Christopher's POV
Nandito kami ngayon sa Cafeteria, katabi lang ng unibersidad. Eksaktong 12 nung makapunta kami dito. Nakahawak sa braso ko si Hannah habang sila Liam at Nat ay nasa likod lang namin. Pinili namin yung table na pang-apatan. Umupo kami nang wala manlang kahit isang nagbalak na magsalita. Ayoko ng ganitong katahimik kaya ako nalang ang nagsalita.
"Anong gusto niyo? Ako nalang ang mag-oorder."tinignan ko sila at hinintay ang mga sagot nila. Nagsitinginan naman sila sa menu.
"Uhmm, CN, I want House-Squeezed Orange Juice tsaka Croque Americaine."ani ni Hannah. Ngumiti siya sakin at hinawakan ulit ang braso ko.
"Ikaw Natalie? Anong gusto mo?" Nagsalita si Liam at hindi ko napansing kumuyon ang kaliwang kamao ko sa ilalim ng mesa. Ano bang nangyayari sakin. I hate this damn feeling.
"Ahh kahit ano nalang, hindi naman ako masyadong gutom."nginitian naman ni Nat si Liam kaya parang nainis ako.
"Ahh, Nat gusto mo bang i-order nalang kita nung gusto mo? Yung french fries tsaka ice cream?"muntik ko nang makalimutan na yun pala palagi ang binibili namin noong nasa lower grades palang kami. Tumingin siya sakin at nagliwanag ang mukha niya.
"Uhmm, sige, total namiss ko na rin yun."nginitian niya ako kaya napangiti narin ako sakanya.
"Ikaw Liam? Anong order mo?"kahit inis na inis ako sa taong to ay kinimkim ko muna yon, para sa best friend ko.
"Burger nalang tsaka Iced tea."aniya.
"Sige, kukunin ko muna ang order niyo."tumayo na ako at pumila papuntang counter. Habang nasa pila ay tinignan ko muna ang pinanggalingan ko. Nakita kong busy so Hannah sa kanyang cellphone at si Nat naman ay kausap si Liam. Hindi ko marinig ang usapan nila dahil may kalayuan ang counter sa table namin. Gusto kong marinig kung anong pinag-uusapan nila. Gusto kong malaman kung bakit nakangiti si Nat habang kausap si Liam. Gusto kong malaman kung bakit ako nakakaramdam ng selos kapag nakikita ko silang magkasama. Siguro may takot lang ako na baka maagaw ng Liam na yun ang atensyon ni Nat para sakin. Siguro takot akong mawala ang pagkakaibigan naming dalawa. Yung pakiramdam na gusto mong maging selfish kahit minsan. Tumalikod ako at itinuon nalang ang pansin sa pila. Huhupa rin to. Sana...
Natalie's POV
"Pwede bang ako ang maghatid sa inyo sa bahay niyo mamaya?"napatingin ako kay Liam dahil sa sinabi nito. Kakatayo lang yun ni Chris para omorder Tinignan ko si Hannah kung nakikinig ba ito pero sa tingin ko ay hindi dahil busy sa cellphone niya.
"Bakit?"ani ko.
"Natalie, you know that I'm courting you and as your suitor, I have my responsibilities on you."uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Am I blushing? Hindi ko alam pero parang ang swerte ko kasi ako yung pinaglalaanan ng oras niya.
"Hindi mo naman na kasing kailangang gawin yon."nginitian ko siya at siya rin, ngumiti sakin.
Hinawakan niya ang kamay ko."Bakit naman? I just want to make sure that you're safe."
"Sige hindi na ako magpupumilit."ani ko.Hawak hawak parin ni Liam ang kamay ko nang biglang ilapag ni Chris ang mga pagkain sa lamesa. Sabay kami ni Liam na napatingin sakanya at kahit na si Hannah na busy sa cellphone kanina ay napansin din ang ginawa ni Chris.
"Oopppss, nadulas."ngumiti si Chris saming tatlo at umupo na katabi ni Hannah. Ipinagbalewala nalang namin yon at kinuha ang mga pagkaing inorder ni Chris.
Kumuha ako ng french fries tsaka isinawsaw sa ice cream ko. Natutuwa ako kasi makakakain nanaman ako ng paborito ko.
Isusubo ko palang sana yung french fries pero napansin kong nakatingin si Chris at Liam sakin. May dumi ba ako sa mukha? Inilayo ko na muna yung french fries sa bibig ko at tinignan yung dalawa. Nag-iwas naman sila agad ng tingin nang mapansin nilang nakatingin ako sa kanila.
"Anong problema niyo? Bat kayo nakatingin sakin?"tinignan nila akong dalawa na para bang wala silang alam.
Nagsibalikan sila sa pagkain kaya kinain ko narin ng lubos yung french fries. Ang sarap! Para akong batang kakakain palang ng ice cream sa laki ng ngiti ko. Kumuha ulit ako ng isa at idinildil ko sa ice cream ko at napapikit nalang dahil sa sarap. Ewan ko ba pero nasasarapan talaga ako kapag nakakakain ako nito. pareho kami ni kambal ng paborito kaya ito minsan yung kinakain namin kapag lumalabas kami para kumain.
Pagdilat ko ng mata ko ay nagulat ako nang makitang nakatingin ulit sakin yung dalawa nang nakangiti.
"Hoy! Ano ba kayong dalawa? Kanina pa kayo tingin ng tingin ehh! May dumi ba ako sa mukha?"pinunasan ko ang mukha ko at tinignan ko kung may natanggal ba akong dumi, pero wala naman.
Tumingin ulit ako sa kanila at nakita kong pareho parin silang nakatingin at nakatingin sakin.
"Ano ba! Naiilang ako sa mga tingin niyo!"napatingin si Hannah sakin, napalakas na yata yung boses ko.
"Nothing. You look so cute while eating your food to the point that I can't take my eyes off of you."naramdaman kong namula ako sa sinabi ni Liam. Hinampas ko yung balikat niya ng mahina. "Nambola kapa."tinignan ko si Chris at nakita kong nakabusangot na siyang nakatingin saming dalawa ni Liam. "Huy! May problema ba?"tawag ko sakanya.
"Wala. Sige na. Ubusin mo na yan para makabalik na tayo. Malapit nang mag-afternoon class."aniya. Bumalik na siya sa pagkain niya kaya pinagpatuloy ko narin yung pagkain ko.
Mga 12:45 na nang makalabas kami sa Cafeteria at pumanhik pabalik sa school. Nasa likod kami nila Chris habang nakahawak si Hannah sa braso nito. Wala samin ang umiimik hanggang sa makapunta kami sa room namin. 5 minutes before time nang pumasok ang subject teacher namin. Naghanda na ang lahat at nakinig na nang magsimula ang klase.
***
Please vote, comment and be a fan.💜
BINABASA MO ANG
Besfriends or Lovers?
FanfictionSabi nila, kapag sobrang malapit na kayo ng bestfriend mo, hindi malayong maging kayo sa huli, pero pano naman kung bestfriend lang talaga ang turing niya sayo? IPAGLALABAN mo pa ba, o SUSUKO ka na? Ano ang pipiliin mo, ang maging magkaibigan nalang...