Chappy 16

221 13 0
                                    


Liam's POV

Nandito ako ngayon sa canteen para bumili ng makakain namin ni Natalie kung sakaling gumising na siya, gutom na rin kasi yun panigurado.

Nasa pilahan na ako nang may makabunggo sakin.

"Ayy, sorry kuya, hindi ko po sinasadya."Isang babaeng parang mas bata pa kesa sakin ang nakabunggo sakin.

"Ah, hindi sige ok lang."nginitian ko naman siya.

Pagkatapos nun agad naman siyang umalis sa harapan ko at dumiretso papunta sa table niya.

Parang ang gaan ng loob ko sakanya pero baka gutom lang talaga to kaya binili ko na agad yung mga paboritong pagkain ni Natalie.

Pagkatapos kong bumili, pumunta na ako agad sa Clinic, baka gising nayun si Natalie.

Pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto, nakita ko na agad si Nathalie na nakatayo at inaayos yung hinigaan niya.

"Ohh, gising kana pala, bat ka agad tumayo, dapat nagpapahinga ka pa. Baka hindi pa kayanin ng katawan mo." Sabi ko sakanya habang nilalagay yung mga pagkain sa mesa.

"Ah hindi, ok na naman ako tsaka kaya ko na rin."tugon niya nang hindi tumitingin sakin.

"Sige kung ganon na nga, lika kumain ka muna. Alam kong gutom kana."

"Ah hindi busog pa ako Liam, ikaw nalang muna yung kumain, may gagawin pa kasi ako. Sige bye!"sabi niya habang nagmamadali.

"Wait Nata---"sinubukan kong tawagin siya pero nakalayo na siya. Anong nangyari sakanya? Bakit parang iwas siya?

Hayy, ilusyon ko lang yata yun.




Natalie's POV

Alam ko maling mali yung ginawa ko pero yun ang nararapat .Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Liam dahil sakin.

Ggrrrlll!

Ano ba naman to, nakakahiya. Nagugutom na ako.

Tinignan ko kung may pera ako sa bulsa ko pero kung minamalas ka nga naman oh, walang pera kahit sintimo wala manlang.

Nandun kasi sa bag ko yung pera ehh yung dala ko lang ngayon ay yung phone at panyo ko.

Tinatamad akong pumunta sa room dahil narin sa gutom ako kaya napagisip-isipan kong palipasin nalang to.

Ughh, san naman kaya ako pupunta nito!

Try ko kayang pumunta muna sa library, bet ko ngayong magbasa.

Dumiretso na ako papuntang library, malapit lang kasi.

Nang makapasok ako, tahimik at kokonti lang yung mga nandito.

Pumunta ako sa pinakadulong section ng mga libro, doon kasi, walang katao tao at talagang tahimik ang lugar na yun.

Kinuha ko yung libro ni harry potter, wala lang type ko lang syang basahin.

Nasa gitna na ako ng binabasa ko nang biglang may kumalabit sakin, pero paglingon ko wala naman. Siguro guni-guni ko lang ata yun kaya pinabayaan ko na.

Pero dun na ako nangilabot nang may kumalabit ulit sakin.

Tumayo na ako at akmang tatakbo na nang makarinig ako ng isang tawa, tawa ng isang lalaki.

Paglingon ko, tama nga ako, isang lalaki. Parang mga 3rd year na yata sa tangkad ehh.

"Ano bang trip mo ha? Kung mananakot ka, dun ka sa iba."ayun nasigawan ko na tuloy siya, kasi naman ehh. Mabuti malayo kami sa mga nagbabasa kundi lagot ako nito.

"Ohh, chillax lang. Hindi naman kasi kita tinatakot ehh, sadyang matatakutin kalang."sagot niya at lumapit siya sakin.

"Uy, anong ginagawa mo. Wag kang lalapit!"paatras ako habang papalapit naman sya sakin.

