Liam's POV
Nabigla ako nang agad tumayo si Natalie. Hindi ko narinig yung sinabi niya kay prof. Papabayaan ko nalang dapat siya kung hindi ko nakita yung isang patak ng likido sa arm chair niya. Kaya kumaripas ako ng takbo para sundan siya. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam kay prof ehh.
Nakita kong papunta siya sa rooftop kaya sinundan ko siya. Pagdating dun, nakita kong umiiyak siya. Kaya agad akong lumapit sa kanya at iniabot yung panyo ko.
"Bakit ngayon kalang pumunta dito? Hinintay kaya kita." sabi ko sakanya na halata namang ikinagulat niya.
Lumingon siya sakin. At dun ko nakita yung mukha niyang parang pagod na pagod na. Ayokong nakikitang nasasaktan siya ng ganyan.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ako sinundan? Bumalik kana baka pagalitan ka ni prof."Sunod sunod na pagkasabi niya.
"Ok lang basta kasama kita."nakita ko namang ngumiti siya.
"Che, mga bola mo."pinunasan muna niya yung mga luha niya at inayos yung sarili niya.
"Total nandito ka na rin, may itatanong ako sayo Natalie."seryoso kong pagkakasabi sakanya. Nagkatinginan kami mata sa mata.
"Ano yun?"pagtataka niya.
"Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba ako na hindi ko alam?"tanong ko sakanya. Nakita ko sa mata niya ang pagkabigla.
"Ano ka ba, hindi naman kita iniiwasan ha."tumingin siya sa malayo, napakadali talaga niyang basahin.
"Natalie kung ano man yon, puwede ba tayong bumalik sa dati?"hinawakan ko siya sa braso niya at iniharap sakin.
"Pero Liam..."
"Please?"pagmamakaawa ko sakanya.
"Ok sige, sabi mo eh." Yes! Salamat naman at bati na kami.
"Teka, bakit ka nga pala umiiyak?"out of curiosity kong tanong.
"Ahh wala lang to."hindi ka nga talaga marunong magsinungaling Natalie.
"Si Christopher ba?"tanong ko.
Hindi siya umimik pagkatapos kong sabihin yun, kasabay nang pagtulo ng mga luha niya.
"So, alam mo narin pala. Siguro halatang halata na yung mga kilos ko noh?"pinilit niyang ngumiti pero halata parin yung pagkalungkot niya.
"Bakit kasi sa kaibigan ko pa? Puwede naman sa iba ahh. Bat kay Chris pa?"at dun, umiyak na nga siya.
"Hirap na hirap na ako. Gusto ko nang sumuko pero hindi ko magawa. Gusto kong maniwala na dadating din yung panahon na ako rin, mahalin niya, higit pa sa isang kaibigan. Pero napakaimposible naman kasi eh. Ang sakit na. Ang sakit sakit na."umiyak lang siya ng umiyak.
Yinakap ko siya at binigkas ang mga salitang sa tingin ko ay pwedeng makapagpatahan sa kanya.
"Simple lang naman ang kailangan mong gawin kung ayaw mong masaktan. Iwasan mo ang magmahal sa taong ang tingin lang sayo ay kaibigan lang."bumitaw ako sa yakap at iniharap siya sakin.
"Marami pang mga lalaki diyan Natalie. A man who is deserving of your love. Meroong naghihintay sayo, hindi mo lang napapansin kasi nakatuon ang pansin mo kay Christopher."sabi ko."When someone hurts you, cry a river, build a bridge, and don't forget to get over it."ani ko. Siguro mas mabuting ngayon nalang ako umamin sakanya.
"Mahal kita Natalie."akala ko mabibigla siya pero parang alam na niya.
"Alam ko Liam, at yun ang dahila kaya ako umiiwas sayo. Sayo na nga nanggaling. Someone deserves me and I don't think I deserve you. Marami ring mga babaeng nagmamahal sayo, hindi mo rin napapansin kasi nakatuon yung pansin mo sa akin. Ayokong masaktan kita. Ayokong may nakikita akong nasasaktan dahil sakin. Mas mabuti nang ako nalang ang masaktan kaysa ikaw. Ayokong paasahin ka. Ayokong mahalin ako ng ibang tao habang may mahal akong iba."so alam na pala niya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang nakawala sa mata niya."Ok lang Natalie na umasa ako. Mas mabuti na yon kesa sa hindi ko manlang pinaglaban ang pagmamahal ko sayo kahit alam kong napakaliit ng tsansang maibalik mo sakin at masuklian ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko paring ipakita ang pagmamahal ko sayo. Liligawan pa rin kita Natalie. Lets just call it DO or DIE."
"Pero Liam..."pinigilan kong makapagsalita siya sa pamamagitan ng paglapat ng aking hintuturo sa labi niya.
"Wala nang pero pero. I didn't ask you coz' it was a command. Maghihintay ako. Pero kung dapat na talagang sumuko, susuko ako. Just give me a chance to prove myself to you."at tinanggal ko na ang daliri ko sa labi niya. "When I first met you, I honestly didn't know you we're gonna be this important to me. To be with you , that's all I want."
"Sige Liam. Hindi kita pipigilan sa kagustuhan mo. Ayokong ipagkait sayo ang lahat ng mga bagay na ikaliligaya mo. Pero Liam, hindi ko maipapangakong masusuklian ko ang pagmamahal na gustong mong iparamdam sakin."at dun ako napangiti ng napakalapad.
Yinakap ko siya ng napakahigpit. Para sa akin, ito ang pinakamasayang nangyari ngayong araw nato.
BOOOGGGSSHH!!!
Nagulat kami ni Natalie sa tunog na yon. Agad akong tumayo para sana icheck kung saan galing ang tunog na yun. Tinignan ko rin kung may tao ba don pero wala naman. Ano naman kaya yun?
3rd Person's POV
Nakahanap na pala siya ng kapalit ko? Ganun nalang ba kadali yun? Pero karma na nga tong nangyari sakin. Iniwan ko siya nang walang pasabi. Ang sakit lang naman na makitang may mahal na siyang iba.
Bwiset nga lang kanina, muntik pa akong makita.
Ayokong maging kontrabida sa kanilang dalawa. Kung ito ang kapalit ng lahat ng mga kasalanan ko sa kanya, pwes, tatanggapin ko. Ok lang na ako nalang ang maghirap. Basta makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako.
Christopher's POV
Natapos na yung discussion ni prof pero wala parin yung dalawa. Nasan na kaya yun?
Nabigla rin ako kanina nang biglang umalis si Nat at sumunod naman si Liam. Ano kayang nangyari?
"Goodbye class!"umalis na yung prof, next class na pero wala pa rin sila. Mabuti wala pa yung 2nd teacher.
Maya maya lang dumating na yung teacher namin at kasabay nun ay ang pagpasok nang dalawa.
Nagulat ako nang pumasok sila nang nagtatawanan. Teka, ok na sila? Pano naman ako. Kaming dalawa ng kaibigan ko?
Uupo palang sana si Nat nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Lumungkot yung mukha niya nang makita ako. Wait, may problema ba si Nat?
***
Free to vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanficSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...