Chappy 14:Friendship's Over?

255 21 2
                                    

Christopher's POV

Halos buong klase, nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ko naman ginusto na hindi maihatid sila Nat papuntang school. Nagagalit ako sa sarili ko dahil pinaghintay ko sila sa labas.

Ngayon galit na siya sakin. Ayokong magkagalit kami ng bestfriend ko, hindi ko yata kakayaning mawala siya sa buhay ko.

Natapos ang klase pero hindi parin ako pinapansin ni Nat, siguro kailangan ko muna siyang bigyan ng oras o araw para makapagisip-isip siya.

"Hey CN, thank you nga pala sa paghatid kanina, I owe you one!"Hayy, oo tama kayo ng pagkabasa, kaya hindi ko inihatid sila Nat kasi nagpahatid rin si Hannah sakin, hindi naman ako makatanggi kasi nangako ako sa sarili ko at sakanya na hindi ko na siya papabayaan.

*flashback*

Paalis na sana ako ng bahay ng mapansin kong wala yung cellphone sa bulsa ko kaya binalikan ko yun sa kwarto ko.

Nang buksan ko yun, nakakita ako ng isang text message kaya tinignan ko kung sino yun.

From Hannah,

      CN sabay tayo sa pagpasok hapunta ka nalang sa bahay konasira kasi yung kotse ko kaya sayo muna ako sasabaysige hintayin kita:)

Yun agad ang nabasa ko kaya nabigla ako. Kaya nireplyan ko na.

To Hannah,

       Ok sigeI'll be there in 10 minutes!

Sent.

Bumaba na ako ng hagdan para lumabas na nang magsalita si mom,

"Anak ,ikumusta mo ako kay Natalie ahh, hindi na kasi siya pumupunta dito."

Sh*t, oo nga pala, sila Nat pala kailangan ko ring ihatid, ano ba naman yang pinasok mo Christopher.

Agad agad akong lumabas ng bahay para makapunta ako agad sa bahay nila Hannah, siya kasi yung pinakamalapit samin.

Pagdating ko, agad akong bumaba ng kotse at inaasahang makasakay siya agad para maisabay ko nalang rin sila Nat pero nagkakamali ako.

"Uhmm CN pwede bang dumaan muna tayo sa isang dapartment store, may bibilhin lang kasi ako tsaka importante yun ehh, please CN."

"Pero...."

"Please CN, kahit ngayon lang,"

"Ok sige, tara na."wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang sa gusto niya, hindi ko naman kasi siya matitiis ehh.

"Yehey, thank you CN."Tumalon pa siya nun na parang bata, pero ang kinagulat ko ay ang halikan niya ako sa pisnge. Alam ko namula ako nun kaya umiwas na ako ng tingin, nakakahiya.

Siguro itetext ko nalang si Nat na sa driver muna magpahatid, pero kung minamalas kanaman oo, shutting down pre, shutting down.

Haysst, pinagbuksan ko na muna si Hannah bago ako umupo sa driver's seat.

"Uhmm Hannah, pwedeng pahiram ng cellphone mo, itetext ko lang kasi si Natalie,"

"Ohh I'm sorry CN, pero wala kasi akong dalang cellphone ngayon ehh, nasa bahay iniwan ko."

Besfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon