Christopher's POV
6 na ng gabi pero wala pa rin siya, siguro hindi pa niya kaya talaga na makipag usap sakin.
Tumayo na ako at pumunta na sa locker ko, pero pagpunta ko dun nakita kong nakabukas yung locker ni Nat.
Lalapit na sana ako nang biglang lumapit rin si Liam, teka anong ginagawa niya dito?
"Bakit ka nandito, bakit ka pa nandito?"tanong ko sa kanya.
"Ikaw bakit karin nandito?"teka nga, tama ba naman sagutin ng patanong yung tanong ko.
"Ikaw ang tinatanong ko, sumagot ka."inis ko siyang tinignan.
"Magswiswiming sama ka?"p*ta bastos tong lalaking to ahh.
Hinawakan ko yung kwelyo niya pero hinawan niya rin yung kwelyo ko.
Susuntukin ko na sana siya nang biglang humangin ng malakas at kasabay nun ang pagkahulog ng isang sobreng itim na nanggaling sa locker ni Nat.
Pareho kaming napatingin sa sobreng nahulog.
Agad tumibok ng malakas yung puso ko, pero sana mali tong nararamdaman ko.
Binitawan ko si Liam at pinulot yung sobre.
Pumunta kayo sa bakanteng lote sa may Luis street kung gusto niyo pang makita ng buhay si Natalie. 7 sharp.
Yan, yan ang nakasulat sa sobre. Alam kong binabasa narin to ni Liam sa likod ko.
"Umuwi kana, ako nang bahala dito."sabi ko sakanya at aalis na sana nang hawakan niya yung braso ko.
"Hindi naman yata ako makakapayag niyan. Kaibigan din ako ni Natalie kaya kailangan ko rin siyang iligtas."
"Wag na, ako nang bahala dito."pagpupumilit ko.
"Hindi. Kung nasan si Natalie, dapat nandun din ako kaya sasama ako."talagang ang kulit din nitong lalaking to eh no?
"Ehh kung yan ang gusto mo, sumama ka nalang, walang mangyayari kung mag-uusap lang tayo dito habang si Nat nasa piligro."
Tinanguan niya ako kaya umalis na kaming pareho sa campus, madilim na rin kasi 6:30 na pero meron parin namang estudyante dito, mga nagtatake yata ng evening classes.
Sumakay nalang ako sa kotse ni Liam, malayo pa kasi dito yung kotse ko kaya naisipan kong iwanan nalang muna yun.
Habang nasa biyahe, hindi mapakali yung mga kamay ko. Ewan ko ba, parang gusto ko nang bugbugin yung taong kumuha kay Nat.
"Wag kang magalala, magiging ligtas din sa Natalie."
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Liam, siguro tama nga siya.
"Sige, tatawag nalang ako ng pulis, baka sakaling kailanganin natin ng tulong."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. Kaya tulad nga ng sinabi ko, tumawag na ako ng mga pulis at sinabi yung mga detalye.
Liam's POV
Nandito na kami sa lugar kung saan kami pinapapunta ng sulat na yon.
Habang pumapasok sa isang abandonadong bahay, natatakot ako. Natatakot akong may ginawa sila kay Natalie. Hindi ko mapapatawad ang may gawa nito kapag nalaman kong sinaktan nila si Natalie.
Nasa harapan na kami ng pinto.
"Pagbilang ko ng tatlo, papasukin na natin yung loob."sabi ko kay Christoper.
Tumango siya at naghanda na ng kanyang sarili.
"Isa."pagsisimula ko.
"Dalawa."
"Tatlo!"
Agad naming sinipa ang pinto. Ang akala namin ay maraming nagbabantay sa amin para pumasok pero iba ang naabutan namin.
Mga walang malay na mga lalaki.
Mga bugbog sarado at sa tingin ko napuruhan yata.
May gumalaw na isang lalaki kaya agad ko siyang pinuntahan at kinuwelyuhan.
"Nasan si Natalie, anong ginawa niyo sa kanya?"Galit na galit kong pagkasabi sa kanya.
"Wala na siya, may ibang taong kumuha sa kanya."
"Ano?"tssk sino naman kaya yun.
"Sumagot ka, sino ang kumuha sa kanya?"Nagulat ako ng biglang sumingit si Christopher.
"Hindi ko siya kilala, pero sa tingin ko, ang lalaking yun ang lumigtas sa babaeng tinutukoy niyo?"
Binitawan ko na yung lalaki dahil nawalan na ulit siya ng malay.
Kung ligtas si Natalie, sino ang nagligtas sakanya?
Kinuha ko yung cellphone ko at ni-dial ang number ni Natalie.
Isang ring lang ay may sumagot na agad.
"Hello Liam?"teka si Natalie nga.
"Natalie, nasan ka? Ok kalang ba? Sino kasama mo?"sunod sunod kong tanong sa kanya. Siguro dala narin yun ng pagaalala ko sa kanya. Naramdaman kong tumingin sa direksyon ko si Liam kaya lumapit siya sakin.
"Nasa bahay na ako. Tsaka ok ako. Ako lang mag isa dito sa kwarto ko."
"Totoo bang may nagligtas sayo?"
"Teka, pano mo nalaman?"
"Wala ng maraming tanong, sagutin mo nalang ako."hindi ko na napigilang hindi siya sigawan.
"Si Xander."malumanay niyang sagot.
"Sinong Xander?"sino naman tong lalaking to?
"Basta si Xander, sige na matutulog na ako. Thank you sa concern, Bye!"binaba na niya yung tawag.
"Ohh anong sabi ni Nat?"tanong ni Christopher.
"Ok na siya."
Umalis na kami sa lugar na yon. Bukas ko nalang siguro tatanungin si Natalie kung anong nangyari. Tsaka kung sino ang Xander na yun.
3rd Person's POV
"Wahhhhhhhhh, you all are idiots. Isang lalaki lang tapos kayo ang dami dami. Mga bwisit!"
Humanda ka Natalie, nakatsamba kalang ngayon, at hindi na mauulit yon.
******
Please vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...