"Kukuha lang ako ng libro, wag kang oa."at ayun nga nilagpasan niya ako tsaka kinuha yung libro.

"Anong oa ka diyan, hindi ka naman kasi marunong magexcuse."

"So ako naman ngayon yung bastos dito? Ohh siya sige, EXCUSE ME MISS!"aba at diniinan pa talaga niya yung pagexcuse ha.

"Uy mister, wala akong sinasabing ganyan ha, ikaw lang nag-iisip niyan."

"Hindi naman kasi ako mag-iisip ng ganyan kung hindi mo binibigyan ng dahilan."aba kanina pa talaga to ahh.

"Ewan ko sayo, diyan kana, sinasayang ko lang ang oras ko dito, hmmp!"ayun, nakapagwalkout tuloy ako.

"Sige miss, ingat sila sayo!"

Ahhhhhh ,sino ba kasi yung lalaking yun, nakakairita talaga siya.

"Pupunta na nga lang ako sa room, nakakawalang gana nang magbasa."bulong ko sa sarili ko.

Habang nasa hagdan palang ako, parang may nakalimutan ako pero hindi ko naman matandaan kung ano yun, hayyy bahala na nga.

Pagkapasok ko sa room, as usual maingay tsaka tsismis lang yung maririnig mo kaya pinabayaan ko nalang yan, sanay na ako diyan.

Papunta na ako sa upuan ko nang mahagip ng mga mata ko si Christopher na nakatingin sakin, iniwas ko agad yung mga mata ko sakanya. Again, hindi ako galit sakanya, naiinis lang.

Pero kung minamalas ka nga naman oo, katabi ko nga pala si Liam, hayy ano ba naman yan, pano ko siya nito maiiwasan?

"Uhm, Natalie, san ka galing?"tanong niya nang makaupo na ako sa upuan ko.

"Ahh wala, naglibot libot lang."sabay ngiti sa kanya.

"Ahh sinong kasa---"


Kringggggggg⏰


Hay save by the bell. Thank you lord.

"Maya nalang Liam, time na."

Pagkatapos nun, tumahimik na siya at nagsimula nang magdiscuss yung teacher.

Natapos ang klase nang hindi ko pinapansin yung dalawa, ehh basta yun na yun, kailangan ko muna silang iwasang dalawa.

Nagcommute nalang ako, ayoko muna kasing sumabay kay Chris, siguro itetext ko nalang yung kapatid ko na siya nalang muna yung sumabay.

 Pagkauwing pagkauwi ko, nagbihis ako agad sabay higa sa kama.

Makapag-internet nga muna, gusto kong maging updated sa universe, chos.

Kukunin ko na sana yung phone ko nang hindi ko siya nakita sa table na nasa tabi ng kama ko.

Nitry kong maghanap sa bag ko pero wala talaga ehh.

San na naman kasi yun napadpad?

O.   M.   G.     :0

Nasa library yung cellphone ko.

Wahhhhh, tumakbo ako agad papuntang sala para tawagan yung cellphone ko.

Sana naman wala pang nakakakuha nun.

Pero isang ring palang meron na agad sumagot, paktay, may nakakuha na, huhuhu!

"Hello?"

O may gas...

Lalaki yung may hawak nung cp ko.

"Uhmm kuya, ano pong pangalan niyo, yan po kasing cellphone na hawak niyo, akin po yan, so please po kailangan ko po talaga yan."

"Ahh sorry miss ,pero may atraso ka pa sakin, kung gusto mong makuha tong cellphone mo, personal mong kunin ok? Tsaka kilala mo ko, tandaan mo lang na ako si libarary man, hahaha sige hula na."nanlaki literally ang mata ko. Siya? Magnanakaw ba siya at nangunguha siya ng gamit na hindi kanya?

"Wait ika----toot toot toot..."

Wahh yung lalaki kanina sa library yung kumuha ng cellphone ko.


***

Just vote, comment and be a fan.💜


Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon