niya. Pero bakit parang ang dali naman yata niyang magustuhan at mahalin and best friend ko sa napakaikling panahon. Sa pagkakaalam ko ay nagkakilala lamang sila nung magstart ang klase.

"Teka mahal mo si Nat? Bat ang bilis naman yata ng nararamdaman mong yan? Huh?"lumapit pa ako sa kanya habang nakikipagtitigan sa kanya.

"Hindi siya mahirap mahalin Christopher."at umalis na siya sa harapan ko.

"And by the way."tumingin muna siya sakin bago ipagpatuloy yung mga sasabihin niya.

"If you are not treating her right, don't be mad when someone else steps in and does your job."at tuluyan na siyang umalis.

Natakot ako sa mga binitiwang salita niya sakin.

Ano ba talaga siya para sayo Liam?



Natalie's POV

Nandito ako ngayon sa parking lot, hinihintay si Liam. Sakanya nalang kasi daw ako sasabay kasi wala daw magsusundo sakin dahil wala parin naman si Chris. Nagpumilit pa ako nun na magcocomute nalang ako pero panalo parin siya. Kaya rin ako naghihintay dito kasi may kukunin pa daw siya, pero madali lang daw siya kaya ayun, naghintay nalang ako sa kanya.

Si Nathan nakauwi na daw, kanina pa daw kasi sila dinissmiss kaya sumabay ulit siya sa clássmate niya.

Habang naghihintay, binuksan ko muna yung cellphone ko at nagfb na muna. Nasa kalagitnaan na ako ng news feed ko pero may biglang nagtext, unknown number siya pero ang mas kinagulat ko ay ang text niya.

From Unknown Number,

Just wait Natalie Taylor Smith. All that you have will lost. All! And nothing will be left on you.

Yan, yan ang mga nabasa ko na nagpatibok ng napakabilis sa puso ko. Kung sino man to, sana hindi to totoo dahil hindi ito isang magandang biro.

Nagulat ako nang agad bumukas yung pinto ng driver's seat, si Liam lang pala.

"Ok ka lang ba, bat parang gulat na gulat ka?"tanong niya nang makaupo na siya.

"Ahh wala lang to, nagulat lang talaga ako sayo!"sabay ngiti ko ng pilit sakanya.

Tumango siya at inistart na yung makina ng kotse. Habang nasa biyahe ay marami siyang tinatanong sakin pero hindi ako makapagfocus sa pagsagot sa kaniya. Nababahala parin ako sa natanggap kong mensahe kanina.

Nang makauwi na ako sa bahay,
hindi pa rin maalis sa isipan ko yung text na yun. Sino ba ang nagawan ko ng masama, sa pagkakaalam ko wala pa akong taong nagawan ng masama. Ni hindi ko nga manlang napapasok muna sa bahay si Liam dahil lutang na lutang ako. Tinanong niya ako kung ok lang ba talaga ako at pinilit kong pinakita sakanya na ok lang ako at parang nakumbinsi naman siya don kaya nagpaalam na siya sakin at tuluyan nang umalis.

Halos buong gabi hindi ako mapakali dito. Nawala lang yun nang makatulog na ako, pero sana joke lang yun kasi pwede pa akong tumawa dun.

*

Sumapit ang umaga pero yun parin ang nasa isipan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ngayon lang ako ng ganitong threat. Wala rin akong maisip na taong kayang gumawa nito. Alam kong kilala ko siya pero sino ba siya?

Kahit nanginginig ako sa takot, sinubukan ko paring tumayo at maligo.

Matapos kong maligo, magtoothbrush tsaka magbihis ay pumunta na ako sa baba.

"Good morning ate!"bati sakin ni Nathan.

"Good morning twinny!"bati ko rin sakanya kaya napangiti ako.

Umupo na ako para sana kumain nang magsalita si dad.

"How's school twins?"

"Uhmm ok lang naman po tsaka masaya rin naman dad."sabi ni Nathan.

"That's good, ikaw Natalie?"ngayon naman sakin na nakatingin si dad.

"Ok lang naman po dad, maayos naman po yung pag-aaral ko."ngumiti ako kay dad nang pilit. Naalala ko na naman kasi yung message.

Pagkatapos nun, kumain na kaming lahat. Pagkaubos na pagkaubos ko ng pagkain, pumunta na ako sa gate, dun nalang namin hihintayin si Chris. Nagtataka nga ako ehh hindi naman siya nalalate pag pumupunta dito tsaka wala akong good morning na natanggap galing sa kanya. Nicheck ko kung anong oras na pero 7:25 na. Nasan na kaya yun, baka malate na kami niyan.

7:50 na pero wala parin siya kaya naisipan nalang namin ni Nathan na magpahatid sa driver namin.

Saktong 8 nang makapunta kami sa school, at saktong sakto lang sa pagtunog ng bell.

Nagpaalam na ako kay Nathan kasi mas malapit ang room namin kesa sa kaniya.

Siguro nalate lang ng gising yun kaya hindi nakapagtext.

Pagkapasok ko ng room, wala pa si sir, pero ang mas ikinagulat ko ay yung taong nakikita ko ngayon na ang akala ko ay wala pa dito.

Tumingin rin siya sakin pero ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Dumiretso na ako sa upuan ko . Naramdaman kong naglalakad siya papunta sakin kaya nakipag-usap ako kaagad kay Liam na halatang gulat.

"Uhhhmm Nat pwede ba tayong magusap?"ngayon naman nagsalita na siya pero umakto lang ako na parang busy ako sa pakikipag usap kay Liam.

"Nat please?"hinawakan niya ako sa balikat pero tinabig ko lang yun.

"Nat!"ngayon naman, iniharap na niya ako sakanya.

"Ano?"nabigla ako nang mapagtaasan ko siya ng boses, halos lahat ng tao na nandito ay nakatingin na samin o sakin.

"Sorry."yun lang yung mga sinabi niya tapos tumalikod na.

Yumuko ako dahil sa nagawa ko sakanya, ngayon ko lang siya nasabihan ng ganon.

"Natalie ok ka lang ba?"tinanong ako ni Liam kaya tumingin ako ng diretso sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Oo naman, ok lang ako. Ok lang ako."sabay pasok ng prof namin.

Gusto kong umiyak ngayon pero hindi to ang tamang lugar. Siguro si Liam muna ang pagbibigyan ko ng pansin, ayoko muna makipag away sa ngayon, sa kaibigan ko.

***

So please vote if you like the part, comment if you want to say something and please do not forget to be a fan of this story!💜

Thank you!😘

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon