Liam's POV
Mabigat man para sakin, mas pinili ko nalang na ako na ang lumapit kay Christopher. Mas mabuti nang ako nalang kesa sa makaharapan niya ang lalaking mahal niya at ang babaeng pinagseselosan niya. Hindi ko kayang makitang nasasaktan si Natalie dahil lang sa gagong yon.
Tumayo na ako pero bago ako lumapit kela Christopher ay nginitian ko muna si Natalie. Bakas sa mukha niya na nag-aalala siya. Alam kong iniisip niya na baka uminit na naman ang dugo ko sa best friend niya. Mahirap para sakin na lunukin ang pride ko, pero para sa babaeng mahal ko, wala akong kayang hindi gawin.
"Christopher!"Ani ko sakanya. Tumingala siya sakin at bakas sa mukha niya ang galit. Huwag kang mag-alala, pareho lang tayong galit sa isa't-isa.
Tumayo si Hannah na para bang aawatin niya kami pero hinarang siya ng kamay ni Christopher na para bang siya na ang bahala.
"Anong kailangan mo?" Aniya.
"Nandito ako para itanong kung anong mga suhestiyon niyo sa activity natin." Ani ko. Tinignan ko si Patrick na nakatingin din sakin. Nasa unahan lang kasi siya sa armchair nila Hannah.
"Hindi ba't mas maganda kung tayong lima ang mag-uusap-usap tungkol sa bagay nato? Bakit hindi kasali si Natalie?" Ani ni Patrick.
"Hindi na kailangan kasi ang sabi niya, kung ano ang pagkaisahan nating apat, doon nadin siya papabor." Gumawa ako ng rason para hindi na siya magtaka. Mas mabuti na't kaming apat lang ang nakakaalam sa problema namin.
"I think it's better if we'll just go and visit Boracay. I'm sure that there's many interesting things we can experience on Boracay."suhestiyon naman ni Hannah.
Tumango si Patrick pero si Christopher, walang tugon.
"Boracay is already common for us students. Sigurado akong yan na rin ang napag-isipan ng iba nating kaklase." Ani ko. Tumango si Patrick pati si Hannah. Napansin kong wala paring tugon si Christopher kaya tinanong ko ito.
"Any suggestions Christopher? Grupo tayo dito pero parang wala kang pakialam." Hindi ko napigilang haluan ng pagkasarkastiko ang boses ko. Tiningala niya ako at parang mas tumindi yung galit niya. Tinignan niya si Natalie na alam kong tumitingin at nakikinig samin. Tinignan niya ulit ako at parang pinapakalma ang sarili.
"I think it's better kung sa ibang bansa tayo pumunta. Alam ko naman na wala kayong problema sa pinansyal kaya mas mabuting sa ibang bansa nalang. Alam kong halos buong pilipinas na ang nilibot ng mga studyante niya noon pa kaya mas maganda kung mas effort tayong mga bago niya hinahawakan."mahabang suhestiyon niya na siya namang tinanguan nang dalawang nakikinig.
"Sang-ayon ako sa suhestiyon mo pero kailangan ko ng specific na lugar kung saan natin gagawin ang activity."tugon ko.
"South Korea." Nabigla ako nang sumulpot mula sa likod ko si Natalie.
"Nandon ang lola't lolo ko. Mas makakatipid tayo kung doon nalang tayo titira. At mas makakahingi tayo ng advice kung saan ang pinakamagandang place na puwedeng puntahan sa Korea. Knowing Korea, maraming sikat na tourist spots doon."
Tumango kaming lahat maliban kay Hannah.
"Ba't pa sa grandparents mo kung puwede naman sa Condong pagmamay-ari ng pamilya ko. Tsaka I'm sure na meron tayong makukuhang magaling na tourist guide doon." Ani ni Hannah. Kung kanina, galit mula sa mata ni Christopher, ngayon naman, sa kanya na. May pinaplano nanaman to panigurado.
"Experience ang kailangan nating i-pass. Mas magagawa natin ng maayos ang Activity nato kung tayo mismo ang gagawa ng paraan para maghanap ng experience sa Korea. Kung kukuha lang tayo ng tourist guide, hindi natin magagawa ang lahat ng gusto natin. Mas mabuti nang tayo ang maghahanap ng mga lugar na pupuntahan natin para sa experience at bonding ng isa't-isa."Tugon ulit ni Natalie.
