Hannah's POV
"Ohh eto 5000, go alis na!"utos ko sa mga lalaking umaaligid sakin kanina.
Yeah, you read it right, that scene was just an act and it was successful, hahaha!
Kadiri nga nung place ehh, like duhh ang daming basura tsaka ang dilim pa.
Gusto niyo ba malaman kung anong nangyari?
Hmm ok!
*flashback*
Umalis na ako ng room nang sabihin ni CN na umuna nalang ako sa canteen. Pero hindi ako pumunta sa canteen dahil meron pa akong pinaplano.
Pumunta na ako sa dapat kong puntahan, yung Garden. Kung alam niyo lang, sobrang diring diri ako sa lugar na to. Ang daming langaw, basura tsaka hindi presko yung hangin dito at ang dilim pa pero dito ko pa rin isasagawa ang mga plano ko.
Tinext ko na yung mga bodyguards ko na pumunta na sa lugar na to.
Habang wala pa sila, nagsimula na akong mag-ayos, hindi mag-ayos na magpaganda kundi ang mag-ayos na parang inabuso at gagahasain. Hahaha perfection is what I need.
"Ohh nandito na pala kayo, sige maghintay muna kayo diyan!"sabi ko sakanila nang makarating na sila sa garden.
At dahil ayos na ang lahat, tinext ko na si CN.
I'm sure papunta na yun dito, hahaha.
"Ms. Hannah, andiyan na po siya!"sabi ni Kenneth, isa sa mga body guards ko.
"Ohh siya, palibutan niyo na ako, at umacting kayo na ginagahasa niyo ako ahh, pero wag na wag niyo akong hahawakan, parang pinag-aagawan niyo palang ako, understood?"
"Yes Ms. Hannah!"sabay sabay nilang sabi.
Maya maya lang, dumating na si CN. Kaya nagsimula na ako sa pag-acting ko at ayun, sinugod niya yung mga body guards ko pero hindi alam ni CN na mga blackbelters yan kaya sinabi ko sa mga bodyguards ko na wag papatulan si CN.
Puro ilag lang ang ginagawa niya tsaka sumusuntok pag may pagkakataon.
Nang matapos ang bugbugan nila, agad siyang lumapit sakin at binuhat ako, at si ako naman, syempre may mga pekeng luha ang tumutulo galing sa mga mata ko.
Napansin naman yata niya yung damit kong punit punit kaya hinubad niya yung damit niya at isinuot sakin.
May mga sinabi siya sakin na nagpangiti sakin, isang ngiti na parang nagwawagi at hinalikan ang noo ko.
Nang makalabas na kami ng garden, pinagtitinginan kami ng mga tao habang naglalakad.
"Teka diba si Christopher yun, bakit siya nakahubad ng damit at magkasama sila ni Hannah, siguro may milagrong ginawa!"
"Oo nga no, pero knowing Hannah, hindi malayong gawin niya yun pero si Christopher, hindi ehh."
Rinig kong bulungan ng iba. Sige yan ang pag-usapan niyo at nang makarating kay Natalie yan, hahaha.
*end of flashback*
So yeah, tagumpay ang plano ko, ano kayang irereact ni Natalie sa mga nabalitaan niya?
Ohh well, wag muna siyang magpakatanga, marami pa akong plano para sa kanya.
Natalie's POV
Hindi ko parin talaga maisip yung mga naririnig ko kanina, parang imposible lang kasi ehh.
Kanina ko pa hinahanap si Chris para tanungin siya kung totoo ba lahat ng mga narinig ko pero hindi ko siya mahanap.
Kasama ko si Liam ngayon, sinasamahan niya akong maghanap.
"Uhmm Liam, pwede ka naman kasing pumunta na sa room ehh."sabi ko sakanya dahil kanina pa niya ako sinasamahan .
"Hindi, ok lang naman Natalie ehh, wala lang to."sabi naman niya.
"Ehh baka kasi pagod kana o di kaya masakit na yung mga paa mo."
"Sabi ko nga diba ok lang ako, kaya lika na maghanap na tayo para masagot na yang mga tanong mo."
Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa paglalakad.
Chris nasan ka na ba?
Christopher's POV
Nandito ako ngayon sa isang lugar kung saan ako dinala ng mga paa ko.
Isa siyang garden pero hindi na katulad nung isa, itong garden nato, malinis, may mga ibat-ibang klase ng bulaklak. Malalanghap mo ang preskong hangin dito.
Napakaganda dito, parang nakakagaan ng pakiramdam pag nandito ka.
Alam ko, hinahanap na ako ni Nat ngayon kasi nabasa ko na yung mga texts niya sakin.
Hindi ko muna siya nireplyan kasi gusto ko na munang mapag-isa.
Ayoko na kasing palagi nalang si Nat yung palaging nagpapagaan ng loob ko, syempre kailangan ko ring tulungan ang sarili ko.
Si Nat palaging nandiyan para sakin pero ako ni wala manlang alam kung ok ba siya o ano.
Alam ko rin naman kung bakit niya ako hinahanap ehh. Siguro nabalitaan na niya yung tsismis tungkol samin ni Hannah.
Pero kilala ko si Nat, hindi siya naniniwala sa mga ganyang bagay pero kung ako na mismo ang magsabi sa kanya, tiyak maniniwala na talaga siya. Ayaw kasi ni Nat na manghusga muna bago makinig sa eksplenasyon ng iba.
Kaya sobra akong proud na proud dahil siya ang naging kaibigan ko.
Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya pero lahat sila natatakot, hindi dahil kay Nat kundi sakin.
Walang pang nanliligaw sa kanya dahil sakin. Hindi naman sa ayaw ko siyang pasayahin pero kasi natatakot lang ako na may kaagaw na ako sa atensyon niya, na baka tuluyan na niyang kalimutan ang pagkakaibigan namin dahil may nobyo na siya.
Selfish na kung selfish pero yun talaga ehh.
Habang nagiisip isip, may naramdaman akong gumagalaw sa likod ko pero paglingon ko, nabigla ako sa nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
***
Sino kaya yun??
Sige nga manghula kayo!
Free to vote, comment and be a fan.💛
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
Hayran KurguSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...