"But ----"may sasabihin sana si Hannah pero pinutol siya agad ni Christopher.
"I think doon nalang tayo sa suggestion ni Nat, Natalie I mean. Limitado ang oras ng mga tourist guide doon kaya posibleng hindi tayo makakapamasyal sa gabi. Mas mabuting dun nalang tayo sa grandparents niya, mabuti nayun para safe tayo." Ani ni Christopher. Mabigat man sa loob ko pero sumasang ayon ako sakanya.
"Fine! Ano pabang magagawa ko?" Ani naman ni Hannah. Iritang irita na siya panigurado.
Kringgggg⏰
Saktong-sakto, gutom na ako." Ako nalang bahala sa sasakyan natin. Meron naman kaming private plane kaya yun nalang ang sakyan natin." Napatango silang lahat kaya sa tingin ko tapos na ang usapan namin.
Tumayo si Christopher at bigla siyang lumapit kay Nat." Ok lang ba sayo kung sumabay ka saming kumain?"Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Magsasalita na sana ako nang pangunahan ako ni Hannah.
"Why not tayong lima nalang kaya? Bakit siya lang ang inaaya mo CN kung lima naman tayo dito? You're being unfair, aren't you?"aniya at sabay hila kay Christopher papunta sa kanya.
"Pwede namang kayong dalawa na lang ehh. Baka makaistorbo pa kami sa inyo." Ani ko. Gusto kong masolo si Natalie kaya bakit ko siya ipapasama sa kaibigan niyang gago?
Napatingin si Christopher sakin at bumalik ulit ang galit niya sakin.
"Pano naman kayo makakaistorbo eh kaibigan ko naman yang inaalok ko. Tsaka puwede ba, huwag kang masyadong epal."lumapit siya sakin na para bang hinahamon ako.
Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit sa gitna si Natalie.
"Ano ba kayong dalawa? Pwede ba, itigil niyo yang away niyo na yan? Sumama nalang tayo Liam, total gutom narin naman ako at alam kong ikaw rin."tumingin siya sakin at nakita kong parang nagmamakaawa siyang huminahon na ako.
"Ikaw ba Patrick, gusto mo rin bang sumama?" Oo nga pala, nandiyan pa pala siya.
"Ah, sige lang Natalie. Hinahanap na rin naman kasi ako ng barkada ko kaya sige, kayo nalang. Heto nalang yung number ko para may contact kayo sakin kung anong update sa pag-alis natin."ngumiti siya kay Natalie ng napakatamis. Kapansin-pansin tong Patrick na to ah.
"Ahh sige!"nabigla ako nang biglang nilabas ni Natalie yung cellphone niya.
"Huwag!"nabigla ako nang magsabay kaming nagsalita ni Christopher. Napatingin silang tatlo saming dalawa kaya nailang ako.
"Ako nalang. Ako nalang kukuha ng number mo. I-uupdate nalang kita pag may update na."nakita kong nagpipigil nang inis si Christopher pero pinipigilan lang niya.
Mukhang pareho kaming nakapansin sa kinilos ni Patrick kaya mukhang pinigilan niya tong makakuha ng numero ni Natalie.
Minsan talaga napakatanga rin ni Christopher para magbulag-bulagan siya sa nararamdaman niya para kay Natalie. Alam ko at pansin kong mahal niya rin ang kaibigan niya pero hindi niya lang maamin sa sarili niya dahil ang akala niya ay si Hannah ang tinitibok ng puso niya. Totoo nga yata ang kasabihang , Love Is Blind. You'll never realize your feelings to someone unless it's already late. Diyan lang natatauhan ang taong totoong nagmamahal kung alam nilang may kaagaw na sila. Kaya ako, hindi ko hinayaang mabulag ng pag-ibig kasi mas naniniwala akong Love will come to those who wait patiently. Mas mabuti nang unti untiiin kong ilabas ang tunay na nararamdaman ko dahil malay ko, magustuhan niya rin ako.
***
Free to vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...